"Gustong-gusto ko po ang anak niyo, Sir." I said, glancing at Alchiel and saw him smirking at me. "Attorneys, I know I'm not the right man for her but...I wanted to try and work it out with her. Gustong-gusto ko po si Crest."

"Kaso hindi ka bet ng anak ko," biglang ngisi ni Attorney Iñigo kaya natahimik na ako. "'Di ba, Chiel—"

"Oh, she did." Alchiel answered. "Crush niya 'yan si laughtrip-ouch!" bigla siyang natahimik at dumaing nang sikuhin siya ni Attorney sa sikmura.

"You—" kumunot ang noo ni Attorney kaya nanlaki ang mata ni Alchiel at tumikhim.

"S-sabi ko nga, wala, binabawi ko na." Aniya, hawak pa rin ang sikmura.

Attorney Iñigo eyed me seriously kaya mas umayos ako ng tayo para ipakita sa kanyang seryoso ako sa sinasabi tungkol sa anak niya.

"Attorney—" his phone suddenly rang kaya natahimik ako, mabilis niyang kinuha iyon sa bulsa bago tinaasan ako ng kilay at sinagot.

"Hello? Yes, Atty. Sandejas speaking..." aniya sa kabilang linya.

"Attorney—"

"Oh? Talaga? Urgent?" aniya at biglang ngumisi sa akin at tumalikod kaya umawang na ang labi ko.

Why is this scene fucking familiar?

"Attorney—"

"Oh? Sige, I'm on my way." He said and jogged, hinila na si Atty. Alchiel kaya nanlaki ang mata ko.

"Attorney!" I called him loudly while they're almost running away. "Attorney, liligawan ko po ang anak niyo! Attorney!" halos lumabas na ang lalamunan ko kakatawag pero naglaho lang ang dalawa.

Is this what you call karma? The fuck?

Crest Veronica is something.

"You're tired, hmm?" I talked to her softly when I saw her napping on her seat with the files in front of her. "Sabi ko kasi sa'yo sa umaga ka lang papasok, why are you even joining us in nightshifts?"

Kumunot ang noo niya nang gumalaw, her lips protruded a bit, nakita kong nahulog ang kanyang buhok sa pisngi kaya lumapit akong lalo.

Dumukwang ako palapit para titigan ang mukha niya at marahang hinawi ang buhok paalis sa pisngi.

"You're overworking for an assistant secretary, Pinga." I said in a low voice.

I lifted my hand to touch his cheek but I immediately hesitated, mabilis ko iyong binaba pero mayamaya'y hindi rin napigilang iangat muli para paraanin ito sa malambot niyang pisngi.

"Lieutenant, nand'yan na 'yong respondent—"

"Shh!" nilingon ko si Adam na biglang natahimik nang makita akong masama ang tingin.

"Why—"

"She's sleeping, don't be noisy." I said and he smirked at me, namulsa siya at naglakad palapit, dumudungaw kay Crest na natutulog kaya kumunot ang noo ko at mabilis na tumayo.

"Ikaw muna ang kumausap," I said, hinaharangan siya.

"Bakit ako? Ikaw na, Lieutenant ka, 'di ba? Baka hindi komportable si Mama, pahigain ko sa sofa—"

"Akin siya." I hissed kaya bigla siyang natigilan at nanlaki ang mata sa akin.

"Susuko na po!" bigla niyang tinaas ang kamay kaya natauhan ako sa sinabi at tumikhim.

"It's not what you're thinking." I hissed, "what I mean is...I'll take her to my office, sa sofa siya hihiga para walang istorbo—"

"Sa presinto ka na magpaliwanag, Padlock." He smirked at me, "sabi ko na nga ba't crush mo talaga si Mama—"

Chaining LocketsWhere stories live. Discover now