Sa hindi malamang dahilan ay natagpuan ko nalang ang sarili kong lumapit mismo sa pinagkakaguluhan, at sa hindi inaasahan ay nakita ko naman ang babaeng payat na maganda na may mahabang buhok at hanggang bewang lang habang nakayuko.

Hala anong nangyari? Okay, lang ba siya?

"Ano?Hahalikan mo ba o hindi?You choose!"Napalingon naman ako sa babaeng nagsalita--teka parang familiar siya ahh! Saan ko nga ba siya nakita?

Napalingon naman kami sa babae ng bigla nalang itong tumayo at hindi iniinda ang madumi niyang suot.

"Tsk bakit ko naman gagawin yun?Alam mo mas mabuti pa ngang iwasan—nalang kita kaysa naman habol ako ng habol sa'yo! Nagmukha lang akong tanga—so from now on, remember this face of mine, ALLYSON DELA FUENTE—na wala nang manggugulo sa'yong bwesit!!!".

Naging tahimik naman ang paligid sa kaganapan, habang yung babaeng Allyson naman daw kuno ay bahagyang nalungkot sa narinig. Pansin kasi ang kanyang itsura na parang iiyak na kaya naman ay agad nalang itong umalis na walang kibo na ikinataka nang ilan.

Nagsialisan naman yung mga tsismakers habang ako naman ay nagpatuloy agad sa paglalakad este takbo na pala since nakalimutan kong may pupuntahan pa pala akong importante.

Naman kasi Raine, eh? Inuna mo pa ang makipag chismisan.

Pagdating ko sa 2nd floor ng building ay huminto muna ako dala sa pagkahingal-grabe nakakapagod. Nang maayos ko na ang sarili ko ay agad naman akong naglakad papunta sa pinto na may nakalagay na Admin Office at agad na kumatok.

Kakatok na sana ako ulit ng biglang bumukas ang pinto-at sa di sinasadyang natamaan pa mismo sa noo ang taong nagtangkang lumabas dahilan para mapasinghap ako sa gulat lalo na at napakamilyar ng boses nito.

"What the fuck?!" She angrily said, Habang ako naman ay napapikit sa lakas ng boses niya. Nakalunok ba to ng megaphone? Lakas nang boses, eh hmpf! Napalunok naman ako ng wala sa oras sa talim ng tingin niya.

Woah, mama Tulong!

"You again?! Pag minamalas ka nga naman." Napayuko naman ako sa sinabi niya at mahinang nagdasal na sana palampasin niya nalang to at hindi nalang pansinin pa ngunit mukhang tutol yata si tadhana ng mapansin kong palapit ito ng palapit habang ako naman ay dahan-dahang umatras.

"Scared of me, huh?! Di ka pa talaga nadadala sa mga ginagawa ko sa'yo at ngayon naman ay kinakalaban mo ako!" She hissed at tumigil sa paghakbang ng mapansin niya na wala na pala akong aatrasan pa.

Aish bakit ngayon pa? Kainis naman, eh?

"Ahm, sorry po hindi ko sinasadya." Nanginginig kong sabi habang nakayuko at halos malukot naman tong papel na hawak ko sa sobrang kaba.

"Really? Well, sorry to say this, but from now on, ay doble na ang sakit na mararamdaman mo," Napasinghap naman ako ng bigla siyang bumulong sa tenga ko na parang nakakakilabot.

"You're a dead disgusting nerd." Saad niya na ikinatigas ko sa kinatatayuan at ngayon ko lang rin napansin na umalis na pala siya na may ngisi sa labi habang ako naman ay parang tinakasan ng kaluluwa sa sinabi niya.

Ano daw? Mamamatay na ako? Wahh, ayaw ko pa maiwan si Lennie. Sino na mag-aalaga sa kanya kung ganon? Huhu

"Hey- miss?"

"Miss, are you alright?"

Nabalik naman ako sa ulirat ng may nakita akong lalaki na nagtatakang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Inayos ko naman ang sarili ko bago siya sinagot.

"Ahm, oo, okay lang ako hehe." Saad ko sabay buntong hininga at pilit pinakalma ang sarili.

Tsk nakakainis na talaga ang bully na yun. Ang sama ng ugali niya hmpf!

End of flashback ~

-

"Lutang ka na naman!" Nagising naman ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang sinabi ni Jamie na kanina pa pala nagsasalita sa harap ko, habang ako naman ay naglalayag na naman ang isip.

Pasensya naman hihi.

"Ahh pasensya na Jamie hihi." Kamot ulo kong saad sa kanya. Bumuntong hininga naman siya bago nagsalita habang seryoso akong tinignan.

"Something is bothering you, I know." Hays bakit ba kasi natulala ako kanina? Diko tuloy narinig yung sinasabi niya huhu, pero teka ano daw?

"Huh? Anong sabi mo?"Takang tanong ko sa kanya. Sumeryoso naman siya bigla bago ako tinitigan.

"Si Astrid ba ang dahilan?"Napabuntong hininga naman ako bago dahan-dahang tumango sa kanya. I guess kahit hindi ko pa sasabihin ay mukhang may alam na siya.

Observant na tao talaga tong si Jamie, huhu.

"What did she do this time?"Hindi yun tanong kundi ano statement. Natameme naman ako at hindi agad nakasagot sa kanya.

"So my assumptions are right?" Huh?Teka ano ba ang sinasabi niya?

"Ang alin?"Teka nga ano ba ang sinasabi mo diyan? Diko talaga alan takbo nang utak nito ehh—minsan seryoso minsan naman palabiro.

Para tuloy siyang bipolar hmpf!

"That Astrid bitch is threatening you again."

Tumango naman ako ng dahan-dahan habang nakangusong nakayuko. Anong silbi ng pagsisinungaling kung may alam na siya diba? Hays.

"That bitch."Jamie silently mumbled, Na di ko halos maintindihan kasi nga English huhu.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now