"Ah-uhmp!wala yun ate max, napag-usapan kasi namin ni Kuya na after graduation eh, mag-out of town tayo!Regalo ni Kuya para sa graduation natin. !" sabay kindat ni Kathleen sa kaniyang kuya!

"ah ya--yup sweetheart, surprise sana kaso inunahan na ko ni mama, invited din pati sila Nanay at Dandan.!" nauutal namang sagot ni Johny.

Ilang sandali pa, kaharap na ulit nila si Mrs. Agustin. Masaya sila nag-uusap. "Natutuwa ako iha at ikaw ang naging girlfriend nitong anak ko! Bukod sa maganda na eh i'm sure marunong ka sa buhay. Naku, di gaya ng mga babaeng dinidate nito ni Johny eh puro ang alam maglagay ng kolorete sa mukha.Hindi marunong sa gawaing bahay, puro pasosyal ang alam!"

"May dinidate ho si Johny Tita?!" tanong ni Maxene

"Naku mama, linawin mo ang kwento mo kay maxene, baka hiwalayan ako niyan ng wala sa oras dahil sa kwento mo , mawawalan ako ng kaligayahan sa buhay!" biro ni Johny sa ina nito.

Nataranta naman si Mrs. Agustin. "Naku, noon pa yun iha, ngayon eh wala na, kaya nga noon ko pa yan inuutusan na mag-asawa na! Gusto ko ng magka-apo sa kaniya, eh ikaw ba iha gusto mo bang after ng kasal niyo eh magbuntis agad?Yung ibang babae kasi eh ayaw kasi daw kesyo masisira ang figure, malulusyang.!"

"Mama!" putol ni Kathleen sa sinasabi ng kanilang ina. " apo agad?eh di pa nga ngpoprupose si kaya saka masyado mong pinipressure si Ate Max.!"

"Aba'y eh diba nga after ng grad----" tuloy-tuloy paring pagsasalita ni Mrs. Agustin kaya si Johny na ang nagsalita ulit.

"Ahm Ma, saka na ho natin yan pag-usapan ang mahalaga eh my gf na ang gwapo mong anak.!" biro ni Johny.

"Hmp oh siya sige, pero iha, hindi ka ba naman pinapaiyak nitong si Johny?Alam ko wala itong ibang babae, marami labg umaaligid dito at ikaw pa lang ang pinakilala niya sa akin at ikaw lang din ang pumasa sa akin!"sabay kindat ni Mrs. Agustin na ikinatuwa ni Maxene .

"Hindi naman ho Tita!"sagot ni Maxene

"Call me mama, iha, okey!?"

"ho?!nakakahiya naman ho!"

"anong nakakahiya eh pasasaan ba't magiging manugang kita at magiging ina ng mga magiging apo ko!Sandali, ikaw ba iha eh ginalaw na nitong si Johny?!"

Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Mrs. Agustin at nagkapanabay pa na magsalita.

"Mama!" magkapanabay na turan nila Johny at Kathleen

"Ho?!"sambit naman ni Maxene na ikinagulat rin niya.

"Oh bakit?para naman kayong mga sundalo , sabay-sabay pa kayong sumagot.!"tanong ni Mrs. Agustin

Si Johny ang nagsalita. "wala mama,okey? Iginagalang ko si Maxene at ayow kong mawala ang tiwala niya sa akin at ni Nanay Tina!"

"Naku mama, aatakehin ako sa puso s mga sinasabi niyo.!Parang ayaw ko na tuloy mag-bf!" birong sagot naman ni Kathleen. Napangiti naman si Maxene

"Ahmp ma, i think we have to go, papagabi na at nangako ako kay Nanay na ihahatid si Maxene at huwag magpapagabi.!" pagpapaalam ni Johnh.

"Ha?ang aga pa naman iho!, Nagkukwentuhan pa kami nitong si Maxene!" pigil ng kaniyang ina.

"May dadaanan pa kami ma, right sweetheart?!"tumingin si Johny kay Maxene at parang sinasabi na tumango siya.

"Ah, opo Tita!"sagot ni Maxene

"Mama, iha!"pagtatama naman ni Mrs..Agustin

"Ah-- eh oho Ma, may dadaanan pa kami ni Johny kaya kailangan na ho naming umalis at baka hinahanap na rin ako ni Nanay!"

"Okey sige, mag-iingat kayo. Kung bakit kasi hindi niyo na lang hintayin na dito magdinner.!" sabi pa ni Mrs. Agustin

"Hindi na ma, ininvite din ako ni Nanay na doon sa kanila magdinner, nakakahiya naman kung di kami makakaabot!" sagot ni Johny. Nagtaka naman si Maxene dahil walang nabanggit sa kaniya ang Nanay niya na doon ito kakain.

"eh di isama mo kami iho ng makilala ko magiging balae ko!"sagot ni Mrs. Agustin.

"Naku si mama, umasta na naman ang pagiging makulit niyo!" sabi ni Kathleen at lumapit sa ina ." hayaan niyo na sila ma, moment yan nila!Dito na lang tayo sa bahay at ipagluto niyo ko ng paborito ko!" lambing ni Kathleen sa kanyang ina.

"Naku ang bunso ko!Oh siya mag-ingat kayo, ingat sa pagdadrive ha Johny!Ingatan mo si Maxene at iuwi mo sa kanila huwag sa condo mo kung ayaw mong mabad-shot sa nanay niya.!" bilin pa nito.

"Yes ma!"tumayo si Johny at humalik sa ina nito.

"Alis na ho kami!" paalam naman ni Maxene. Nahihiya siyang humalik sa ina ni Johny

"Give me a hug and kiss iha!'sabi ni Mrs. Agustin.Yumakap at humalik.naman si Maxene. "Dalaw ka ulit dito iha, kung busy si Johny kahit ikaw na lang ha?" tumango naman si Maxene.

"Bye ma!"paalam ni Johny at inalalayan na palabas si Maxene.

Started with a TextWhere stories live. Discover now