What the? Hindi man lang ba niya ako hihintaying makasagot?!

Argh, the audacity! Pero teka nga lang ba't ba ako naiinis, huh?! Ano naman sa'yo self kung hindi niya narinig ang pagsagot mo? Big deal?! Big deal?! Iniwaksi ko nalang yun sa isip ko at umopo ulit sa sofa habang nakatulala sa kawalan.

Napahikab naman ako ng wala sa oras ng mapansin kong alas 11:00 na pala ng gabi. Grabe ang bilis ng oras, ahh. Kanina may kayo pa pero ngayon wala na-ouch kawawa naman kayo bitch opps.

Lumingon naman ako sa taas at nagdecide na umakyat narin since nasabi na naman ni nerdy sa akin kanina na sa kabilang kwarto lang yung tutulogan ko. Nasa ikalima na ako ng lapag ng biglang bumukas ang isang pinto sa may harap ko.

Nakita ko namang nabigla si nerdy at parang nakakita ng multo sa kabila ng panlalaki ng kanyang mata.

"Bakit ganyan ang itsura mo nerd?Para kang nakakita ng multo," I said, then rolled my eyes at her bago naglakad papunta sa kabilang pinto at hindi na siya hinintay na sumagot pa.

Hah! Akala niya ba siya lang ang marunong? Well, she's wrong! So bumabawi ka? What? No, I mean, argh basta tss. Tumahimik ka utak pwede? Hindi kinakausap sabat ng sabat psh!

Napalingon naman ako sa maliit na kwarto na'to dito sa loob at agad naglakad papunta sa maliit na kama na may cover na hello kitty. Wow, my favorite. Ang bango pa at parang bagong laba lang yata. Nagtingin-tingin naman ako sa loob at may nakita naman akong mga libro sa gilid ng kama dito sa kwarto.

Nilapitan ko naman ito at agad kinuha. Percy Jackson Harry Potter novels at marami pang iba. Infairness kay nerd ang ganda ng taste niya pagdating sa libro.

Well, hindi rin kasi ako medyo mahilig sa libro, and besides social media, na kasi ang uso ngayon like mga novels sa Wattpad na isa sa kina-aadikan ko ang magbasa hindi lang halata.

Minsan lang rin, kasi ako mag-online lalo na sa social media. Masyado kasing toxic at negativity ang isip ng mga tao, kaya say no to social media ako kahit na sabi ng manager namin sa modelling agency na minsan kami kinuha na kailangan daw yun.

Psh, paki ko ba?!

Natigil naman ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng katok. Baka si nerdy to' ano naman kaya ang kailangan niya? I shrugged my shoulders at napagpasyahan na buksan siya ng pinto bago ko ibinalik sa lagayan ang mga libro. Mahirap na baka mapagkamalan pa akong pakialamera.

Well, magandang pakialamera.

"Here, damit ko yan na hindi pa nagagamit at isa kong pantulog na pajama at underwear. Huwag kang mag-alala malinis yan."Mahabang sabi ni nerdy habang ako naman ay tinignan muna ang inabot niya bago ko ito kinuha.

"Thanks, but wait, where is your comfort room?" Napansin ko kasi na kwarto lang talaga tong inuukupan ko at iisa kang ang pinto, which is palabas at papasok lang.

"Ahh yun ba?Nandun sa baba sa may kusina. Pumunta ka sa kaliwa at may makikita ka dun na maliit na pinto. Yun ang banyo namin." Tumango-tango naman ako sa sinabi niya bago magpasalamat.

Isasarado ko na sana ang pinto ng magsalita siyang muli.

"Ahm, gusto ko lang sabihin na good night ulit at pasensya na kung naiwan kita kanina na hindi sinasagot. Nagsuka na naman kasi ulit si Lennie kaya ayon hehe." Suddenly, I felt a weird feeling na parang may nagliliparan sa tiyan ko na diko alam na ano dahil sa ngiti niya. This is weird. Tumango lang naman ako sa kanya bago nagsalita.

"It's okay, but okay na ba si Lennie? I mean, kapatid mo ba siya?" Mahina naman siyang tumawa sa sinabi ko.

What the hell is funny?!

"Oo magkapatid kami. Diba obvious?"Gusto ko sana sabihin na hindi kasi ikaw ang manang at yung kapatid no naman ay hindi.

But i decided na huwag nalang baka ma offend pa ang babaeng to, and besides, nakikituloy na nga lang ako diba tapos may karapatan pang manlait? Tch parang ang sama ko naman yata kung ganun.

"Medyo. Oh well, thanks rin pala sa pagpatuloy sa akin dito nga yung gabi. I owe you a lot, nerd." Sabay ngiti sa kanya. Napansin ko naman na parang natulala siya saglit bago umiling-iling na ikinataka ko.

"Wala y-yun--sige good night na." Kamot ulo niyang sabi bago naglakad paalis na tela nagmamadali.

Bago pa man siya makapasok sa kanyang kwarto ay nagsalita pa muna ako dahilan para matigil siya sa paglalakad at nakangangang tumingin sa akin matapos marinig ang sinabi ko.

"Good night rin nerdy, sleep well." I said and smiled to her a genuine one bago sinarado ang pinto. Napailing naman ako sa reaksyon ni nerdy kanina at diko namalayang nakangiti na pala ako.

Hay, what a tiring day!

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now