Tuwang tuwa ako ng napalipad na ni Roi yung saranggola at pinasubukan nya sa akin na hawakan yung handle ng pisi na nagkokonekta dito. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay nagkacatch up ako sa mga nawalang oras sa akin noong bata ako na hindi na ako nakakita.

Kadababagsak yung saranggola ay nakaalalay si Roi para mapalipad ulit iyon habang ako ang nagmamaniobra dito gamit ang pisi.

Mayamaya ay nakigulo din si Riyon sa amin at ginawa nya kong modelo ng saranggola dahil panay kuha nya sa akin ng picture gamit yung isang cellphone nya. At napapataas ang kilay ko sa kanya dahil kada maglalock iyon ay hindi sya magkandaugaga kung paano maa-unlock yung phone nya.

"Ninakaw mo lang yan noh? Di mo mabuksan eh.." alaska ko at napatingala ako sa saranggola na sumusunod sa ihip ng hangin sa itaas.

"Gagu!" sita nya sa akin kaya natawa ako pero natigilan ako ng sinuntok sya ni Roi sa likod nya. Pigil ang ubo nya sa sakit.

Sinamaan ko ng tingin si Roi. Parang tanga kung makapanakit ng kaibigan nya!

......

"Maraming salamat sa inyong dalawa... nag enjoy talaga ako." masayang saad ko sa kanila. Napakamot sa batok nya si Roi at parang nahihiya. Samantala si Riyon naman ay ngiting ngiti. Nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

"Goodnight hug na ang magtropa!" masayang tulak ni Riyon kay Roi papunta sa harap ko. Parang nanigas kami sa itsura naming pareho sa lumabas sa bibig ng kaibigan nya ang katagang yan!

Bigla akong natense sa buong paligid sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko maintindihan kung anong klase itong tense na nararamdaman ko, takot ba o ano? Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil bakit pinasadahan ko ng sulyap ang kabuuan ni Roi!? Biglang pumasok sa isip ko na isa syang warm na bear!Ngayon ko napansin na parang ang sarap nyang yakapin kase recently lagi syang nasa tabi ko at madalas man na binubwisit nya ko eh napapagaan nya ang loob ko! Marahil sa araw araw na kasama ko sya at bukod sa pamilya ko ay komportable ako na nasa paligid ko sya.

Maski si Roi ay parang nataranta sa ideya na mag-goodbye hug ako sa kanya.

"Ayaw mo?" inosenteng tanong ni Riyon kay Roi kaya pareho kaming naputol sa malalim na pag iisip.

"Woh! Eh! Di ako na lang!" anunsyo ni Riyon na kinataranta ko sa takot! Papahakbang na sya palapit sa akin kaya sobrang naalarma na ang buong sistema ko. Pero bago pa sya tuluyang makalapit sa akin ay hila na sya sa buhok ni Roi pabalik sa tabi nya!

"Bida bida o kulang sa aruga?" sarcastic na tanong ni Roi kay Riyon na natatawa.

"Ang tatalande nyo kase! hug lang aba'y akala mo maggu-goodnight kiss ang drama ng mga mukha nyo!" lintaya ni Riyon na sabay namin ikinahina ni Roi. Hayop na babaeng 'to!

Nung nakarecover si Roi ay sinabunutan niya si Riyon.

"Hayop ka! Bakit ka pa nagsisimba?? Nagkakalat na ang ugali mo ngayon Riyon!" inis na saad ni Roi. Ewan bakit napangiti ako habang pinapanuod ko sila. Para silang magkapatid at sobrang komportable nila sa isat isa.

"Ayaw kitang kausap! Lumayo ka nga!" singhal ni Riyon at naitulak nya si Roi palayo sa kanya. Napakapilya ng babae na abo ang kulay ng mga matang ito! Nakalapit sya sa akin at isang hakbang lang ang layo nya sa akin.

"May manliligaw ka?" tanong nya kaya nagwawala na si Roi sa gilid nya na hindi naman iniintindi ni Riyon iyon at napailing ako kaya napangiti sya. Don't tell me may balak sya----

"Manliligaw daw si Roi sayo... Give my friend a one chance please? Kahit gawin mo pa kaming modelo ng chocolate ng mommy mo.. Promise bebenta yan kapag kami ang endorser nyan! For free na ang talent fee! Hindi ka lugi sa aming magkakaibigan kase kahit papaano may ganda naman kami lalo na si Wynter kapag nakilala mo sya pero ako ang pinakamaganda kaya sigurado sa akin palang mataas na kita nyan.... sunod lang si Wynter na pinsan ni Roi..." dire-diretsong saad nya na kinalaki ng mga mata ko na syang kinaputla ni Roi ng mukha. This time mas malala ang pagtigil ng paligid at puso ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko sa ideya na ibig ni Roi na manligaw sa akin.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon