10 - UP Town Center

28 2 0
                                    

Shet, shet, shet! Muntikan na. Buti na lang at dumating si Aggie. Di ko alam kung ano ang sumanib sa akin at pinatulan ko ang mga tanong ni Lisa. Pero hindi ko rin kayang magsinungaling dahil mahahalata rin niya. So doon na nga ako sa sofa nahiga the whole night, pero tulala lang akong nakatitig sa kisame habang nakatatak sa aking isipan ang imahe ng mga biluging mata at mga mahahaba at tumitikwas na pilik-mata ni Lisa; damang dama kong pinipilit niyang basahin ang sinasaloob ko. Before I knew it, madaling araw na, so nagpaalam ako agad para makauwi ng Tayuman.

Mabilis naman akong nakaligo at nakapagbihis, at nag-empake rin ako ng ilang mga damit in case na kailanganin kong mag-stay sa ospital. Matapos noon ay dumaan muna ako sa McDo para bumili ng breakfast para sa amin nina Josh at Lisa. Nagmadali akong bumalik sa PGH, pero kinabahan din akong sumapit sa ward dahil hindi ko alam kung paano didiskarte pag kasama si Lisa. At paano kung iwanan na kami ni Josh? Ano ang pag-uusapan naming dalawa? Pagdating ko sa ward ay naroon na nga siya at kasama si Josh. Hindi pa rin bumababa ang lagnat ni Dex at under observation pa rin daw. Matapos naming kumain ng breakfast ay umalis na rin agad si Josh.

So nakapag-usap naman pala kami ni Lisa, but no reference was made about our conversation the night before. Siguro ay dahil most times ay si Dex ang kausap namin pag nagigising siya. Kapag tulog naman siya ay sinubukan ni Lisa mag-aral gamit ang dinala niyang mga transes habang ako naman ay nagbasa ng pdf ng journal articles sa aking dinalang laptop para gamiting references sa aking thesis manuscript. But despite our best efforts, pareho kaming nakakaidlip na magkatabi sa bench sa bedside ni Dex. Mukhang hindi lang pala ako ang napuyat kagabi. Nagising na lang kami nang pumasok ang mga duktor at nurses upang i-check up si Dex.

Naghalinhinan sina Josh at Lisa that weekend para magbantay kay Dex habang umuwi naman ako sa Katipunan to sort out the Philhealth forms, which I promptly submitted to Dex's department on Monday. Inasikaso ko rin yung medical benefits niya as an employee of UP Diliman. Pagkatapos noon ay dumalaw din ako that week sa PGH para samahan si Josh sa araw, pero hindi na kami nagkasabay ni Lisa dahil may pasok na siya at sa gabi naman siya nagbantay.

In all, umabot ng isang linggo ang confinement ni Dex, at kasama ko si Josh nang ma-discharge siya at hinatid namin sa condo sa Katipunan. Nasaksihan ko kung paano inakay ni Josh si Dex sa elevator hanggang sa pintuan (wala kasi kaming mahagilap na wheelchair), nung inihiga niya si Dex sa lower bunk bed, at nang halikan niya si Dex sa noo. After that ay hinayaan ko na lang silang dalawa at bumaba na rin ako sa unit ko kung saan naghihintay naman si Jopet.

Natuwa ako at napagmasdan ko ang pagmamahalan ng dalawa kong kaibigan. Pero sa totoo lang, ngayon din yata ako nakaranas ng ganitong labis na pagkainggit.


Dito na ako sa 1207. Yan ang pinadala ko sa Messenger ni Lisa. Nakipag-appointment siya sa akin ng 2 PM on December 31 sa aking condo unit sa Katipunan. Seriously, 'appointment' talaga ang term na ginamit niya, and on the day before 2016! Pero when she explained ay naintindihan ko naman. Gusto niya kasing kausapin si Josh bago mag New Year dahil nabalitaan niya mula sa akin ang pagkakalabuan ng dalawa after the dengue incident. I did my part talking to Dex after the Lantern Parade, so nag-offer naman si Lisa to do her part with Josh. And she was hoping that this problem would get resolved before the year ended. Dahil first time ni Lisa dumalaw sa unit nina Josh at Dex, naisipan na rin niyang dumalaw sa unit ko. She said she would also take this opportunity to consult with me regarding some study to survey medicinal plants, which their group intended to perform for their Research Methods III course. Ako namang si tanga, major panic, kaya naroon na ako sa condo ng 1 PM pa lang upang makapaglinis. Nanggaling pa kasi ako ng Tayuman, kasi bakasyon nga at dapat nasa piling kami ng aming mga pamilya, di ba? Anyway, kailangan ko ring diligan ang mga halaman ko.

A Taxonomist's Guide  to Pag-ibigTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang