C17

3.2K 222 37
                                    

Dedicated to:
@nixcineji
@Shaine_Trimor15
@verly87654321
@HNTKGYM



"Saan ka ba nagpunta?Bakit wala ka kahapon?"
Tanong ni Chess,nasa tabi ko siya ngayon habang ako nakatingin lang sa harap habang nag di-discuss si Miss.

Hindi naman talaga ako nakikinig,hindi lang talaga mawala sa isip ko dahil hinalikan ko si Cloud sa bar nung lasing ako.Unti-unti ko kaseng naaalala yung nangyari.Biglang sumagi sa isip ko ang mga imahe niya nung binihisan niya ako.

"Hoy!kanina ka pa tulala diyaan!"
Saway ulit niya dahil kanina pa ako hindi umimik.

Dapat si Sky naman talaga ang nagmamay-ari ng halik na yun e!

"Nagkasakit lang ako kahapon kaya absent ako." I lied.

Pa
sensya na Lord,white lies lang...

"Sure ka?Pansin ko lang kase,absent kayong dalawa ni Cloud."

I immediately turned to Chess.

"H-huh?Talaga?"
Calm down,Sash.Baka mabuking ka.

Kumunot ang noo niya at tumango.

"Pa'no mo nalaman?E hindi naman talaga yun pumapasok." Kunwaring tanong ko para mabawi ang posibleng iniisip niya.

"Kahapon,pumasok si Sky without Cloud e sabay naman 'yang hindi papasok kung wala sila sa mood."
Napa ahh naman ako.

"MS. VALDICO!WHAT ARE YOU TWO TALKING ABOUT?!"

Nagulantang kami ni Chess dahil nasa harapan na namin si Ms.

"Sorry Ma'am este Miss."
Mahina kong ani.

"Ms.Valdico,stand up!Solve this easy equation.Evaluate f(x)=−a³+6a−7 at a = – 1 and state the remainder.And the punishment, don't use calculator."

Napalunok ako.Bobo ako sa math kahit 'easy' yung equation!Hindi kase ako nakinig!Lalo na't walang calculator!

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa harap.Nakatulala lang ako sa board.

"Ang simple lang pero walang maisagot."

"Bobo kase."

"Go,Sash!"

"Bobo naman..."

Napasimangot ako.Edi bobo na,kayo na ang matalino!

"Ahm,Miss..."

Nagtawanan ang kaklase ko,rinig ko namang sinaway ng tatlo kong kaibigan sila.

"Wala kang maisagot?Sinong mag volunteer?" Tanong ni Miss sa class.

Natahimik naman ang lahat lalo na yung nagsabing bobo ako!Ayan,bobo din pala ang mga 'to!Akala mo naman matalino.

"No one?"

Napatingin ako kay Cloud,nanghihingi ng tulong pero nginisihan lang ako!Natutuwa siya dahil nahihirapan ako.Napasimangot ako.Walang kwenta!

Nabigla ang lahat ng nagtaas ng kamay si Sky at tumayo.Gusto kong sumigaw sa kilig pero I just remembered na...may nagmamay-ari na sa kaniya.

Pero hindi pa naman huli ang lahat hindi ba?Susubukan ko ulit.

"Okay,Mr. Elperes."

Walang kahirap hirap si Sky na sagutan iyon.Sana lahat.Hindi pa siya gumamit ng calculator.

Ang sarap dukutin ng utak niya at itapon yung sa'kin.

Inexplain pa niya ang sagot.

Napatango-tango naman ako,medyo gets ko na hindi.Gan'on ako kabobo.Yung tipong nag memorize ka na nga ma me-mental block naman!

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now