Chapter 1

1.5K 22 0
                                    

Minulat ko ang aking mata at tumitig sa kisame habang patuloy na nag ri-ring ang alarm clock. Shit naman oh pasukan na naman.

Tamad akong bumangon at naligo.

Habang pababa ako ng hagdan naabutan ko si Yaya Mae.

"Oh anak, halika na't kumain ng almusal paborito mo pa naman yung niluto ko kase first day of school" sabi nya habang nakangiti.

Matamis ko siyang nginitian at tumango.

Sobrang sarap talaga magluto ni yaya, kaya mahal ko 'yan eh.

"Yaya, nasan pala sina Mom at Dad?" tanong ko.

"Ay nako hija maaga umalis, may emergency meeting kasi sa kumpanya kaya hindi na rin nakapag almusal".

Tipid akong ngumiti at nagpatuloy na lang sa pag kain.

-

"Ma'am, nandito na po tayo" rinig kong sabi ni Manong Ramil.

"Sige manong, salamat po sa paghatid tatawagan ko nalang po kayo kung magpapasundo na ako" pagpaalam ko sa kanya.

Lumabas ako sa sasakyan at nagsimulang maglakad papunta sa gate.

As usual, nakakarinig na naman ako ng mga bulong- bulongan mula sa mga chismosang students.

Lumapit ako sa dalawang babaeng pinagchichismisan ako.

"You can talk to me naman if you have some issues. Hindi yung mag bubulong- bulongan na nga lang maririnig ko pa" sabi ko sa kanila na nakataas ang kilay.

Inirapan pa ako ng dalawa bago umalis.

The nerve! ugh umaga pa lang naiirita na ako.

"Avrielle Maxine Gonzales!" lumingon ako at nakita ang dalawang bestfriend kong sina Ashlynn Rorese Perez at Maureen Luna Silvestre.

"Ano ba naman yan bes, don't call me like that!" tumakbo ako at nakipag-beso sa kanila.

"Oops. sorry, magkasalubong na naman kasi yang kilay mo, sino na naman inaway mo?" tanong ni Rese.

"Those girls oh" turo ko sa dalawang tumatakbong studyante.

"Chill na bes, hayaan mo na wala namang ibang alam sa buhay yon" sabi ni Luna.

"So, how's you're vacation ba?" tanong ni Rese.

"Well, it's kinda boring, I travelled alone na naman kase, you know my parents, they're both busy" sagot ko sakanya.

"Ako naman, I spent the summer with my family in Hawaii, you know naman na mom really loves the sea, kaya doon naisipan ni dad na magbakasyon" sagot naman ni Luna.

"Mabuti nga maayos ang bakasyon nyo, eh ako okay na sana kaso may nakabangga ako sa Lotte Mall sa Korea, ampotang asungot hindi na nga nagsorry hindi pa pinalitan yung paborito 'kong chocolate " iritadong saad ni Rese.

"Pwede ka naman, bumili ng bago ah"sabat ni Luna.

"Eh ayoko sayang sa pera" sagot naman niya.

"Gaga ka ang yaman mo pero kuripot ka pa rin" dagdag pa ni Luna.

"Ewan ko sayo Luna, ano naman kung kuripot, eh sa ayaw kong gumastos ulit tsaka nabu bwiset talaga ako sa mukha ng asungot na 'yon" sabi niya sabay irap.

As always, maldita talaga.

Ngumisi kami ni Luna, at sabay na inasar si Rese.

"Baka naman he's the one!" natatawang saad ni Luna.

"Ewan ko sayo Luna, I hate him ang kapal ng mukha 'nya!" namumula na ang mukha ni Rese sa pagka irita.

"The more you hate, the more you love naman, diba Rese?" panunukso ko pa kay Rese.

"Ewan ko sainyong dalawa, 'jan na nga kayo!" Sagot ni Rese at nagmartsa paalis.

Patuloy ang tawanan namin ni Luna habang sumusunod kay Rese papuntang classroom.

Waves of Memories Where stories live. Discover now