#1 Bakit Nangongopya ang mga Estudyante?

2K 9 5
                                    

Unang Tanong:

            Bakit nangongopya ang mga estudyante???

Sino kayang estudyante ang hindi nakaranas mangopya sa kaklase? Siguro, naghohomestudy siya kaya malamang wala siyang kokopyahan. Pero sabi ng karamihan, hindi ka estudyanteng maituturing kung hindi mo pa naranasang kumopya at makipagteamwork. I AGREE! Tama naman diba? Parang masyadong independent naman nung mag-aaral na ‘yon kung hindi pa niya naranasang mangopya, magpakopya, at makopyahan habang siya’y nag-aaral pa. Ang hirap kayang tumayo sa sariling mga paa pagdating sa pag-aaral! Bilib na ko sa mga independent students!

Pero bakit nangongopya ang mga estudyante? Simple lang! Kasi nga mahirap tumayo sa mga sariling paa pagdating sa pag-aaral! Sa humigit-kumulang na sampung oras sa loob ng eskwela, bihira ka na lang makahinga ng maluwag at umuwi nang wala nang kailangang gawin para ipasa bukas. 99.9% ang posibilidad na laging mayroong homework, report, project, quiz, exam, surprise quiz, at kung anu-ano pang kailangang ipasa, at gawin kinabukasan. Intense diba? Kulang pa pala ang sampung oras na ginugol natin para makinig, umupo, bumati sa guro, tumayo, mag recite, kumanta ng Lupang Hinirang, umupo, makinig, magtaas ng kamay, mag recite, kumain ng lunch, magsulat, makipagkwentuhan, mangopya, matakot sa teacher, at kung anu-ano pa. At dahil hindi pa sapat ang sampung oras, kailangan pang magbigay ng mga teacher ng pabaon para hindi natin sila makalimutan. Ang ipinagtataka ko lang e kung bakit kailangan pang magtake home ng gawain kung pwede namang gawin na lang sa school... Hmmm.... Siguro nga kasi dahil kulang ang sampung oras na ginugugol sa eskwela.

Sa tuwing nangongopya ako, kasama ng aking mga matulungin at masisipag na kaklase, nararamdaman ko ang pagiging isa ng aming section. Tulong-tulong at nakikiisa ang halos sa lahat maliban sa isa, dalawa, tatlo – iilan lang naman silang may sariling mundo. Kaya sa tuwing nagkakaroon ng teamwork, mapaquiz man yan, homework, o project, nararamdaman ko ang pagiging masipag naming kumopya at magpakopya. Teamwork kung aming ituring yan. Wala nang iba. Pag hindi ka nagpakopya, madamot ka. Lalo na kung hindi ka nagpapakopya pero iisa lang naman pala ang nagawa mo at sampu wala ka at manghihingi ka ng tulong sa mga kaklase mong hindi mo man lang pinakopya ng isa samantalang ikaw, sampu ang kailangan mo sa kanila. Mahiya ka nga! Kaya nga TEAMWORK ee! Be fair naman!

Pero... hindi lahat ng pangongopya ay maganda. Maaaring tayo ay nangongopya para makapasa at magkaroon ng kinabukasan, ngunit hindi natin dapat ito ugaliin at gawing parang daily routine na lamang. E di wala nang pumapasok sa kukote natin kung ganon... Iba na din ang tawag sa mga estudyanteng ganon. Limang letra. Nagsisimula sa T, nagtatapos sa D. Alam mo na? OO! TAMAD!

Tamad na kung maituturing ang mga ganong mag-aaral. Yung tipong ang homework ay “write your weakneasses” tapos kukopyahin ang weaknesses nung kaklase. O kaya naman yung assignment ay papirmahan lang sa magulang yung notebook ay hindi pa nagawa! Walang tatalo sa kasipagan ng mga ganyang estudyante! Siguro kasi nung namigay ng libreng kasipagan ang langit, hindi siya nakaabot kaya yun! Teka nga lang, nasagot ko naman yung tanong, diba? Kung bakit nangongopya ang mga estudyante? Diba? Diba? I’ll take that as a yes.

Bakit May Mga Tanong na Walang Sagot?Where stories live. Discover now