32- Complications

Start from the beginning
                                    

We had to leave Hellville. We had to leave Vergaemonth. We had to start anew.

That's when I rallied my sympathizers and my children. We left and we didn't turn back. We left magic. We left and abandoned who we really are.

We left magic.

We left magic.

We left magic.

Paulit-ulit na binasa ni Fenris ang linyang 'yun dahil hindi pa rin kayang i-digest ng kanyang utak ang fact na galing ng Hellville ang kanilang founding father.

We left magic.

Ibig bang sabihin ay witch si St. Harfeld?

Ibig bang sabihin ay witch din ang mga sympathizers nito?

And what did that make them, the descendants of these witch immigrants?

"Witch din ba kami?" hindi makapaniwalang sambit ni Fenris nang malakas.

Focused na focused siya sa pagbabasa nang bigla na lamang may kumatok sa kanyang pinto kaya halos mapatid siya sa pagtayo mula sa kama.

"Sino 'yan?" sigaw niya habang naghahanap ng pwedeng pagtaguan ng libro.

"It's me," boses iyun ni Linus kaya nakahinga ng maluwag ang dalaga.

She unlocked the door and let him in.

Seryosong tumingin sa kanya ang lalaki habang ini-lock n'yang muli ang pinto.

"You okay?" tanong nito saka naupo sa kanyang kama. Mukhang bagong ligo ito at nakasuot ng itim na jogging suit.

"Yeah," aniya na medyo lutang pa rin dahil sa dami ng kanyang mga katanungan. Ni hindi pa siya nakapagpalit ng kanyang training attire kaya ang baho na niya siguro.

"Do you want to eat dinner now?" nakakunot pa rin ang noo nito.

"Dinner? Ano'ng oras na ba?"

She didn't even notice na madilim na sa labas.

"Seven."

"Really? Ilang oras na pala akong nagbabasa nitong libro. Dumeretso ako rito after ng afternoon training natin. May pagkain pa ba sa kitchen ngayon? Kanina pa tapos ang dinner time," mabilis na tumayo ang dalaga at itinago uli sa ilalim ng kama ang libro.

"It doesn't matter. I don't get your food from the cooks anyway," kibit-balikat nitong sagot.

Bahagyang natawa ang dalaga. "Eh saan galing ang mga pagkain ko? Sino nagluto? Ikaw?"

Walang sagot na narinig si Fenris kaya napatitig siya sa binata. Seryoso lang itong nakatingin ngayon sa kanya habang namumula ang leeg.

"Wait a minute... Hindi nga?"

"What?" anito na nag-iwas ng tingin.

"You cook my food?" hindi makapaniwalang tanong niya na tuluyan nang tumayo at humarap sa binata.

"Yes, so? What's the big deal?"

Hindi mapigilan ni Fenris ang makaramdam ng init sa kanyang dibdib. "Since when?"

"After someone threw you off the ship," anitong nakatingin na sa kanyang mga mata. They were so blue na para bang nasa gitna siya ng karagatan. Nakakalula at nakakalunod ang klase ng titig nito.

He had been taking care of her like this without her knowing?

Isang genuine na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga saka siya humakbang palapit dito. She tiptoed and planted a sweet kiss on his cheek. "Thank you."

The Knights of St. HarfeldWhere stories live. Discover now