16 - College of Science Atrium

44 1 0
                                    

Maaga akong umalis ng Diliman the next day, June 14, para makaiwas sa dagsaan ng mga tao sa Katipunan Station ng LRT2. Buti na lang at tapos na ang classes ng second semester at nasa period kami ng lull before the Commencement Exercises. Natapos na rin namin ni Ma'am R ang pag-submit ng grades sa Bio 12 sa CRS, kaya malaya na ako, at least until the middle of the midyear term. Na-assign kasi ako sa second half ng lab section ng Bio 12.

Halos 6 PM na nang makababa ako ng LRT1 Station sa harapan ng Philippine General Hospital, kaya mabilis akong naglakad sa kahabaan ng Pedro Gil Street. Hindi pa bumababa ang araw, at ang daming tao pa rin sa bangketa, kaya nakipagpatintero pa ako sa mga nagbebenta ng cell phone accessories at kung anu-anong abubot at pagkain. By the time nakapasok na ako ng gate ng Calderon Hall, namumuo na ang pawis sa aking noo dahil napaka-humid ng hapong iyon. Nag-text kanina si Lisa na hihintayin daw niya ako sa may tabi ng statue sa may bench sa harap ng Calderon Hall. Madali ko namang natagpuan si Lisa dahil nakaupo nga siya sa bench at nakikipagkuwentuhan kina Aggie, Gab, at Renz.

"Bodj!" sigaw ni Renz nang namataan niya ako. Tinapik niya ako sa braso sabay ngiti. "So nice to see you again." Binati rin ako nina Aggie at Gab.

"Kamusta na kayo?" tanong ko, trying very hard to be cordial kahit na excited na akong ma-solo si Lisa.

"Heto, atat nang umalis," tugon ni Aggie. "Kanina pa di mapakali ang isang tao riyan." Lumingon siya kay Lisa at kinindatan.

"We'd better go, then," sabi ni Renz. "Take as much time as you need. Wala na kaming group study ngayon."

Lisa and I watched them leave, then I sat beside her sa bench.

"We can stay here for a while habang mag-cool off ka muna." Inabutan ako ni Lisa ng tissue para magpunas ng pawis sa aking mukha.

"Thanks! Oo nga, I better catch my breath."

Naglabas ng brown paper bag si Lisa at binuksan ito. "Here, merienda ka muna." Pagsilip ko sa loob ng bag ay nakita ko ang shawarma.

"Paano dinner natin?"

"Okay lang. We'll have dinner later. I just need to give you this as a 'thank you' for your help sa aming project sa Kanawan."

"You didn't have to," sagot ko habang kinuha ko ang alok niyang shawarma. "Alam mo namang I'd do anything for you." Kakagat na ako nang may mapansin ako. "Teka lang, may bawas na ito, a?"

Napangisi si Lisa. "Yeah, I kinda got hungry, so kinain ko na ang kalahati."

Tumawa lang ako, pero in no time ay naubos ko rin ang aking kalahati ng shawarma habang the whole time ay pinagmasdan lang niya ako. Then, as if on cue, inilabas niya ang Coke in can at ibinigay sa akin.

"Ang lakas mong kumain, pero di ka tumataba."

"It's an Ong trait. Mabilis ang metabolism namin."

"So I noticed. Sana lahat."

We just sat there as the sky quickly turned golden habang tinitingnan lang namin ang med students na lumalabas ng Calderon Hall at naririnig ang busina ng mga jeepney sa Pedro Gil. Dapat sana ay masaya ako, pero mabigat ang aking nararamdaman, at parang ganun din ang vibe na nasasagap ko kay Lisa despite her attempts at smiling at me. "Na-feel mo ba yun?"

"You mean the sense of impending gloom?"

"Ah. So ikaw rin?"

Tumango siya. "So when are you applying for your student visa?"

"Sa August." Napabaling ako sa kanya. "Nakuwento na sa iyo?"

"Yeah, Josh at Dexter. Don't get me wrong, ha? I'm truly happy for you! Iilan lang kaya ang plant evolutionary biologists sa Pilipinas. And to think, the sheer biodiversity we have here!"

A Taxonomist's Guide  to Pag-ibigМесто, где живут истории. Откройте их для себя