―◇𝐏𝐀𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀◇―

122 9 0
                                    



𝐁𝐀𝐓𝐀 pa lamang ako. Hilig ko na ang magbasa ng mga fairytales story tulad na lamang nila cinderella, snow white, sleeping beauty at iba pang tungkol sa mga prinsesa. Hindi ko alam pero labis akong kinikilig sa tuwing nababasa ko ang kwento nila. Lalong -lalo na ang kwento ni cinderella. Ito ang pinakapaborito kung kwento. Lahat naman tayo'y hangad na magkaroon ng happy ending tulad ng kwento ng mga fairytales.

Sa tuwing papatulugin ako ni mama. Ang kwento lagi ni cinderella ang kinukukwento niya s'kin. minsan nga ay nagtataka si mama kung bakit hindi ako nagsasawa sa kwentong ito. Isa lamang ang lumabas sa bibig ko noon. Nais kong maging kagaya si cinderella at mahanap ang tunay na pagibig ko......Ang tunay kong prinsipe.

" apo. Naniniwala ka ba sa happy ending?" tanong ni lola. Malalim na noon ang gabi. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang magandang damuhan sa likod ng bakuran. Tinatanaw ang bituwin sa kalangitan na tila nagniningning. Idagdag pa ang bilog na bilog na buwan na napakaliwanag.

Hindi namin alintana ang kadiliman dahil sa napakaliwanag na buwan na iyon. Kitang kita ko ang mga halaman, bulaklak at punong nakapaligid sa amin. Dito kami nagbabakasyon nila mama tuwing summer upang kahit papaano ay mabisita namin si lola. Siya na lamang kasi ang naninirahan dito sa bicol. Minsan nga ay isinasama na siya ni mama pauwi ng manila dahil wala naman itong kasama dito pero si lola na mismo ang tumatanggi.

Ayaw niyang iwan ang minsang naging tahanan nila ng kaniyang una't Huli niyang inibig. Si lolo verto. Simula ng mamatay si lolo ay hindi na niya iniwan ang kanilang lupain dito. Inalagaan niya ito ng husto kahit na wala na ang kaniyang kabiak. Maagang namatay si lolo dahil nagkasakit ito ngunit hindi iyon naging hadlang upang maputol ang kanilang pagmamahalan dalawa.

Si lola rin ang dahilan kung bakit naibigan ko ang mga fairytales stories dahil ang kwento nilang dalawa ni lolo verto ang una kung napakinggan at hinangaan. Si lola rin ang nagsabi sakin na lahat ng kwento ay may happy ending. Isang napakasariwang hangin ang umihim upang sumayaw at magingay ang mga puno't halaman.

Nagtaka pa ako noon ng makita kong pumikit si lola kasabay ng pagihim ng hangin. Masyado pa akong bata noon kaya't palatanong ako. Sinabi niyang masarap damahin ang hangin kung ipipikit ko ang mga mata ko. Masmararamdaman ko raw ang pinaparating ng hangin sa 'akin.

Simula ng sabihin iyon sakin ni lola ay ginagaya ko na rin siya at tama naman ang sinasabi niya. Gumagagaan ang pakiramdam ko sa tuwing ginagawa ko iyon. Nakakawala ng pagod at problema.

" Oo naman lola. Diba ikaw na ang nagsabi sakin na totoo iyon?" tuwang tuwang sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Nakatanaw lamang ito mula sa malayo na para bang may hinihintay siyang tao. Batid ko rin ang kalungkotan sa kaniyang mga mata. " nagkamali pala ako apo. Hindi lahat ng kwento ay nagtatapos sa masayang wakas." may lungkot na sambit niya dahilan upang makaramdam din ako ng kalungkotan.

" paano niyo naman po iyon nasabi lola? hindi ba't masaya naman ang naging wakas nila cinderella? ganoon din ang Kwento ng iba-----" hindi ko na naipagpatuloy ang aking sasabihin dahil bigla na lamang lumingon sa akin si Lola.

Bakas sa mukha nito ang matinding kalungkotan at pangungulila sa isang tao. " hindi lahat ng kwento ay nagtatapos sa masayang wakas." aniya at muling sumilay sa kalangitan, sa milyon-milyong bituwin. Hindi ko inalis ang Paningin ko kay lola. Nanatili akong nakatingin dito habang pilit kung hinahanap kung bakit binabawi niya ngayon ang mga sinasabi niya noon sa akin.

Masyado pa akong bata para maintindihan ang mga sinasabi niya pero sa mga oras na iyon. Hindi ko mawari kung bakit sobra akong naapektohan sa sinabi niya. " Alam mo ba ang kwento ang tunay na pag-ibig?" tanong niya at muling tumingin s'kin. Sa pagkakataong iyon, nakangiti na siya. Wala na akong makitang lungkot sa mga mata niya. Noong mga oras na iyon. Maslalo ko siyang hindi maintindihan. Gusto ko na sanang umiyak noong mga panahong iyon dahil sa sinabi niya pero hindi ko na naituloy dahil sa kakaibang ngiti niyang iyon.

The Darling Of UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon