Chapter 21

293 4 0
                                    

Nandito ako ngayon sa office, pumipirma ulit ng mga papeles. Habang tutok ako sa pagbabasa ay biglang nag ring ang aking phone.

Luna calling*

Ano na naman kaya kailangan nito?

"Yes?" sagot ko sakanya.

"Are you busy?" tanong niya.

"Well, sort of pero keri lang naman" sagot ko.

"Kasee, Rese visited me here sa resto ko. Tapos sabi niya ayain ka nalang daw namin mag lunch tutal nandito ka naman na" paliwanag niya.

Tiningnan ko ang aking relo, 10:30 a.m.

"Sure. I'll just finish my papers then diretso na ako jan" sabi ko.

"Yey! see you later bes" sabi niya na may halong tuwa.

"San nga location ng Resto mo?" tanong ko.

"Oh right, dito sa may Antipolo. Gamit ka nalang waze" sagot niya.

"Okay, see you there" sabi ko sabay patay ng tawag.

Mabilis kong tinapos ang paperworks at nagpalit ng dress. Naka corporate attire kasi ako, may baon din akong jeans at dress palagi para incase na may biglaang lakad.

I wore a peach off-shoulder dress and put on light make-up.

Bumaba na ako at naabutan si Camille na papasok sa HQ.

"San punta mo?" tanong niya.

"Lunch with Athena and Gaia" sagot ko.

"Okay, don't forget about the mission later ha. Enjoy!" paalala niya.

"Aight. Noted" sagot ko at lumabas na sa HQ.

Shuta san ba kase 'tong Resto ni Luna?

Kanina ko pa sinusunod ang turo ng Waze pero hanggang ngayon di pa rin ako nakakarating.

I decided to call Luna since nandito naman na ako sa Antipolo.

"Hoy babae? san ba kase yang resto mo? Kanina pa ako pa ikot-ikot dito sa Antipolo" tanong ko may halong pagkairita.

"Chill lang bes ano ba" sagot niya habang tumatawa.

"So san nga?" tanong ko ulit.

"Liko ka sa may SB jan sa Victory Park, third door ayan makikita mo na" sagot niya.

"K. see you" sabi ko sabay patay ng tawag at nagpatuloy sa pag drive.

Finally nakarating na rin ako! Na stress bangs ko ket wala naman ako non.

Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papasok sa resto.

"Buti naman nakarating ka na Avrielle! Tagal naming naghintay nagugutom na 'ko!" sigaw ng walanghiyang si Rese.

Mabilis akong lumapit sa table at binatukan siya.

"Gaga, you're so nakakahiya" reklamo ko.

"Wtf, stop the conyo accent nakakadiri" sagot ni Rese.

"Ikaw din naman Rese conyo kaya tumahimik na kayong dalawa kase nagugutom na 'ko" sita ni Luna kaya napatigil kami sa pagbabangayan.

Parang nanay kase talaga 'tong si Luna.

Habang kumakain ay naisipan kong tanungin si Rese.

"Rese, kayo parin ba ni Nicolai?" tanong ko.

"Alam mo huli ka na sa balita. Kasal na nga kami" sagot niya kaya napanganga ako.

"Ano? ba't di mo ko ininvite gaga ka!" reklamo ko.

Waves of Memories Where stories live. Discover now