Capitulo Katorse (Part 2)

321 20 1
                                    

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.


have a blessed thursday with our lovely secretary

Justin De Dios

----

Capitulo Katorse (Part 2)

[natuwa ako sa comment nila @cruiseship0838 & @liezetin
thank you po (〒﹏〒)]


----

Hinihilot ni FJ ang kanyang sintido dahil hindi maproseso ng utak niya ang sinasabi ng kaibigan. Tulog ito ngayon pagkatapos painumin ng gamot nang doktor.

Nagvibrate ang kanyang telepono, may mensahe galing kay Stell. "FJ, Gising na si Justin." maiksing sabi sa text. Agad siyang tumayo at hindi na tinapunan ng tingin ang kaibigang nakahilata sa kama dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang paniwalaan.

Nang makarating siya sa silid na inuukupa ni Justin ay agad itong ngumiti sa kanya. Puno naman ng pag aalala ang nasa mukha ni FJ nang makita ang binata na halos walang kulay na ang mga labi.

"Iwan muna namin kayo." paalam ni Stell kasama si Paulo. Tinanguan naman ni Justin ang dalawa ng umalis ang mga ito.

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya rito. "Oo." mahinang sabi nito.

"What happened?" tanong niya muli.

"Hindi ko a-alam pero na-nakakatakot siya.. Parang.. H-hindi s-siya si J-josh..." nag umpisang magpanic si Justin habang nagsasalita. "Ssshhh..." pinakalma niya ito habang yakap yakap.

"Miss ko na si Jahjah.." lalong humigpit ang yakap nito kay FJ habang masaganang umaagos ang mga luha.

"Please mag resign ka na, Work in my company... puro Beta ang naroon." sabi niya rito. Marahan itong tumango habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Thank you, FJ." simpleng sabi ni Justin ngunit tumagos sa puso niya. Hinigpitan niya ang yakap rito. Alam niyang siya ang talo sa huli pero nagbabakasaling mabago.

Sinabihan niya si Justin na matulog muna para may lakas ito bukas at pwede nang makalabas. Habang nakikita niyang lumalalim na ang paghinga nito ganun din ang nararamdaman niya, Lumalalim. He see Justin as precious someone that he wants to keep forever.

Tinititigan niya lang ito habang tulog, creepy man pero natutuwa kasi siyang pagmasdan ang binata na natutulog.

"Aba'y baka matunaw naman iyan, Sir FJ." pang aasar ni Stell na naka dungaw sa bintana. Pinanlakihan niya ito ng mata at sinabihang huwag maingay.

"Sir, Kain ka muna." abot nito ng paper bag na may lamang pagkain. "Salamat."

Habang kumakain ay hindi mawala sa isip niya ang inasal ni Josh kanina.

"Stell," tawag niya rito. "Bakit, Sir?" napatingin ito sa kanya. "Hmm. Nevermind." balik niya.

Naisip niyang siya nalang mismo ang gagawa ng paraan para malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Josh o hindi. Pagkatapos kumain ay binilinan niya si Stell na bantayan muna si Justin at magpapahangin lang siya sa labas ngunit tinawagan niya ang pinaka magaling na doktor na kilala niya.

"Brad. Long Time, No Call.." panimula niya habang nakangisi. "What do you want?" sabi nito sa kabilang linya. "I'll text you the details." simpleng sabi niya at pinatay ang tawag.



"Dadah.. Dadah.." tawag ng bata kay Justin habang nagtatalon sa kanyang kama. "Ano po?" nakangiting tanong niya.

"May sakit na naman ikaw?" tanong ng bata sa kanya. "Hmm. Opo." malambing na sabi niya rito.

"Inom ikaw gamot, Dadah.. Miss na ikaw Jahjah." niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi.

Natawa naman siya sa ginawa nito dahil miss na miss niya rin ang anak.

"Saan Tito Josh?" usisa ng bata habang luminga linga sa paligid. "Wala po eh." sagot niya rito.

"Bakit po?" Hindi niya alam kung bakit hinahanap nang anak niya siya Josh. Doon pumasok bigla sa alaala niya ang mga sinabi ni Josh bago sila maospital.

'Alam kong ikaw ang omega na 'yun, Four years ago' ㅡ akusa ni Josh sa kanya

Iba ang kulay ng mga mata nito at nanlilisik. Only Dominant Alpha can change their eye colors.

Like him a Recessive Omega, Malaki ang impact ng pheromones sa kanya. Kayang kontrolin nito ang katawan niya at pwede siyang manghina.

"Dadah.." tawag nito sa kanya.

"Sorry Jahjah, Sumasakit lang ulo ni Dadah." sabi niya sabay hilot sa kanyang sintido at tumingin sa anak.

Ngumiti naman ito sa kanya, ngayon niya lang narealize na may kaparehas ang ngiti nito.

Hindi niya maalala kung sino pero mayroon. Niyakap niya ng mahigpit ang anak at sinabihan ng 'i love you'.

'Alabyu tu, Dadah." tungon nito pabalik sa kanya kaya pinaggigilan niya ang pisngi nito at pinugpog ng halik.

----

A8INNN/AVAHRY 2021

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Место, где живут истории. Откройте их для себя