"Salamat Johny!.Oh heto na pala siya!Maiiwan ko na muna kayo, pupunta muna ko kay mareng bebang.!Anak kaw na bahala diyan, umuwi kayo ng maaga!Huwag magpapagabi!"

"Oho Nay!"sagot ni Maxene.Lumapit siya kay Johny, tumayo ito, hinawakan siya sa bewang at saka hinalikan." Johny, baka makita tayo ni Nanay!"

"Namiss lang kita sweetheart, at huwag kang mag-alala. Malakas ako kay Nanay kaya makita man niya tayo walang problema, nag-usap na kami.!'sagot ni Johny, nakayakap pa rin ito sa kaniya at pahalik - halik habang nagsasalita.

"Ano bang linag-usapan niyo ni Nanay at parang wala ata akong alam.dun.!'"

"Sa amin na lang yun sweetheart!uhmp.!" mabilis siya nitong hinalikan at saka kinurot ang tungki ng ilong niya."Let's go sweetheart, kanina pa ko nanggigigil sayo baka di ko mapigilan.eh hindi na tayo makaalis!"

"hahaha.subukan mo lang, bukas single na status mo Johny." at nauna ng naglakad palabas si Maxene. Napangiti naman si Johny dito, mahal niya si Maxene at ayaw niyang gumawa ng isang bagay na ikakagalit nito.

Sa paaralan muna sila nagpunta, ngsubmit si Maxene ng ilang requirements niya para sa graduation nila. Pakatapos inaya siya ni Johny na kumain. Ginarahe nito ang sasakyan at saka inalalayan siya sa pagbaba.

"Anong oorderin mo Max?!"tanong ni Johny

"Ikaw na bahala Johny, kung ano sayo yun nalang din ang akin, !"

"okey sweetheart!"at saka nag-order si Johny. Kumakain sila ng may pumasok na magkapareha, hindi ito napansin ni Maxene dahil nakatalikod siya sa pinto. Si Johny ang nakakita dito, walang iba kundi si Ysabel at may kasamang lalake. Lumapit ito sa kanila.

"Oh hi, Johny?"bati ni Maxene

Tiningnan naman ito ni Johny. "Hi Maxene, kumusta?!"pinakilala ni Johny si Maxene. " Si Maxene nga pala, remeber her, Girlfriend ko"

"Oh really?Oh, hi Maxene, mukhang di ka sanay kumain sa ganitong lugar!" pang-aasar ni Ysabel.

"Ysabel please!"banta ni Johny. Hindi naman sumagot si Maxene at binalewala lamang ang sinabi ni Ysabel kahit masakit para s kaniya.

"Anyway, let's go James!Doon na lang tqyo umupo at parang amoy basura dito!" sabi ni Ysabel sa kasama at naglakad palayo sa kanila.

Hinawakan ni Johny ang kamay ni Maxene. "I'm sorry Maxene, huwag mo na lamang siyang intindihin. !"at saka pinisil nito ang kamay niya. Ngumiti lang ng tipid si Maxene. Nawalang siya ng gana kumain at n-aya ng umalis.

"Pupunta lang ako sa CR maxene, gusto mo bang sa Kotse na lang ako.hintayin?Ihahatid muna kita dun kung gusto mo!"tanong ni Johny

"Okey lang ako Johny, dito na lang kita hihintayin!."humalik muna si Johny bago ngpunta sa cr. Nakita naman ito ni Ysabel at galit na nakatitig kay Maxene.Tumayo ito at lumapit sa kaniya.

"Sooo, ikaw pala ang kinahuhumalingan ngayon ni Johny!" tiningnan lamang ito ni Maxene at hindi nagsalita. "tsk.tsk.Poor girl,I'm sure pakatapos ka niyang pag-sawaan iiwan ka din niya!Isa ka lamang hampas lupa at kawawang babae.!Tell me, magkanu binayad sayo ni Johny para magpanggap na girlfriend niya?Saang bar ka ba nagtatrabaho ha?"

Hindi na nakapagpigil si Maxene, tumayo siya at saka nagsalita "Alam mo Ysabel,kung anong ikinaganda ng mukha at ikinabango ng katawan mo, yun din ang ikinapanget at ikinabaho ng pagkatao mo!. "Sabay talikod ni Maxene ngunit may naalala pa siyang sabihin kaya humarap siya ulit dito. " And one more thing Ysabel"itinuro ni Maxene ang kaniyang sarili. "itong hampas lupang ito, ang mahal ng lalaking hinahabol-habol mo.!" at walang lingon-likod na umalis.Sa labas na lamang niya hihintayin si Johny, nagtext na lamang siya dito. Ilang sandali pa at nakita niyang palabas na rin Johny!Nagmamadali itong lumapit sa kaniya.

Started with a TextWhere stories live. Discover now