Hindi ko man lang namalayan na sa kakatakbo ko ay may nabangga namam akong bulto nang isang tao. At guys, napakabilis lang ng mga pangyayari dahil natapunan lang naman yung suot kong uniform ng juice na dala-dala niya.

"Hala!"

"Oh my god!"

Halos sabay naming Sabi. Late reaction nga lang sa lagay na yun. Pero ang ikinabahala ko, kasi ngayon ay itong suot ko. Paktay, wala pa naman akong extrang damit na dala kasi nga ay tumigil na ako sa pagdala nun since tinigil na ni Miss Astrid ang, you know, pangbubully sa akin.

"Shit, I'm sorry, miss, if I ruin your uniform, ahm, what shall I do? Fuck!" Napatakip naman ako sa tenga ko sa lakas ng boses niya, isama mo pa yung pagmumura niya. Sabihin niyo ako ng ignorante o ano diyan, pero hate ko talaga yung palamura huhu.

Bad words  kasi yun.

Parang nagtaka naman tong babaeng nabunggo ko kung bakit di ako nagsalita dahilan para lumingon ito sa akin. At guys, maniwala kayo o sa hindi ay bigla nalang nag slow motion ang paligid sabay panlalaki nang mata ko sa babaeng nakita ko sa aking harapan. Woah! Siya yun-siya yung babaeng umiyak nung sa corridor dalawang linggo na ang nakalipas.

Infairness ang ganda niya.

Hindi ko kasi klaro ang mukha niya noong nasa hallway na ganap. Mahaba at itim na itim ang buhok na sobrang straight at yung katawan niya ay parang coca-cola sa ganda. Ilong na matangos, kilay na natural na maporma. Her seductive yet natural red lips at yung mata niya rin na katulad kay Jamie na singkit.

And the way she talks, ay may lumalabas na parang bilog na malalim sa isang pisngi niya. Grabe, diyosa ba siya? Ang ganda niya huhu. Konti nalang iisipin ko na talaga na hindi tao ang mga nag-aaral dito eh kundi mga diyosa.

Ako lang talaga yung dugyot na naligaw dito sa lupa.

"Hey, are you alright, miss? May masakit ba sa'yo?" At yung boses niya ang ganda. Parang-parang dinuduyan ka. Hindi sa oa ako, pero yun talaga eh.

"Hey, miss? Can I take you to the hospital now? Come on, I insist." At doon na ako nagising nang marinig ko ang salitang hospital. Ano daw? Bakit naman, kaya? May sugat ba ako o siya? Taka ko naman siyang tinignan bago inayos ang salamin ko.

"Hala-huwag na nakakahiya at tsaka isa pa wala naman akong sugat at natapunan lang po ako ng juice na dala mo." Mahinahon kong sabi sa kanya at inayos ang sarili ko. Magsasalita na sana siya ng may biglang tumawag sa pangalan ko dahilan para mabaling ang atensyon namin dito.

"Raine!"

Hinihingal na saad ni Jamie, nang makarating siya dito sa harapan ko o namin. Nagtataka ko naman siyang tinignan lalo na sa mukha niya na parang umiiyak na ewan. Medyo mugto kasi yung mata niya.

Luh anyare sa kanya? May umaway ba sa kanya?

"I'm sorry, pala kanina sa nasabi ko sa'yo ahh? Hindi ko naman yun intensyon yun It just like na mali ang pagkakaintindi mo-at ohh!" Mukhang nagulat naman siya nang mag-angat siya ng tingin.

Nakita ko naman na may tinignan siya sa likod ko at bahagyang nagulat naman ako o kami ng kasama ko isama mo pa yung ibang estudyante dito nang biglang tumili at nagtatakbo yung babaeng bumangga sa akin papunta kay Jamie na karga na siya ngayon.

"Kyaaaah! I miss you, chipmunk, huhu ang tagal nating hindi nagkita. Mwuah mwuah mwuah." At hinalik-halikan lang naman po niya sa Jamie sa buong mukha habang si Jamie naman ay mukhang nairita sa inasta ng babae.

"Fuck-shit, stop Nicole! Bumaba ka nga!" Parang bata naman na sumunod yung isa. So Nicole, pala ang pangalan niya?

"Ang sungit mo naman. Still the same grumpy, huh?!" Humalukipkip na saad nung Nicole habang si Jamie naman ay inayos ang sarili niya bago hinarap yung isa ng nakakunot ang noo.

So magkakilala sila?

"And you still childish, huh?" Pagpa fire back ni Jamie dahilan para mahampas siya nung isa sa balikat.

"I hate you, hmp!" Umiling lang naman si Jamie bago ako tinignan dahilan para mapalingon rin yung Nicole sa akin.

"Raine anong nangyari sa'yo? Ba't ganyan ang uniform mo?" And I realize na basa pala itong suot ko. Woahh! Paktay na-paano na ako nito ngayon? Huhu wala pa naman akong extrang damit.

"Ahm, actually, it's my fault, hihi." Napalingon naman si Jamie kay Nicole nang magsalita ito at kunot noo siyang tinignan.

"You what? What are you talking about, Nics?" Hala huwag nilang sabihin na mag-aaway pa sila dito? Lagot. Sasagot pa sana si Nicole ng may biglang nagsalita sa likuran namin dahilan para mapalingon ako, or more like kami sa ikalawang pagkakataon.

Di naman halatang ang daming umeeksena ngayon, noh?

"What's happening here?"

Saad ng taong ilang linggo nang hindi mawala sa isip ko lalo na yung ginawa niya na nagpagulo sa puso ko. Napalingon naman ako dito at nakita ko itong matamang nakatingin sa akin dahilan para mangatog ang tuhod ko sa di malamang dahilan.

Ayan nanaman yang tingin niya nakakapanghina ng tuhod.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now