"Bawal!"
Masungit na si Polene.Natawa naman ako.
Hindi kase sila magkasundo.

Tinaasan ni Drew ng kilay si Polene.

"Si Sasha ka ba?Siya ang tinatanong ko,hindi ikaw."

Nag make face nalang si Polene dahil walang maisagot.Umupo sa gilid ko si Drew at inakbayan ako!

"Anong pinag-uusapan niyo?"
Nakangising tanong niya.

"Chismoso."

"Girls talk only!"
Dagdag ni Karina.

"Ay hala!Akala ko talaga babae ka po."
Pang-aasar ni Polene na ikinainis ni Drew.

"Gusto mo bang mabusog ng siyam na taon?"

Nasapo ko nalang ang noo ko.

Habang nag-aaway ang dalawa nasisiyahan naman sila Chess at Karina.Sumulyap ako sa gawi nila Cloud.Sinusubuan siya ni Elise pero tinanggihan niya ito.

Napasinghap ako ng kaunti nang naglandas ang tingin namin!Bakit niya ako palaging nakikita!Wala siyang kung anong emosyong pinapakita sa'kin.Bumaba ang tingin niya sa braso ni Drew na nakaakbay sa'kin.May bahid na inis akong nakita sa kaniya pero binaliwala ko iyon dahil agad niyang sinubo ang pinakain ni Elise.

Umiling ako.Stop imagining things,Sasha.
Hindi ko na ulit sila tiningnan hangga't matapos na kaming kumain.

All of the students headed to the gym.Pumunta muna kami sa locker bago kami pumunta sa gym para isuot ang binigay ni Polene sa'min.Dala-dala nila ang banners para sa welzone habang ako dala ang chichirya.Baka kasi magutom kami.

"Tara,bilis!Baka maunahan tayo sa pinakamalapit na bleachers!Para mas makita na'tin ang laban!"
Sigaw ni Chess kaya binilisan nila ang kanilang paglakad.

"Sa likod na lang tayo baka mahagisan tayo ng bola." Nakangiwi kong usal pero hindi niya iyon narinig.

Parang mga bubuyog ang nasa gym.May nagtutulakan,nagsisigawan,tumitili.Grabe,ginawa na nilang palengke.

Hinila ako ni Polene para hindi kami mabuwag."Faster,ugh!Ano ba!Huwag manulak biatch!"

Inis na sabi ni Polene nang may tumulak sa'min.Finally,nakaupo na kami.Nakahinga ako ng maluwag.

Kita ko ang grupo ng Welzone sa 'di kalayuan pero hindi sila ang pakay kong makita.I didn't see him.Nasaan kaya iyon?Ang magiging kalaban nila ay ang DFU.

The nature is calling.Malas.

"Punta muna ako sa rest room."

Ngumiwi si Chess.
"Magsisimula na e!"

Pinipigilan ang ihi ko dahil kaunti nalang ay sasabog na!

"Pwede ka namang umihi dito!"
Sabay lahad ni Karina sa walang laman na mineral water.Nasapo ko nalang ang noo ko.Galing.

"Pagtatakpan ka lang namin.Wiwi na." Sabi ni Polene.

"Shit niyo!Mabilis lang naman."

Agad na akong pumunta sa rest room at nag donate na ng urine.Matapos ay bumalik na ako.They are starting.Ang lakas ng mga hiyawan kahit nasa harap ako ng malaking pintuan ng gym.

Nakapuntos na ang Welzone.Ang galing nila.Nakatuon lang ako kay Cloud na nag di-dribble habang tumatakbo.May humaharang sa kaniya kaso nalalampasan niya ito.Hindi na ako nakapunta sa bleachers kasi nakatayo lang ako dito habang pinapanood ang laro.

Nag take a break muna sila to allow them to rest in between the second and third quarter.Humataw ang mga cheerdancers sa gilid.I saw Elise cheering,ang flexible ng katawan niya.Imposibleng 'di mahuhulog si Elperes.

And speaking of him,pinanood niya si Elise.His drinking gatorade.May namuong selos sa dibdib ko.Gumuhit ang ngiti niya na ikinaguho ko pa.

Kahit ang ingay,rinig ko parin ang malakas na sigaw ni Elise.

"I love you Cloud!Go!Mahal kita!"
Paulit-ulit niyang sigaw sabay finger heart.Tinutukso naman ng kasamahan ni Elperes,kita kong ngumisi siya't umiling.

Putik.Naiiyak ako.Natapos na ang laro,panalo sila.Ang saya ng schoolmates ko,ako naman 'tong malungkot at bitter.

"Ba't wala ka kanina?Sabi mo iihi ka lang pero bakit nawala ka?"ani Chess.

Nasa locker kami ngayon para magbihis.

"Sabi ko na nga ba e!You're not comfortable earlier,right?"
Hindi niya tinapos pero binigyan niya ako ng malahulugang tingin at nakuha ko agad iyon.

"Nanood naman ako.Hindi nga lang katabi niyo,"

"Sayang!Hindi kita nahampas dahil sa kilig ko kanina!Kyle winked at me!"
Parang uod na nilagyan ng asin si Karina.

Natawanan sila.

"Sinabi din ni Jack sa'kin na pumunta raw tayo sa restobar.Doon daw mag cecelebrate."

Lumingon si Chess sa'kin.

"Pinapasabi din ni Cloud sa'kin personally na pumunta ka."

Gusto niyang nandoon ako?Wala namang malisya doon.He just told Chess,not me.I know that he's busy with Elise.He don't have time to talk to me anymore.

"May—"

"Ayan ka na naman.Iwas ng iwas."
Umiiling na si Karina.

"Oo na.Hindi ko gustong pumunta."

"Kase nagseselos ka?"
Dugtong ni Polene.

Hindi ako sumagot.Ni-comfort nila ako habang naglalakad kami sa hallway.

"Jack!"
Sigaw ni Chess kaya napaangat ako ng tingin.Napahinto ako dahil nakita ko siya with his friends.His kinda bored.Hindi ba siya masaya na panalo sila?

"Beb!Punta kayo ah?"

Napanguso si Chess.

"Except kay Sasha."

"Bakit?"
Sabay lingon sa'kin.

"May gagawin lang."

"Is that really important?"
Nabigla kami at natahimik ng magsalita si Elperes.Napalunok ako.

"OO."

"May ka date ka?"
Tanong niya pa.He gave me a narrowed eyebrow.

I wanna smile.Lumuwag ang dibdib ko dahil sa boses niyang naiinis and I know what that means.

"Ano naman ngayon?"
Sarkastikong pagkabigkas ko.I saw him pissed.He closed his wrist.

Ang sarap mong inisin.I miss this.I miss him.

"Cancel your date then."

Ginawa ko ang lahat para hindi ngymiti.Nalaglag ang panga ng kasamahan namin na kanina pa pala sila nakikinig sa'min.

Matapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya at naglakad.May ngising namuo sa'king labi.

Ganiyan nga.Magselos ka!

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now