PROLOGUE

20 7 4
                                    

"Thank you for this day, Ben. I really appreciate it." Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinalikan ito. Napakagat ako sa ibabang labi ng maramdaman ang mga paro-parong nagsisiliparan na naman sa tiyan.

"Anything for you, Mandy." Yumuko na lamang ako para itago ang namumulang pisnge ngunit pinilit niyang itaas ang mukha ko kaya ganoon ang aking ginawa.

"I love you." Nawala ang kaninang ngiti sa aking labi ngunit pinilit ko itong ibalik kahit halatang pilit na ito hindi kagaya kanina. I can't say those three words at him pero sa ibang tao ay nagagawa ko namang sabihin.

I don't know why. Dahil ba nahihiya pa rin ako?

I'm weird, I know dahil sa loob nang dalawang taon naming relasyon ay hindi ko pa nasasabi ang tatlong salitang iyon sa kaniya.

"Its okay. Goodnight!" Bago tumalikod ay hinalikan ko muna ang kaniyang pisnge. Dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay dahil ayokong marinig ang kung ano man ang sasabihin niya.

"Akala ko sa lips mo 'ko hahalikan!" Rinig ko pang sigaw nito kaya mahina akong natawa. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang tunog nang kotse.

Sa oras na wala nang marinig na ingay galing sa labas ay malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.

Umupo ako sa kama kong hindi kalayuan sa pinto. Maliit lang ang tinitirahan ko. Kuwarto ito tapos andito na ang kusina, higaan, hapagkainan habang ang CR naman ay nasa labas. Sa likod bahay.

Pabagsak akong humiga rito at hindi mapigilang malungkot.

Pinipilit kong tignan sa kasalukuyan ang aking sarili, kagaya noon. Suot ang unipormeng pang-flight attendant ngunit wala. Ni-anino ko'y hindi ko ma-imagine na matutupad ang matagal nang pangarap.

Bakit kasi ganoon na lang kalupit ang tadhana sa akin?

Maaga na ngang nawala si Inay at Itay. Wala pa akong ibang mahihingian ng tulong kundi ang sarili.

May mga kaibigan akong nag-aalok ng tulong, lalo na si Ben na halos ialok na sa akin ang lahat ng maaring maitulong pero hindi ko tinatanggap. Kaya ko naman at ayokong idipende ang sarili sa iba.

Subalit hindi porket kinakaya ko ay hindi ako napapagod dahil pagod na pagod na ako.

Kakayod sa gabi't papasok sa umaga. Puyat ang laging karamay tuwing nasa paaralan. Gutom naman tuwing nasa trabahong pinapasukan.

Sabado lang ngayon kaya nagawa naming maggala ng boyfriend ko pero kinabukasan ay balik na naman ako sa cycle ng buhay.

Hindi ba puwedeng mag-time out sa pahirap na ito?

Kung puwede lang sumigaw nang taympers sa laro ni Tadhana ay malamang matagal ko ng ginawa subalit hindi talaga maaari.

Dati akala ko'y maihahalintulad sa isang paraiso ang buhay ng tao dahil noong bata ako ay paglalaro't pagsasaya lang ang nasa utak. Ni-minsan ay hindi pumasok sa aking isip na darating ang pagsubok na ito.

"Ang duga naman kasi." Ang dayang kalaro ni Tadhana, alam naman niyang mahina ako pero ganito pa ang ginawa.

Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdamang kumirot ito. Dali-dali kong kinuha ang gamot na nakapatong lang sa maliit na lamesang katabi nitong kama, ininom ko ito at ilang minuto lang ay nawala na ang sakit na nararamdaman.

"Miss. Reyes, you have tumor in your heart. A malignant heart tumors, its grow faster and invade the walls and other important parts of your heart. Your ventricle is blocking the blood flow that cause you to feel chest pain, fatigue, dizziness, fainting, and shortness of breath——"

Tinignan ko ang ct scan result na ginawa sa akin kahapon. Gagi, nabudol ata ako nang limang libo para lang sa test na ito.

"Doc. ang dami mong sinabi, ba't 'di mo na lang ibulong sa akin kung anong gamot dito para mabili ko na. Sakto, sahod ko noong isang araw at may tira pa akong dalawang libo dahil nabudol niyo 'ko kahapon nang 5k." Kumunot ang noo nitong Doctor kaya itinaas-baba ko ang kilay na parang nakikipagbiruan lang sa kaharap.

Masyadong mataas ang sweldo ko ngayon para maging malungkot. Pasok sa kaliwa't labas sa kanang tainga ang kung ano mang naririnig ko rito dahil ayokong masira ang aking araw.

Pero nalulungkot talaga ako sa 5k ko kahapon. Kung bakit ba naman kasi napilit ako nitong magpa-ct scan.

"This is a serious problem, Ms. Reyes. Kailangang maisagawa ang surgical removal treatment——" Sumabat na agad ako dahil hindi ko na kaya ang nalalamaman ko. Anong surgical removal treatment? Malignant heart tumor?

"Wala akong pera para sa ganiyan. Pahingi na lang ng reseta."

Dalawang linggo na ang nakalipas noong malaman kong may sakit nga ako sa puso. Hindi ko matanggap.

Noong isang linggo ay nag-sink in talaga sa akin ang lahat ng nalaman ko kay Doc. Hindi lang siguro talaga ako makapaniwala kaya ganoong kaloko ang reaksyon ko no'n.

Lintek na puso. Bakit mo kasi hinayaang magka-tumor ka?

Kaya siguro hindi ko na makita ang aking sariling nagsusuot ng uniporme nang isang flight attendant dahil. . .

Dahil hindi pa man nagtatapos ang taong ito ay tapos na ang buhay ko.

•••••
04-15-2021

Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon