"Tang ina naman. Tulungan nyo naman ako... lalangawin talaga ako ng views doon nakakahiya sa mga magulang ni Greogorio!" maktol pa nya na kinalaglag ng panga namin ni Ishan.

"Hayop ka! Napakabilis mo namang magpa impress talagang nakatawid ka na sa stage na papansin ka sa mga magulang nya! Iba! may alaga talagang masasamang elemento!" lintaya ni Ishan.

"Pinagsasabi nyo! Kailangan sumakay ni Gregorio sa lahat para sa malaking prank ko! In love? Hindi ako maiinlove at magpapaimpress sa mga magulang nya. " reasoned out nya.

"Oo na lang Callen!" malditang bara ni Ishan. As if!

Daphne's POV

Alas otso ng gabi ay dumating si Attorney Yuan at kasama nya ang secretary nya. At nandito kami sa salas. Habang naghihintay kami sa nilulutong hapunan nina Mama at Papa sa kusina ay kinakausap ako ni Attorney regarding sa trabaho ko sa hotel nila at sinabi ko naman sa kanya na ayos at masayang magtrabaho doon na kinatuwa nya.

Tinanong ko ang pangalan ng kapatid nya at sinabi nya na Callen ang pangalan nito at sabi nya na nasa Manila ito at hindi pa sila nagkikita simula ng dumating ito ng banda dahil sa ang dami nyang trabaho at kadalasan ay sa condo sya namamalagi.

Mayamaya ay naging seryoso sya.

"May isa na kaming suspect sa kaso mo Daph at nag iipon lang kami ng sapat na ibidensya laban sa kanya. At kung hindi sasapat iyon at binasura ng korte ay ililipat ko sa kapatid ko ang paghahanap sa kanila pero sa ibang paraan tayo gaganti..." seryosong saad ni Attorney na kinatigalgal ko sa takot at syang kinalunok ni Kuya.

"Ang kapatid ko ang magaling sa amin sa mga ganitong bagay... hindi man sila makulong ay ang kapatid ko ang huhusga kung habang buhay silang baldado sa kanlungan ng mga pamilya nila." dugtong nya.

Wala kaming ibang choice para sa hustisyang ibig ko kundi ang kumapit sa tulong nila. G-Ganito pala kapag ikaw ang biktima? Hindi ka na nakakaisip kung tama o mali kapag ganitong sobrang nadurog ka sa pangbababoy sayo ng ibang taong wala ka namang ginawan ng atraso.

"Papakilala ko sya sayo sa party sa hotel dahil isasama sya ni Mommy... isasama ko dapat sya kaso hindi namin alam nina Mommy kung saan na naman naglulusot ang batang yun..." nakangiting saad nya dahil alam nyang nahihiya ako dahil hindi ko man lang kilala silang magkapatid.

Kinabukasan ng pumasok ako ng trabaho at ng mag ta- time in na ko ay nakita ko si Roi na nakaupo sa lobby at may brown envelop sa table na katapatan nya at talagang nagdala sa itsura nya ngayon ay parang antok na antok syang nakahilata sa sofa dito sa lobby!

Parang wala naman sa sarili itong hudas na 'to na magtrabaho talaga! Akala mo anak ng may ari ang haist! Partida nakikita ko palang sya pero niluluto ko na sya sa lait sa isip ko what more kapag magkausap kami! Iba eh! Nakakairita na nakakatawa yung kahayupan nya! Pakayabang pati!

Pagka-in ko ay nilapitan ko sya at pasimple kong binangga ang paa nya at walang gana habang inaantok pa ang mga mata nyang napatingin sa akin.

"Huwag mo kong talakan... masakit ang tenga ko kapag umaga...." matamlay nyang saad.

Aba't!

"Complete?" tanong ko habang binubuklat ko yung brown envelop na dala nya kung saan nakalagay yung mga requirements nya.

"Sabi nyo by 7 am dapat nandito na ko tapos anong oras pumasok kayong mga hr!?? 7:30am!!! Anong klase iyon!?" pagwawala nya sa inis. Hindi ba sya nainform na kapag friday kaming office staff ay ganito ang oras ng pasok?

Napatigil ako sa ginagawa ko at humalikipkip ako ng mga braso ko sa sinabi nya. Naningkit ang mga mata ko na tiningnan sya at ang hudas ay hindi man lang natinag!

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now