2 - Dichotomous Key

38 4 0
                                    

It was literally love at first sight. I could not explain it. Rational naman akong tao, pero wala, eh. Siguro dahil first time ako nakakita ng ganung klaseng buhok na sobrang haba pero ang kulot. Yung parang sa Itim na Nazareno sa Quiapo Church. O yung mga naglalakihang mata niya that were framed by those long eyelashes na sarap titigan magdamag. O yung enthusiastic welcome greeting niya sa akin sa Pilipinas, ang bayang aking sinilangan. O yung pag-blush niya nang malaman niyang marunong pala akong mag-Tagalog. O yung paglibre niya sa akin ng breakfast of carbonara pasta sa Science Canteen sa tabi ng Science Auditorium to make up for it. Nagkuwentuhan pa kami, at naaliw ako sa kanyang barumbadong tawa. Bumenta kasi sa kanya ang geeky snide remarks at nerdy digressions ko. Tumagal pa kami sa canteen ng halos isang oras dahil 8 AM pa ang simula ng freshmen orientation. Hindi niya alam, pero I considered it our first blind date. It was indeed love at first sight, pero yun nga, obvious na one-sided lang, at wala siyang kamuwang-muwang sa aking nararamdaman.

Oo, inaamin kong na-torpe ako, but for good reason. And the bottom line is, it's complicated. Unang una, alangan namang ligawan ko na siya on the first week pa lang! Siyempre kailangang dumiskarte, makiramdam. Gusto rin ba niya ako? At times feeling ko ay oo, pero more often than not, inisip ko baka friendly lang siya. Kasi parang ganun din ang trato niya kina Josh at Dex. And speaking of Josh, siya rin ang ikalawang dahilan. I remember meeting them for the first time in our Geology 11 class. Katabi ko noon si Lisa, and I distinctly recall her making an involuntary gasp the moment she saw Josh. When that happened, ang naisip ko ay... patay, may karibal yata ako. Umupo sila sa harapan namin ni Lisa at nagpakilala. Nalaman naming nag-high school sila sa may Katipunan. Naku, mga conyo. Ngunit agad namang nag warm up sina Josh at Lisa sa isa't isa. Sa English 10, we were asked to form a group of four, so nagtanong si Josh kung puwede sila ni Dex maki-join sa amin, at mabilis namang pumayag si Lisa. Uh, oh. My prospect began to go downhill from there. At first I thought I would not get along with Josh and Dex kasi akala ko mayayabang sila, pero unfortunately for my love life, mababait pala sila, at hindi ko tuloy maiwasang mapalapit din sa kanila. Tapos lagi pa kaming isinasabay ni Josh sa kanyang kotse, so after two weeks, natural na sa aming magsama-sama. I suspected may gusto si Lisa kay Josh, at na-confirm ito nung minsang nauna kami ni Lisa sa class for Math 17 pero wala pa noon sina Josh at Dex.

"Cute si Josh, 'no?" bulong ni Lisa sa akin habang may binabasa ako sa Modern College Algebra, 3rd ed. ni EP Vance.

"Well, I can't say I find him cute, pero mukha naman siyang tao."

Natawa si Lisa, which I found attractive. "You're crazy."

"It would be disturbing if you find him attractive pero you don't belong to the same species, right?"

At tuluyang napahalakhak si Lisa, na narinig nina Josh at Dex nang tamang-tamang papasok sa room. Tumabi si Josh kay Lisa at nagtanong kung bakit siya natatawa, pero umiling na lang siya habang pinigilan niya (unsuccessfully) mag blush. Tumuloy na ang kuwentuhan nila habang tumabi naman sa akin si Dex. Napatingin lang ako sa kanila, tapos nang lumingon ako kay Dex ay nakita kong nakatingin din siya sa dalawa. We just gave each other that knowing look, then we started reading Vance to review the laws of exponents.

Likeable naman pala si Josh, kaya hindi ko talaga magawang magselos sa kanya. Pero yun nga, parang nagkakaigihan na silang dalawa ni Lisa at wala akong magawa para hadlangan sila. So after our Bio 12 nung first semester ng aming second year, naging sila nga nang mag-inuman kami sa Tomato Kick sa Teachers Village. Ang bilis! Parang na-mention lang ni Josh in passing. Both Dex and I were stunned, pero mabilis kaming naka-recover at nag-alay ng tagay ng Red Horse para sa kanilang dalawa. Later on nung sabay kaming pumunta ni Dex sa washroom, naalala kong tinanong niya kung okay ba ako. Nung sinabi ko namang oo, tinapik lang niya ako sa likod at nginitian. I did not know then if Dex knew how I really felt, but I sincerely appreciated the gesture. Pero when we parted ways that night at nung nasa LRT2 na ako pabalik ng Tayuman habang nararamdaman ko na ang simula ng isang matinding hangover, doon lang nag-sink in ang lahat. Natalo na ako. At ang sakit sa puso.

A Taxonomist's Guide  to Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon