Single Forever

65 8 3
                                    

Prologue

Krizel Angela delos Reyes – babaeng walang magawa sa buhay. Babaeng punong-puno ng mga kaibigan ngunit hindi pa nagkakaroon ng jowa. Kailan kaya dadating ang lalaking para sa kanya at magpapatibok ng puso niyang punong-puno ng kabaliwan? May dadating pa kaya para sa kanya?

FRIENDS ARE FOR KEEPS.

YOUR FRIENDS WILL DEFINE WHO YOU ARE.

ONLY FRIENDSHIP CAN LAST FOREVER.

Iilan lang yan sa mga quotes na madalas kong mabasa about sa friendship. At tried and tested na totoo yang lahat ng mga yan!

Ang buhay ko ay punong-puno ng kakornihan. Makulit daw akong bata. Mahilig ako sa pictures. I love taking photos. At hanggang ngayon ay NBSB o No Boyfriend Since Birth pa rin ako.

Hanggang ngayon ay ISIP BATA pa rin daw ako.

But the heck who cares?

I strongly believe na MATURED na ako.

I’m already twenty one years old at masaya at kuntento naman ako sa buhay ko. Masaya na ako sa kung anong meron ako; pamilya ko, business, and friends. Yun nga lang, sabi nila may kulang.

Kulang daw ako pagdating sa boySSSSSSSSSSS. Paano ba naman kasi, 21 na nga ako at NBSB pa rin ako! May nag-asawa na nga sa mga kaibigan ko eh. Pero heto ako hanggang ngayon NGA-NGA!

Hindi na daw ako magkakaroon ng boyfriend!

The heck! Who cares? Mabubuhay naman ako kasama ang mga kaibigan at pamilya ko. Doon pa lang, solve na ako!

Kakailanganin  ko pa nga ba ng iba?

Kung alam ko namang WALA talagang FOREVER?

SINGLE FOREVERWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu