" Thomas! Kaya mo yan! Hihihi!"

" Captain! I- We love chu!"

Parang mga tanga.

" Hahaha! Salamat " ngiting sabi ni Bansot sa kanila sabay hawi ng buhok!

Feeling din neto e?

" Waaah!" tilian nila. Mas malakas yung tili nung babaeng sinabihan akong panget! Napairap nalang ako.


" Elvin, hindi ganyan" mautoridad na sabi ni Bansot sa patpatin nyang team mate.

" WAAAAH! GO THOMAS! NANDITO LANG KAME! NAKASUPORTA SAYO! IPANALO MO ANG TEAM!"


Ano ba yan... Para talagang mga ewan. Ano bang nagustuhan nila sa lalaking yan?

Mmmm...

Totoong gwapo sya.

" Tama, Kin!"


Tapos, pag seryoso, astig nga.


" Good, next"



Pag nagagalit,mukhang angry bird, which is bumagay. Nagmukha syang cute.

" J-mar gamitin mo yung tangkad mo para sa defense..."



Laging nakangisi, bibihirang ngumiti.

"Woah" nasabi ko nalang ng maka-shoot sya. Para syang bata habang tumatalon sa saya.

" Oh ano Poste, tulala ka ano" ngiting sabi nya.

" Feeling" ani ko.


---

" Mali nga! Inulit?" sarkastikong sabi nya! Haays! Ayoko na! Ang sakit sa ulo.

" Paano ba maiintindihan? Ano ba namang utak yan" dismayadong sabi nya habang napapahilamos pa ng mukha. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

" Sorry. Hindi ko lang kasi maintindihan. Maayos naman akong nagtuturo, pero bakit di mo parin maintindihan."

Di na ko sumagot. Gusto ko nalang maiyak. Nakakainis.

" Sorry. Di ko talaga alam. Wala daw bobo sa mundo. Hindi ako naniniwala. Kasi, eto ako oh? Syang patunay" turo ko pa sa sarili ko. Unti-unti kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko.

" Wag mo kong aasarin ha---"



" Makinig ka lang. Makinig ka lang sakin. Intindihin mo nang mabuti. Kapag di mo naintindihan, itanong mo agad." seryosong sabi nya.


" Paano ako magtatanong. Parang galit ka palagi." sabay punas ng luha ko. Medyo nahimasmasan ako. Napabuntong hininga naman sya.


" Tapos, lagi mo pa akong sinisigawan"

" O sige, hindi na ko sisigaw. Naiinis lang ako kasi,nagtururo ako, hindi mo naman pala naiintindihan. Dapat pag ganun, itanong mo agad para di sayang oras" napatango nalang ako.

" Oh eto, kape" bigay ko ng kape a kanya. Kumunot naman ang nuo nya.

" Ayoko. Kaya di ako nakatutulog pag-uwi eh" bigla akong natawa. Oo nga naman, imbis na ipahinga nya nalang, namumuti na mata nya dahil sa di makatulog.

" Oh, mas mabuti yung ngumingiti ka." turo nya sa labi ko habang nakangiti. Mayamaya pa

" Oh, Thomas di ka paba uuwe?" si mama yun, may dalang supot ng spaghetti. Maaga ata syang umuwi ngayon?  Oo nga pala, sinabi ko na kay mama ang totoo, at pumayag sya na turuan ako ni Bansot. Pero syempre bago ko makuha ang inaasam kong oo, pinaghirapan ko muna. Pinalo muna ako huhuhu.



" Ah, mayamaya na po. Salamat po" ani ni Bansot. Bingyan nya kasi si Bansot ng spaghetti.


" Oh sige. Wag magpagabi ha? Matutulog muna ako at ako'y inaantok na. Ikaw na bahala, Mayumi. Mamaya i-lock ang pinto ha. Ayusin mo" pagbabanta nya. Napalunok naman ako at sumubo ng spaghetti. Tumango nalang ako. Mayamaya pa  ay umalis na si Mama.



" Oh, ayusin mo naman. Kakain na nga lang, parang bata. Bungal ka ba?" inis na sabi ni Bansot. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Ano nanaman kayang ginawa ko?



Hehehe. Kaya naman pala.. Natapon pala sa mesa yung iba. Konti lang naman... Isang linis lang naman at tapos na.



" Para kang bata---"



" Ano ba, inaano ba kita? Parang yan lang---" kusa akong napatigil sa pagsasalita ng lumapat ang kamay nya sa mukha ko.Gulat akong napatingin kay Bansot. Salubong na salubong ang kilay nya habang nakatingalang pinupunasan ang labi ko gamit nung panyo na hindi ko alam kung san nya nakuha! Hinawakan pa nya ng dalawang kamay ang mukha ko at pinihit pakanan at pakaliwa na parang sinusuri nya kung may dumi pa ba.




" Tch. Balahura" ani nito saka bumalik sa papel na inaaral ko at nagsimula na ring kumain habang ako ay nakatingin parin sa kanya.


*Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug*  *Dug**Tug* *Dug* *Tug* *Dug*



A-ano to?





" Oh, eto. Ang gagawin mo, imu-multiply mo dito." turo nya saka tumingin sakin. Bigla ay may kung ano sa dibdib ko nang magtama ang paningin namin.

*Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug*



Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya!



E-eto nanaman! Yung pakiramdam na yun! Doon sa Mall!  Ano nga ba ulit yun?  Ano ba itong pakiramdam na 'to?



" Ayos ka lang ba Mayumi? Teka... bakit parang, gumanda ka ata ngayon?"





Ehhh???!



" Mas lalo kang gumaganda kapag nag-aaral kang mabuti" ngiting sabi nya pa saka hinawakan ang mukha ko at unti-unting lumapit.


*Tug* *Dug**Tug* *Dug**Tug* *Dug*



Hoy ano to!?



Bigla akong napapikit ng mahigpit!




Mayumi!Ano ba?! Pigilan mo!




Kung nagkataon, sya ang first kiss mo! Mama! No!


Pero sadyang taksil ang mukha ko, naghihintay paring madampian ng halik!



" Hoy. Anong ginagawa mo?"



Bigla akong napamulat at laking gulat ko nang makita ang sarili kong nakanguso sa kanya! Kunot-nuo naman syang napatingin sakin.




" Poste, magfocus ka naman, tsk" iiling iling na sabi niya. Napakagat nalang ako sa ibabang labi.



Nakakahiya! Ano bang ginawa ko? Totoo ba yung nangyari kanina?!



Hindi! Sa itsura nya palang halatang hindi nangyare.


Panaginip? Bakit, ganun pa?!




Nagpatuloy kami sa pag-aaral at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa lahat. Pagkatapos ay umuwi na si Bansot na hindi na nagrereklamo. Kinagabihan, hindi ko alam at hindi na mawala sa isip ko ang nangyare kanina! Yung ginawa nya at yung daydreaming ko!



---

Salamat po :)

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now