Chapter 2: Tour

9.8K 384 99
                                    

EQ: "Wow. Ang daming chicks dito!"

Tinakpan ni Kola ang mata ni Enzo.

K: "Yan ka na naman Enrique. Wag mo ngang impluwensyahan tong si Enzo"

EQ: "Ang lalake.. Kung gusto nyang mambabae, mambaba-babae at mambabae yan.. Kahit anong takip mo sa mata nyan, kahit anong pagkukulong mo dyan... Kung gusto nyan... mambabae yan."

"Oo kagaya mo"

EQ: "Ako?"

"Malamang!"

EQ: "Baka si DJ pa!"

DJ: "Oh paano ako nasali jan?"

EQ: "Dahil wala kang lovelife?"

DJ: "Hindi naman kailangan yon"

EQ: "Ang sabihin mo binasted at na friendzone ka lang ni Kola." Sabay tawa.

Napaka-gago talaga ng taong to -.-

"Hindi kaya sya nafriendzone. Naging sila kaya!"

K: "Guys parang ang awkward naman pagusapan sa harap namin ni Enzo ang mga ganyang bagay"

"Girl, ang ganda mo dun! HAHAHA"

EZ: "Sus! Ayos lang naman yon! Wag kang mag-alala Float...."

Di nya pa tapos ang sinasabi nya ng sumingit na tong si Enrique na epal!

EQ: "Yan na naman ang float na yan. Kelan ba matatapos ang coke float love story?"

"E gago ka pala e! Bakit mo naman inaabangan ang pagtatapos ng istorya nung dalawa! Samantalang ikaw nga tong isa sa bumuo non?!"

Lumapit sya at nagsalita with seductive voice.

EQ: "Para istorya naman natin ang simulan"

EZ: "Wag mong ganyanin si Bam. Baka umasa" sabay tawa.

"Gatungero ka rin e no?!"

K: "Wag ka na ngang makisawsaw sa dalawang yan Enzo. Pati naman ikaw ginagatungan mo pa tong kalokohan ni Enrique e"

EZ: "Bakit? Ayaw mo bang magaya sayo si Bam?"

K: "Anong sakin?"

EZ: "Yung ma superfriendzone?!" Sabay tawa ulit.

Napatawa rin si DJ at Enrique.

"Ayan! Jan kayo magagaling e. Ke gagwapo nyo e no?! Yayabang nyo! Saksak nyo sa kokote nyo na hindi lang para sa babae ang friendzone... Madalas pa nga sa lalake nangyayare e lalo na ang seenzone!"

EQ: "Friendzone... Minsan si Kola.. Madalas si DJ! Boom!"

Kami naman ni Kola ang natawa.

DJ: "Wala ka na talagang ibang nakita kundi ako!"

EQ: "Syempre brad! Alam mo naman na hindi totoo yon e! Wag kang mag-alala. Makakahanap ka rin dito! Sa laki ng school na to, makikita mo rin ang Kola ng buhay mo"

Jusko. Ilang ulit pa Enrique -.-

"Move on Enrique ha! Di ka na nakaget over sa Kola-DJ friend-story."

EQ: "Ang sakit naman nung friend-story! Sige pagdildilan mo pa Bam!"

EZ: "Walang kahahantungan tong pagpunta natin dito kung hindi tayo pipila sa registrar ano?!"

K: "Oo nga! Humahaba ang pila! Tara na!"

Pumila na kami para mag-enrol.

Lahat kami ay pasado sa school na to. Pero sa totoo lang e kami lang naman talaga ni Kola at DJ ang dapat nandito.

Uy, Mahal din ba kita? (UMK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon