CHAPTERS 12: Back

1 2 0
                                    

Pagmulat ng mga mata ko ay kadiliman ang bumungad sa'kin. Nang tingnan ko ang paligid ay nasa isang madilim na kwarto ako, ang tanging source of light ay ang manilaw-nilaw na bumbilya. Malamig dito at parang hindi ako makahinga, buti na nga lang at hindi ako nakatali katulad ng mga typical abduction scenes.

Nilibot ko ang aking paningin, baka sakaling may mahanap akong daan palabas at hindi nga ako nagkakamali, mayroong isang maliit na pinto na kasyang-kasya lang talaga ako. Feeling ko it was made only for me.

Pagtayo ko ay may naapakan akong medyo malapot kaya nang tiningnan ko ito ay ang saging pala ito na kinuha ko kanina. Binitbit ko ito nang nilapitan ko ang pinto. Wala itong lock which I find really really weird kasi kung ako lang ang nangunguha, malamang tadtad 'to ng lock.

Nang hinila ko ito ay hindi bumukas kaya itinulak ko ito and it opened. I know there's something wrong in here. Bakit parang ang dali ko namang makalabas? Anong klase ba ang nanguha sa'kin? Some sort of immature and idiot kidnapper?

Nilakad ko ang nag-iisang pasilyo na narito. Hindi ko maaninag ang dulo dahil madilim. Iniwan kong nakabukas ang pinto ng kwarto para may ilaw naman ako.

Sobrang dilim na ng nilalakaran ko at nakahawak lang ako sa dingding dahil sabi nila effective naman daw 'to para hindi ka mawala at makarating sa dulo.  Good thing walang pasikot-sikot kaya ang smooth lang ng naging paglakad ko.

No guards or goons, no traps, no lights, no other movements, sobrang tahimik at ang mga yabag ko lang ang maririnig sa buong lugar na'to. I don't know kung nasaan na ako at kung hinahanap ba nila ako, kung nasa isla pa rin ba ako o nasa ibang lugar na.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakakita na rin ako ng liwanag sa dulo kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Habang papalapit ako sa liwanag ay nabuhay ang pag-asa sa dibdib kong makakalabas pa ako at hindi pa ako mamamatay. Napangiti nalang ako habang yakap-yakap pa rin ang saging na dala ko.

Malapit na. Sobrang malapit na ako sa liwanag kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Nasilaw ako sa matinding liwanag na bumungad sa'kin. It took me seconds bago nakapag-adjust ang mga mata ko. Katahimikan. Iyan ang bumungad sa'kin.

Umaga na kaya na-realize kong ilang oras din pala akong nakatulog dahil hapon pa n'ong nahulog ako sa butas. Nasa gubat pa rin ako, hula ko'y nasa pinakapusod na bahagi ito dahil hindi ko naririnig ang mga hampas ng alon. Maraming mga malalaking puno ang nandito, parang bahay ng mga kapre sa mga horror movies na napapanood ko.

Nang tingnan ko ang pinanggalingan ko ay isa itong maliit na bahay. Konti lang ang mga gamit na nandoon at parang inabandona na. Para siyang bahay ng mga mambabarang na napanood ko sa isang pelikula. Yep, I love watching horror movies.

"Andrea! Shiela! Therina! Janice! Caroline! Nasa'n kayo?" sigaw ko, nagbabaka-sakaling maririnig nila ako at nasa malapit lang sila. Walang sumagot kaya inulit ko ito. Namaos nalang ako kakasigaw but there's still no sign of them.

Naglakad-lakad nalang ako, hindi alam kung saan pupunta, ni hindi alam kung nasaan na ang mga kasama ko o kung saang lupalop na ng isla ako ngayon. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa napagod ako kaya napagpasyahan ko munang magpahinga saglit.

Nang maka-ipon ng sapat na lakas ay ipinagpatuloy ko ulit ang aking paglalakad. Nandito pa rin ako sa gitna ng kawalan, at kung mamamatay man ako ay pahirapan silang mahanap ang bangkay ko, 'yan kung mahahanap nila sa laki ba naman dito. Nilalagyan ko ng mga palatandaan ang mga nadaanan ko na gamit ang nakuha kong kulay pulang mahabang dahon at itinatali ito sa mga puno.

Malapit nang lumubog ang araw kaya mahirap nang maaninag ang daan kaya umakyat na lamang ako sa pinakamataas na punong nakita ko at doon napagpasyahang antayin ang muling pagsikat ng araw. Medyo nahirapan pa ako n'ong una but fortunately, I did it habang nakatali sa beywang ang mga saging.

The Anubis IslandOnde histórias criam vida. Descubra agora