"May ginawa ba sayo si Ysabel?Ba't dito ka na naghintay sa labas?!" nag-aalalang tanong ni Johny

"wala naman Johny, masama lang ang ihip ng hangin sa loob. Tara na!"sumakay na sila sa kotse.

"Daan muna tayo sa bahay Maxene!"sabi ni Johny habang nagdadrive

"Ha?anong gagawin natin doon?!"

"Ipapakilala kita kay mama!"

"Kilala na ko ng mama mo Johny, noon pa!"

"Kilala ka ni mama bilang kaibigan ni Kathleen, gusto kong makilala ka ngayon bilang girlfriend ko, babaeng mahal ko!Naintindihan mo ba sweetheart?" tumango na lamang si Maxene. Kilala na niya ang mama nito, mabait ito at hindi mata pobre.Kinakabahan pa rin siya dahil kilala siya nito bilang kaibigan ni Kathleen hindi bilang girlfriend ni Johny. "
Pa'nu kung ayaw sa kaniya ng mama nito na maging gf siya ng anak nito?!" sa loob - loob ni Maxene, napabuntong hininga siyang tumingin kay Johny.

Nadatnan nila si Kathleen sa sala na nagbabasa ng libro.

"Where's mama Kath?!" sambit ni Johny na ikinagulat pa ni Kathleen.

"Oh, the love birds are here, !"tukso ni Kathleen sa dalawa at tumingin s gawi ni Maxene. "Hi Ate Max, upo ka!" umulo naman si Maxene sa tabi nito. "kaw ha ate Kath, tatampo na ko sayo, nagkaboyfriend ka lang di mo na ko sinasama sa lakad mo!" kunwaring tampo ni Kathleen

"May dinaanan lang kami Kath sa school, ikaw,tapos ka naba sa mga requirements mo para sa grad. natin?"tanong ni Maxene

"Yup!hehehe.remember hindi ako scholar kaya wala masyado kong kailangang kumpletuhin.Oh wait, tatawagin ko lang si mama" sabay tayo ni Kathleen. Pinigilan naman ito ni Maxene at humawak s kamay nito.

"Okey lang kaya Kath sa mama mo?" tanong ni Maxene sa kaibigan at naintindihan naman agad nito ang ibig niyang sabihin. Tumingin si Kathleen sa Kuya nito at saka nagsalita.

"Relax ate Max, hindi nangangagat si mama and I'm sure she'll be happy to see you again!Trust me!"sabay kindat nito at saka umakyat para tawagin ang mama nila. Napatingi naman si Maxene sa gawi ni Johny, lumapit ito sa kaniya, tinabihan siya at saka hinaplos ang kaniyang likod.

"Relax sweetheart, makakalabas ka pa ng buhay!Ang lamig ng kamay mo,giniginaw ka ba?Gusto mo yakapin kita?" biro ni Johny. Kinurot naman ito ni Maxene na ikinatawa ng malakas ni Johny. Hindi nila namalayan ang pagdating ng mag-ina.

"It seems na parang ang saya-saya mo iho!"sabi ni Mrs. Agustin

Tumayo si Johny at humalik sa kaniyang mama. Tumayo rin si Maxene.

"Hi mama, I want you to meet Maxene, my girlfriend.!" lumapit si Maxene sa ina ni Johny at Kathleen. Nagmano siya, imbes na humalik.

"Ha--hi po Tita, kumusta ho kayo?!" kinakabahang bati ni Maxene

"Oh, is that you Maxene?"sabi ni Mrs. Agustin. "Lalong kang gumanda, kelan ba kita huling nakita? Oh nevrmind, halika maupo tayo!" umupo silang apat." Ikaw pala ang tinutukoy nito ni Johny na after graduation ay----.!" natigil ito sa pagsasalita dahil biglang pinutol ni Johny ang sasabihin nito.

"Mama, uhmp anong meryenda natin?Sabihin mo naman kay yaya na maghanda ng makakain.!" agaw pansin ni Johny. Dahil baka ibuko pa siya ng kaniyang ina tungkol sa balak niya.

"Oh oo nga pala, sandali at magpapahanda ako ng meryenda natin.!" tumayo si Mrs. Agustin at inutusan ang katulong na maghanda ng makakain.

"Anong sinasabi ng mama niyo na after graduation ay ano?!"nagtatakang tanong ni Maxene. Nagpalipat-lipat ang tingin sa magkapatid. Si Kathleen ang unang sumagot.

Started with a TextWhere stories live. Discover now