CHAPTER 11: 10ft Below the Ground

3 2 0
                                    

"Welcome to Islas de las Detos!" Iyan ang nakasulat sa mismong karatolang nakatusok sa buhangin. Saktong pagkarating namin sa islang ito ay bumalik sa ilalim ng dagat ang malaking bakal na tubong iyon.

Hindi namin iyon masiyadong pinagtuonan ng pansin dahil inuna naming humilata sa pinong buhangin na hindi naman masyadong maputi. Pagod na pagod kami. Marami ring nangyari sa loob ng isang araw.

Una, nilusob kami ng parang mangkukulam na babae sa kwebang tinuluyan namin tapos nagsitakbuhan kami patungo sa gubat where we found a very unusual tree na tinawag na "The Button Tree". Marami itong mga traps that unfortunately got one of our friends, Shanaia who was eaten by two big snakes. Shanaia's fall lose our playful Anthony too who happened to be her brother. We luckily passed that stage that directed us to the shore where we encountered again lots of 'obstacles'. First dumaan kami sa isang hanging bridge, then sa mga batong pinalilibutan ng mga electrical fence na kumuha ulit ng isang buhay, si Candice. We again encountered something tapos the last phase sa nakaka-stress na obstacle course na 'yon, ang malaking bakal na tubo which lead us here.

Hindi ko alam kung magiging ligtas ba kami sa islang ito hanggang dumating ang ika-anim na araw, ang araw kung kailan kami susunduin ng private plane ni Candice.

Isa pa 'yan. Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag sa mga magulang niya ang nangyari sa kaniya. I can envision the hatred and anger sa mga mata nila the moment we tell them what happened to their precious daughter. Maaari rin kaming makatanggap ng mga masasakit na salita mula sa kanila or even a slap or whatever, and I will gladly accept that. That will happen if we make it out alive.

"It's getting dark. We have to find a place for us to stay just this night," I said habang pinapagpag na ang dumikit na buhangin sa damit ko.

"Can't we just stay here? Parang ayoko nang tumayo, Shier. Ang sakit sakit na ng buong katawan ko, ang sarap higaan ng buhangin oh," David lazily uttered na nakatakip na ang braso sa mga mata.

"Paano kung sundan tayo dito n'ong babaeng bruha, aber? Ikaw ibibigay namin, payag ka n'on?" ani Caroline na nakapameywang na ngayon.

Nagsitayuan na rin naman halos lahat at ilan nalang ang natitira at kabilang na ang Dabid na 'to. Nakita ko pang hinila ni Zandrei ang kapatid nitong si Ezequel na nagpupumiglas na. Dahil nga sa likot nito ay nabitawan ito ni Zandrei kaya sumubsob ang buong mukha nito sa buhangin kaya tinawanan namin ito.

"Tsk. Okay, fine. Arrghh! I missed my bed," nagmamaktol na ani David na pinapagpag na ngayon ang mga dumikit na buhangin sa kaniya.

"Where to go?" Catherine asked na nakakapit sa braso ni Brandon.

"We'll find a good place to hide at para palipasan ng gabi. Let's go there," I said while pointing the forest behind us.

"Are you sure it's safe there? It's already dark and there could be wild animals there or worst, cannibals doing their huntings or--," napatigil si Catherine nang batukan ito ni Cari.

The Anubis Islandحيث تعيش القصص. اكتشف الآن