"Guess i'll be your first dance?" Umangat ang tingin ko kay Hades, may ngiti siya sa akin habang may binibigay na bulaklak. "Happy birthday."

Ngumiti lamang ako sa kanya at dinala niya ako sa gitna, malumanay lamang ang sayaw naming dalawa. Wala akong maisip na sasabihin dahil sobra akong nadala ng ginawa nila na ito, hindi ko ito in-expect. Sa totoo lang ay simpleng handaan lamang ay kuntento na ako, ngunit ngayon ay sobra-sobra pa ito.

Gumawi ang tingin ko kala Psalm, hangang sa mapunta kay Primo ang tingin ko. Nasa malayo ang tingin niya at sumesenyas sa akin si Psalm, na parang tumutulo na daw pawis ni Primo. Bakit anong meron? Mukha nga na kinakabahan si Primo at hindi mapakali.

"Happy legality, Sanya." Wika ni Uno, nagulat ako dahil sinama pa siya ng mga Soriano.

"Salamat, Uno." Ngumiti siya at sinayaw ako, ngayon ko lang napagtanto na ang gwapo rin pala ng lalakeng 'to. Sa pagkakaa-alam ko ay nagmomodelo rin si Uno, sigurado akong matinik din siya sa mga babae.

"My turn." Natatawang binitawan ako ni Uno, agad naman na sinayaw ako ni Psalm. "Happy birthday to the girl who made me realize that my brother won't grow up alone."

"Baliw."

"What do you expect? My brother acts like he's so old, he's filled up with responsibilities because of his three younger brothers. I may not be that sweet to him, but him having you in his life, I guess he deserves it so much. For you can bring out both the light and the best in him. You're like the Soriano's torch, or my brother's torch." Ginulo niya ng bahagya ang aking buhok. "You're so important to him, just like how important the sun is to our world."

"Salamat." Yoon lamang ang nasabi ko dahil wala na akong ibang maisip pa, lumisan na si Psalm at sumunod naman si Don Hacinto. Nakangiti siya sa akin at sinayaw niya ako. "Don Hacinto-"

"Papa, yoon na lamang ang itawag mo sa akin." Nagulat ako dahil sa kanyang sinabi, ngunit ngmiti lamang siya. "Ikaw ang ina ng magiging apo ko, kaya dapat lang na tawagin mo na akong Papa."

"Papa."

"Yan, ganyan na dapat. Dahil sa panahon na nanatili ka sa hacienda, naging malapit ka na sa akin at lalo na sa mga anak ko, Sanya." May tinuro siya sa isang lamesa na puno ng mga regalo. "Nakikita mo ba yung kulay gold na yon? Yoon ang regalo ko sayo, alam ko na hindi ka mahilig sa mga materyal na bagay, pero sana magustuhan mo."

Muli siyang ngumiti bilang paalam sa akin.

Ngayon ay kaharap ko na siya, yung lalake na gumugulo ng isipan ko ngayon. Yung lalake na kahit kailan ay hindi ko inakala na magiging ganito kalaki ang parte sa buhay ko. Hindi lamang bilang ama ng anak namin, kundi bilang lalake na hindi ko akalaing minsan ay magpapatibok ng ganito kabilis ang puso ko.

Yung lalake na nagpatunay din sa akin na posibleng magkaroon sa totoong buhay ng isang lalake na gaya sa pelikula. Gaya niya na sobrang lapit na sa hindi makatotohanan, yung lahat ng nasa kanya ay kagusto-gusto.

"Ilang buwan na lumipas simula nang masilayan ko yung ganda mo, pero wala pa rin. Imbes na akalain ko ay hindi ako magiging ganito kadarang, mas lalo pa akong dinala ng ganda mo, Anya." Nahihiya akong ngumiti, pinwesto niya ang kamay ko sa kanyang balikat. "Tulad ka ng buwan, napakaganda mo sa kahit anong anggulo, Anya."

"Salamat."

"Don't thank me, just let me say all of the things that I want to tell you." Hinapit niya pa ako lalo dahilan para mas lalo akong malapit sa kanyang dibdib. "Pasensya na lima lang kaming sumayaw sayo, pero dahil kulang pa ng thirteen. Isasayaw pa kita ng mas matagal, kung pwede nga lang isasayaw kita hangang sa umabot sa kawalan."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon