Capitulo Dose

294 19 2
                                    

Happy 300 Reads (~ ̄³ ̄)~
----

Capitulo Dose

It's been a week since i walked out on his office and my phone is keep on ringing everyday. Kairita siya. "Off mo nalang 'yung phone mo, ang ingay mamsh." sita sakin ni Stell.

"Hayaan mo 'yan. Mamatay siya kakatawag." sikmat ko. Manigas siya sa buhay niya.

"Mag-resign ka nalang kaya, Justin?" suhestiyon pa nito sa akin. "Hindi naman niya ko tinanggal. Aalis lang ako pag pinagpasa niya ko ng resignation letter." balik na sabi ko sa kanya.

Habang nag-aantay kami ng costumer na papasok sa bar ay nagkwentuhan muna kami ni Stell ng kung ano-ano pero panay tawag ni Josh kaya naisipan kong patayin nalang ng tuluyan amg telepono ko.

"Wassap Gentlemen." masiglang bati ni FJ. Napairap naman sa hangin si Justin dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naalala nito ang paghalik nito sa kanya.

"Para sayo." dahan dahang inilapag ni FJ ang mga rosas sa harap at may kasama pa itong tsokolate. "Ayiee. Sana ol sinusuyo." pangiinis ni Stell. "Bakit walang milktea, burger, fries tsaka prutas 'yang rosas mo?" mataray na sabi ko pa rito. Napakamot naman siya ng batok sa sinabi ko. "Sa sunod nalang hehe." nahihiyang sabi niya.

"Joke lang. Salamat." kinuha ko ang bigay niyang rosas at inamoy. Ewan pero ugali nating amuyin ang bulaklak kahit walang amoy.

"Kinilig ka ba?" pangbuburyo niya at umupo sa tapat ko sabay itinukod ang dalawa niyang siko sa countertop ng bar.

"Hindi." blankong mukha na sabi ko.

"Awit." lumungkot ang itsura niya dahil sa sinabi ko. Cute. D-did i say, C-cute? Wtf! Dumukdok siya sa counter at umaktong umiiyak. Napairap ulit sa ginawa niya.

Sinenyasan ko si Stell na timplahan ng inumin si FJ at kumuha naman ako ng cake para ibigay sa kanya. Pagkatapos gawin ni Stell ang drinks ay ibigay ko ito sa kanya.

"Oh." lapag ko ng pagkain at inumin sa tapat niya. Inangat naman niya ang kanyang mukha at umayos ng upo sabay  kinuhaan ng picture ang binigay ko.

*snap* *snap*

"Picture tayo." yaya niya sakin.

"Sali! Sali!" sabi ni Stell. "Mamaya na." humaba naman ang nguso ni Stell dahil ayaw siya pasamahin ni FJ sa picture.

"Daya." irap ni Stell kay FJ.

"Ssshh. Mang-iinis lang ako." sabi niya rito at kinindatan ito.

"Tara picture Justin." itinaas naman ni FJ ang camera niya at kumuha ng selfie naming dalawa. "Finger heart naman." ginaya ko nalang ang ginawa niya at ngumiti sa camera.

"Sali kana, Stell." aya ni FJ kay Stell. Sumali naman ito at ngumiti din. Kumuha pa ng ilang picture si FJ tsaka tumigil.

Binuksan naman niya ang kanyang telepono dahil baka mag message kanyang ina dahil ito ang nagbabantay kay Jahjah habang wala siya sa bahay nila.

"Dami naman 'nun." takang sabi ni Stell. Tinawanan lang siya ng binata at ngumisi na parang may binabalak, habang kumakain ito ay panay tipa ito sa telepono nito at ng makailang saglit ay tumunog ang cellphone ni Justin.

Binuksan niya ito at cinlick ang notification.

@felipjhon_ tagged you in a post.

[ "Thank you for the Treats, Mi Cielo. @jahdejaaash."

Hope you like my flowers and chocolates *kiss emoji* #Sinusuyo. ]

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Where stories live. Discover now