𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 1

45 3 0
                                    

" mananatiling ikaw lamang ang 'aking gusto, kahit malabo mang maging tayo. masmananatili akong magpakarupok hangga't ang puso ko'y ikaw lang ang siyang tinitibok. "

Credit of the owner; jhon terrence ortiz.

-----------



DAHAN-DAHAN kung iminulat ang aking mga mata. Isang lumang kesame at punong-puno ng pawid ang bumungad sa paningin ko. Nangingitim na rin sa gabok ang gilid ng kesame at idagdag pa ang ilang butas nito dahil sa inaanay na rin ito. Napahinga na lamang ako ng malalim at mapait na ngumiti kasabay ng pagpunas ko sa isang butil ng aking luhang dumaloy sa aking pisnge.

Napanaginipan ko na naman ang nangyari sa mga magulang ko. Ilang taon na ang nakalilipas at para bang sariwa pa rin sa akin ang pangyayaring iyon. Talagang mahirap kalimutan ang isang trahedya kahit na bata ka pa lang. Hindi mo na ito maiaalis pa sa iyong ala-ala at habang buhay mo na itong dadalhin hanggang sa huli mong hininga.

Mariin ko na lamang ipinikit ang mga mata ko saka bumuntong hininga at sa pagmulat ko. Isang magandang ngiti ang pinakawalan ko sa aking labi. Naalala ko. Noong bata pa lamang ako ay nais ko ng maging kagaya ni cinderella. Magalang, mapagmahal at masipag. Higit sa lahat ay maunawain. Mukhang maihahalintulad ko na ang buhay ko sa kwento ng buhay niya sa libro.

Namatay ang mga magulang niya, tumira sa kaniyang madrasta habang inaapi ito. Habang ako naman ay tumira sa sarili kong tahanan at kinukop ng aking tiya. Ang kapatid ng papa ko. Simula ng mangyari ang trahediyang iyon ay siya na ang kumopkom sa 'akin. Siya na lang kasi ang kaisa-isang kamag-anak ko sa mundong ito. Patay na si lola at wala namang ibang kapatid ang mama ko.

Kaya't ganoon na lamang kalaki ang utang na loob ko kay tita. Kahit na kinamumuhian niya ako at May galit siya sa magulang ko. Kinupkop niya pa rin ako. Ganun paman, hindi naging madali ang buhay ko nakasama si tita at ang tatlo niyang anak.

Bumangon na ako at nagunat-unat na para bang isang magandang araw na naman ang sasalubungin ko ngayon. Napatingin ako sa isang maliit na bintana. Medyo mataas ito at Basag na kaya't pumapasok mula roon ang sikat ng araw. Napangiti ako lalo na ng makita ko ang napagandang kalangitan na kulay asul. Kita ko rin ang mga ibong masayang lumilipad kasama ang kanilang pamilya.

" magandang umaga sky." bati ko sa aking sarili at ginaya ko pa ang tono ni mama sa tuwing gigisingin niya ako sa umaga. Napalingon ako sa pintuan ng makarinig ako ng ingay sa labas. Napabuntong hininga na lamang ako at sandaling nawala ang ngiti sa labi ko. Umaga pa lang nagkakagulo na sila sa labas. Rinig na rinig ko na rin ang boses ng mga pinsan ko na halos pumiyok sa pagtawag sakin.

" sky! Ano ba? patay ka na ba at hindi ka pa nabangon diyan ahh?"

" na saan na ang unform ko? Sky!urgh!"

" hindi ka ba talaga bababa diyan sa lungga mo?!"

Napailang na lang ako at bumaba na sa kama. Inayos ko na muna ang kama ko bago lumabas ng kwarto. Hindi ako nagising ng maaga ngayon dahil naglaba pa ako kagabi ng mga damit at mukhang ala una na ako natapos. Ganito ang routine ko sa buhay. Maglilinis ng bahay at pagsisilbihan sila. Iyon ang bayad ko sa pagkopkop nila sa 'akin. Wala na naman akong magagawa pa dahil sila na lang ang natitirang kamag-anak ko, gayon paman. Nagpapasalamat pa rin ako at hindi nila ako pinabayaan na mag isa.

The Darling Of UniverseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz