Napaatras ako ng kaunti.Tama nga ako,he's just playing around!Hindi talaga siya seryoso sa'kin kaya okay lang sa kaniya na may kalandian.

Tumango ako at ngumiti.

"Okay."

"Dahil mahal na kita."
Dugtong niya.Kita ko ang ngisi sa labi niya.Bigla niyang pinantay ang mukha niya sa mukha ko.

"Akala mo hindi kita mahal 'no?..."
Pulang-pula ang pisngi ko.

"Hindi!"
Nilayo ko ang mukha ko.Nakakainis siya.

"Doon ka na nga sa babae mo!"
Singhal ko at inirapan siya.

Natahimik siya bigla.

"Sinong babae?Ikaw ang babae ko."Inosentang wika niya.

Sus!'Kala niya siguro hindi ko nakita?I'm not blind,Elperes.

"'Yung babae mo kanina!Yung babaeng hinalakan ka sa labi at nagpunas sa'yo.Huwag ako Elperes,nakita ko 'yun!Hindi ka nga umayaw e parang gustong-gusto mo pa ng halik niya!Pinunasan ka pa!Ang sweet niyo ngang tingnan e,ang sarap ibaon sa kanal—"

Napahinto ako sa sinabi ko.Nadala lang talaga ako sa inis.Shit!Napapikit ako at alam ko kung ano ang nagiging reaksyon ni Cloud,ang pilyong ngiti niya.

Rinig ko ang tawa niya kaya napatingin ako.

"So... you're really jealous,huh?"
Nakangisi niyang sabi.Nasabi ko na,masyado akong napaghahalataan.

"HINDI.Ayaw ko lang talaga sa mga lalake na nagsisinungaling.Sabi mo sa'kin na gusto mo'ko pero ba't nakikipaglampungan ka kanina?"
Suplada kong tanong.

"Hindi ako nakikipaglandian kanina,Valdico.Sadyang ang hype niya lang talaga kaya nakaka-tsansing sa'kin.I'm sorry."

Ngumiwi ako at umirap.

"Nagpapatsansing ka rin naman.Sinungaling."umiling ako

Ipit niya ang bola sa kaniyang braso't bewang habang nakatingin sa'kin.

"Should I make a promise?"

Kumunot ang noo ko.

"From now on,paghahalikan ako ng babaeng iyon...susuntukin ko na siya sa panga para hindi kana magselos."
Nakangiti niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko.Sige,gawin mo 'yan!

"Nahihibang ka na ba?"
Hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumisi siya na para bang walang mali sa sinabi niya.

"Siguro.Nahihibang ako sa'yo."

Umiwas ako ng tingin dahil nag-init ang aking pisngi sa sinabi niya.

"Ang cute mo namang magselos." pang-aasar niya.

"Sinabi ko ngang hindi ako nagseselos!Ayoko lang sa mga sinungaling!"
Depensa ko.

"Hindi nga ako nagsisinungaling..."

Napailing nalang ako at hindi na siya pinatulan pa.

"Alis na'ko."
Tumalikod ako at naglakad.

"Sabay."
Bigla niyang pinagsiklop ang kamay niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.Namumula ang pisngi ko,shit!

Delikado na talaga!

Tatanggalin ko na sana ang kamay niya kaso sinaway niya ko.

"Liligawan na kita."
Hindi na ako nagulat pero ang lakas ng impact sa'kin.

"Pinapayagan ba kita?" supladang untag ko.

"Doon din naman tutungo e."

"Hindi."
Hinawi ko ang kamay niya.

"Kung hindi,gagawin ko ng paraan para papayagan mo na'ko."

Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero may biglang tumawag.Napalingon agad ako.
Pabalik-balik ang tingin ni Drew sa'min.

"Sabay kana sa'min umuwi,Sash."

Halfday pala ngayon.

"Sige ba!"
Nakangiti kong sagot.Muli kong tiningnan si Cloud na nakatitig kay Drew.

"Una na kami."
Hindi tumutol si Cloud dahil tinawag na sila ng couch nila.

"Ba't parati kayong magkasama?"
Tanong ni Drew.Nagsimula na kaming maglakad.

"Hindi naman masyado."
Pagtatanggi ko.

"May gusto talaga yun sa'yo."
Natatawa niyang sabi.

I know.

Ngumiti lang ako.Halos alam naman ng lahat na may gusto siya sa'kin,mabilis lang kasi kumalat ang chismis.

"Gusto mo rin ba siya?"
Natigilan ako sa tanong niya.Nagkatinginan kami.

Natigilan ako.Iniisip kong ano ang isasagot ko.Natawa siya't muling ngumiti.

"Silent means yes."

"H-huh hindi ah."
I protested at hinampas siya sa braso.

"E-eh b-bat n-nauutal k-ka?"
Pang-aasar niya sa'kin at biglang humagalpak ng tawa kaya binatukan ko.

Napanguso ako.Bwesit talaga!

"Ikaw naman kasi!Ano bang klaseng tanong 'yan?"

"Hindi mo masasagot kase ayaw mo lang sabihin ang totoo,na may gusto ka din.Ang manhid mo lang kasi,Sasha.Alam mo ng may gusto ka pero tinatanggi mo lang."
Biglang sumeryoso ang awra niya.

Napakagat ako ng labi.

"Oh,kita mo?May gusto ka talaga do'n."
Natatawa niyang sabi.

Tahimik lang ako.Wala akong maisagot.

"Do you know what?Kapag may gusto ka sa isang tao,huwag mong pakawalan.Nagkagusto din ako sa babaeng ang lapit sa'kin pero parang ang layo niya...malabo niya akong mahalin dahil kaibigan lang naman ang turing niya sa'kin.Kaya kung may mahal ka,huwag mong papakawalan,huwag mong sukuan,ipaglaban mo."
Ngumiti siya ng simple pero may kakaiba e.Parang malungkot ang mga mata niya.

Tagos na tagos ang sinabi niya sa'kin.May gusto na ba ako sa Elperes na iyon?

"Sino naman yung tinutukoy mong babae?"
Tanong ko dahil sa kuryusidad.

"Silly.Huwag mo ng alamin,magugulat ka lang." Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko na parang bata.

At inaamin na talaga ng puso ko na unti-unti ng nahuhulog ang loob ko kay Elperes.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now