Napayuko ako at napatitig sa paa ko na dahan-dahan kong inaangat-baba habang nag-iisip.

I bit my lower lip. Maybe telling them about what I found in my dad's research lab was a mistake? Inaasahan ko na rin naman na hindi sila maniniwala sa akin kahit kaibigan nila ako. Since the beginning, they see me as a crazy girl who was always curious and obssessed with things that weren't even existing.

Saktong pag-angat ko ng tingin, nakasalubong ko ng tingin si Caesonia na nagulat sa presensya ko. Kaagad akong umayos sa pagkakatayo at humarap sa kaniya.

“C-Caesonia—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil mabilis siyang humakbang at nilagpasan ako para makapasok sa classroom. Namilog ang mga mata ko at bahagyang napaawang ang mga labi.

Does she... hate me now?

Napabuga ako ng hangin. Well, kung ayaw niya rin akong kausapin, hindi ko na lang ipipilit. She'll eventually talk to me in class, anyway, since we're partners in some subjects.

Pumasok na lang din ako sa classroom at dumiretso sa upuan ko. I just stared at Caesonia's back the whole time before the class started.

Since bagong semester na, binago ulit ang seating arrangement namin. Nasa ikalawang row na ako at si Caesonia naman ay nasa pinakalikuran na.

Habang naglelecture, hindi ako maka-focus. I kept on thinking about how to approach Caesonia later. Sabay ba ulit kaming uuwi mamaya? Should I call her name like usual or should I say hello first? Or should I just let her ignore me? Napabuga na lang ako ng hangin.

--

HINDI KO NAMALAYAN ang oras. Uwian na pala. Nagmadali akong iligpit ang mga gamit ko para mahabol si Caesonia pero mabilis na siyang nakalabas ng classroom.

Napanguso na lang ako. Still won't talk to me, huh.

Umalis na lang ako ng campus at nag-abang ng bus sa may bus stop. Kung uuwi agad ako ngayon, malulungkot lang din ako dahil hindi naman ako pinapansin ni Mama sa bahay. For now, I should go somewhere where I can calm my thoughts.

Nang huminto ang bus, kaagad akong umakyat at ini-slide ang card ko. I sat at the seat behind the driver. Maluwag ang bus na 'to kaya maraming vacant seats.

While on the road, binibilang ko ang mga nadadaanan naming bahay. Makalipas ang ilang minuto, the bus finally stopped at the destination I wanted to go.

Grendan's Memorial Cemetery.

Pagkababa ko ng bus, sumalubong kaagad sa akin ang hangin. Medyo nasa mataas na lugar ang sementeryo kaya kitang-kita ang paglubog ng araw. Halos magkulay orange na ang lahat na nandito dahil sa papalubog na araw.

Lumakad na ako at hinanap ang puntod ni Lola. Nang nahanap ko na, umupo ako sa tapat nito at sandaling napatitig sa lapida kung saan ang pangalan niya ay nakasulat sa ibaba ng pangalan ni Lolo. They're burried in the same grave.

“Pasensya ka na, Lola, hindi ako nakapagdala ng bulaklak o kahit ano. Hindi ko naman kasi pinlanong pumunta rito talaga. Medyo matagal na rin noong huli kitang nabisita, Lola, pati na ikaw, 'Lo...”

I continued talking. Sinabi ko lahat ng nangyari sa akin these past few days. Mula sa mga natuklasan ko tungkol sa Grendan, sa nakita ko sa research lab ni Papa, ang hindi pagpansin sa akin ni Mama pagkatapos sunugin ang librong ibinigay ni Lola, lahat na kinwento ko.

After almost an hour of talking, I felt like a burden was lifted from my chest. Medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Nang nilibot ko ang paningin ko, saka ko lang napansin na wala na pala ang araw at gabi na.

Beyond the Boundary | ✓ Where stories live. Discover now