“Sunny, kumusta na kayo ng kapatid mo?” tanong ni Manong Kaloy na isa sa mga street vendor dito sa labas ng school namin. Dating kapitbahay namin si Manong Kaloy noong hindi pa kami lumilipat ng bahay.

Sumimsim muna ako sa gulaman na hawak bago sumagot. “Maayos naman po. Parehong nag-aaral.”

“Mabuti naman at hindi kayo pinababayaan ng papa niyo,” sabi nito habang busy sa pagbigay ng paninda sa mga estudyante.

“Hindi naman po.”

“Naglalaro pa rin ba siya ng bilyar, Sunny? Balita ko, malaki ang panalo niya noong nakaraang linggo. Dumayo pa raw sila sa kabilang ruta.”

Nagkibit-balikat ako. “‘Di ko po alam,” I said. Wala naman kasing sinabi si Papa na nanalo siya. “Pero naglalaro pa rin po si Papa hanggang ngayon,” dagdag ko. Hindi na nagtanong si Manong Kaloy hanggang sa matapos kaming kumain. Naging busy na rin kasi ito.

“Manong, pakibalot po ng limang barbecue, salamat po,” sabi ko bago dumukot ng pera sa pitakang hawak. Ngunit bago pa man ako makabunot ay pinigilan na ako ni Preece.

Our eyes met. He smiled. “My treat.”

Mabilis akong umiling. “Hindi! Ako na. Pasalubong ko ‘to kay Seth,” I said. “At saka may sarili naman akong pera, ‘no?”

Umiling din siya. “Ako na nga sabi. Libre ko ngayon.”

Sumimangot ako. “‘Wag na. Ako na. Kayang kaya ko ‘to.”

“Nah. Ako na. Ako ‘yong nagyaya. Let me pay for it.” Wala na akong nagawa nang siya na ang nagbayad ng mga binili ko. He pulled one hundred pesos from his pocket and gave it to the vendor.

“Salamat,” sabi ko bago kinuha ang mga binili sa tindero.

“No problem.” Mayabang siyang ngumisi sa akin bago kinuha ang bag ko sa lamesa at siya na ang nagbitbit nito.

“Yabang por que rich kid,” natatawang sabi ko at umirap.

He chuckled and pinched my cheek. “Ang parents ko ang mayaman. Hindi ako, Sunny,” natatawa bagama’t seryosong saad niya.

I pouted. Thing I liked about S was his down-to-earth personality. He isn’t boastful about his wealth—about his family’s money and connections. He is always so humble that sometimes I’d find it fake.

I could say he was raised for being a good kid. Mayaman sila pero kayang kaya niyang makipagsabayan sa mga mahihirap na kagaya ko. Ang swerte ko nga dahil naging magkaibigan kami. He’s like a big brother for me. And the feeling is mutual. He sees me as his younger sister. We treat each other like siblings.

I smiled sweetly.

“Sunny, Preece!”

Sabay kaming napalingon sa kanan nang may tumawag sa aming mga pangalan. Dori was walking straight to our direction as her lips curved downwards. Umaalon ang mahaba nitong buhok na may headband.

Gulat ko siyang tiningnan. I thought she already went home? Kaya nga kaming dalawa na lang si Preece ngayon dahil akala namin, nakauwi na siya.

Nang huminto siya sa aming harapan ay sinabunutan niya agad kami ng buhok. Napa-igik ako. “Ba’t niyo ‘ko iniwan?! Akala ko ba, sabay tayong kakain?!”

“Eh, akala ko kasi, umalis ka na. I saw your driver kanina at nakita rin kitang pumasok sa van niyo,” I said while fixing my hair.

She stomped her feet and glared at the both of us. “Ang selfish niyo!”

Pinigilan kong matawa. She’s so cute whenever she pouts. Para siyang si Boots sa Dora the explorer.

“Dori, hindi mo naman kasi sinabi na sasabay ka pala, eh,” I calmly said and pulled her books from her arms, paniguradong nabibigatan na siya.

Lightless SunshineWhere stories live. Discover now