K. Pro were u kuha cell no q?

Message sent✓

Pagkababa ay agad akong sinalubong nang takang tingin nang bruha, kunot noo ko din syang tinignan


"Seriously? Pft-- hindi ko alam na marami pa palang mga jejemon ang nageexist sa generalization na to" kantyaw nya,inirapan ko na lang sya bago sumagot


"Excuse me hindi ako jeje noh? Hindi mo ba alam na mga genius lang ang nakakabasa nang ganung message? Palibhasa bruha ka kase" pagmamaldita ko din sabay flip nang buhok ko,kaso nasobrahan ata sa pagflip kaya nasampal din ako nang buhok ko. Tumawa lang ang bruha



Lumabas na lang muna ako sandali para magpahangin, napatingin pa ko sa paligid dahil baka may kung sinong nakaabang sakin. Gaya nga nang sabi ni Shawn kahit anong oras pwedi nila akong patayin dito. Napapikit naman ako nang dumapi ang malamig na simoy ng hangin sa balat ko. Agad akong naglakad papalapit sa dalampasigan at umupo para makapagisip isip nang may biglang tumawag sakin, napakunot naman ako nang makita ang isang unknown number



"Hello?" Tanong ko

["Lez, listen"] nangunot naman ang noo ko nang marinig ang isang di pamilyar na boses


"Sino to? Ba't moko kilala?" Tanong ko

["It doesn't matter,get the hell out of there it's a trap. Their planning to take you all down"] sagot nya sa kabilang linya,agad naman akong napakunot


["Tell your brother his assistant called,nakapatay ang phone nya kaya hindi ko sya macontact. Itatakas ka dapat ngayon nila Shawn,he made an excuse na magbonding lang kayo para hindi sya paghinalaan ni Don Hilberyo pero may plano silang I double cross kayo. Tell Shawn immide---"]agad akong napatayo nang mamatay ang tawag



"Hello? Hello!" Tanong ko pero wala nang sumagot. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko kasabay nang pagcontact uli sa kanya,pero bigo na ako


Patakbo akong bumalik sa loob ng bahay pero agad na umayos nang makita ang isang staff na naglilinis, ngumiti ako nang peke saka pasimpleng umakyat sa taas habang nagcocompose ng message



To: Kuya Shawn

Shawn nagcall ung assistant m, go n dw tau. Papagood job nla tau dli!

Message sent✓



Nung papunta na ko sa kwarto ko ay saka ko na lang naalala na nakapatay nga pala ang phone ni Shawn kaya agad akong lumabas at napilitang puntahan sya sa kwarto nya nang salubungin naman ako ni Nya


"What did I just texted you? Hindi ka pa marunong umintindi?" Mahina nyang sermon

"Kailangan na nating umalis dito,plano daw tayong ambushin nung Don Don na pinagsasasabi nyo kanina"mahina kong sagot,agad naman syang napakunot



"What? Nakatunog na sila?"taka nyang tanong agad naman akong nagkibit balikat saka sumagot


"Aba malay ko jan,tanong mo sa kanila"


Napabuntong hininga pa sya bago sumagot "Okay Stay here and pack your things already,ako nang kakausap kay Shawn" napatango na lang ako saka muling bumalik nang kwarto

Dali dali kong nilagay sa backpack ang mga gamit ko nang makarinig nang mga yapak paakyat. Agad akong napasilip sa uka nang pinto ko at nagulat nang makitang nakikipag laban na sila Shawn at Nya sa mga staff. Agad na nagkrus ang paningin namin ni Shawn kaya sinenyasan nya na kong tumakas

Agad akong bumalik sa kama at ni lock ang pinto,napasambunot pa ko sa ulo ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko nang makita ang bintana...


Agad kong sinuot ang backpack ko saka tinali ang pinagbuholbuhol na bedsheet,kumot at kurtina sa poste ng kama. Nakarinig pa ko nang mga putok nang baril dahilan para mas lalo akong kabahan. Napapikit na lang ako bago bumaba ng bintana saka tumakbo palayo,sakto namang nakasalubong ko si Nya na may kaunting gasgas at sumabay sakin sa pagtakbo


"Asan si Shawn?!"kinakabahan kong tanong



"He can take care of himself" nagmamadali nyang sagot dahilan para mapahinto ako


"Ano?! Iniwan mo sya dun? Eh pano kung mapahama---"udlot kong protesta nang higitin nya ang kamay ko


"Shut up will you?! Hindi sya lampa tulad mo kaya dali na!" Sermon nya sakin saka ako kinaladkad papunta sa gubat,agad naman kaming nakarinig nang ilang putok nang baril sa likuran namin,hudyat na malapit na sila



"Lexie Elore Roxwell!" Dinig kong sigaw nang isang lalaking humahabol samin kasama ang iba pang mga staff ng resort,napakagat naman ako sa ibabang labi nang maisip ang kalagayan ni Shawn


Kuya...

"Here! Quick!" Nangunot ako nang makakita nang isang helicopter at dalawang lalaking nagpasakay samin


Nang makasakay ay agad na pinaandar nang makina dahilan para umikot at propeller at mahirapang lumapit ang mga staff na humahabol samin



"Teka! Si Shawn!" Pasigaw kong saad sa piloto dahil sa ingay nang propeller,pero agad akong hinila ni Nya pagupo habang unti unti kaming umaangat


"Enough! He's gone okay?! Nahuli na sya! And for sure papatayin din nila sya!" Awat sakin ni Nya dahilan para pabagsak akong mapaupo sa pagkadismaya



"A-at wala kang ginawa?! Hinayaan mo lang sya?!"sigaw ko sa kanya habang inaawat ako nang isa pang lalaking kasama namin

"Stop acting like you did anything! Bakit wala ka rin namang ginawa diba?! He asked me to leave! Para samahan ka! So it's your fault! Kasi ikaw ang nagpasimuno nang lahat nang to! Kung hindi ka lang nya nahanap hindi mangyayari to! Hindi nya tatratdorin si Dad at sana hindi tayo tinutugis ngayon!" Apila nya dahilan para bumaksak ang balikat ko at dumagsa ang mga luhang kanina pa nagbabadya




Lahat nga nang to....dahil sakin...ako nanaman ang may kasalanan.

Ni hindi man lang kami nakapagusap nang maayos...



Kuya...sorry...



My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now