"B-bakit hindi mo maramdaman?..." nangangarag na boses ko. Narinig ko namang tumawa si bansot kaya napatingin ako sa direksyon nya.

" Ikaw saakin ay mahalaga" napataas ang kilay ko ng mas lumakas ang tawa nya!

"Ako sayo'y kaibigan lamang" simangot na kanta ko. Pinasadahan ko naman ang mga tao na nanunuod hanggang sa napako ang paningin ko kila Kin at Amanda na nagbubungisngisan.

" Pano nga bat di ko matanggap" ouch naman ako sa lyrics eh! Bat ba ito pa ang napili ko?!

" At ako pa ba'y iibigin pa! Ang dinadasal makikiusap nalang... A-akin ka nalang... Akin ka nalang..."

" Ang dinadasal sa araw-araw... Akin ka nalang..." feel na feel ko pa ang lyrics habang nakatingin kay Kin at Amanda na masayang pinagtatawanan ako. Kahit papano, nasasaktan ako no. Pero, hayst.

" Akin ka nalang~ at maghi-hihintay" saka ako napaiwas ng tingin sa kanila kaya naman napunta kay bansot ang paningin ko.

"hanggang akin ka na... giliw" parang biglang nagbago ang ihip ng hangin kasabay ng pag-iiba ng ibig sabihin sakin ng liriko ng kantang ito.

Seryoso ngayong nakatingin sakin si bansot habang ang mata nya ay may mababakas na lungkot.

---

"OooooooOoooOooooOOOOO"whistle ko.

"HOY! TAMA NA!" rinig kong sigaw ng mga tao! Inirapan ko nalang sila saka bumirit! Mabingi sila!

"AHHHHHHHHKIN KA NALANGGGG WOHOOOOO!"

"HOOOY! ANAK NANG!"

"HAHHAHAHHA" -bansot

"Ang dinadasal sa araw-araw wuuwohoWOHOWOWOWOWHOOOOOO! At magHIHINTAY HANGGANG AKIN KA NAAA... GI...LIW~ YeAhhhAhhh" kulot ko sa dulo!

" Ang galing mo Poste! Nasira eardrums ko sayo! Hahahhaha!" ta-tawa tawang sabi ni bansot ng makalapit ako sa kanila. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

" Hahaha! Hindi kaya! Panalo kaya si Mayumi!" masayang sabi ni Amanda! Gulat naman akong napatingin sa kanya.

" Wehh? Talaga?" nangingiting tanong ko. Tumango naman si Amanda at pinakita ang score namin. Grabe, di ako aware na sinusulat nya pala yung mga score namin! Nakita kong 95 ako samantalang si bansot ay 89! HAHAHA!

So 1 point ako at 2 points na si bansot. Kailangan ko pang makakuha ng 2 points para mataasan sya. Tsk tsk.

" Guys, gutom na ko." ani ni Amanda. Lumapit naman si Kin na mukhang tatanungin si Amanda kung saan ba ang gusto nito. Tss.

" Tara Inasal!" ani ni bansot at saka nakangising nakatingin sakin.

---

Inasal.

Lokong bansot to. Pati ba naman sa pagkain kailangan naming magpaligsahan!

" Bahala ka! Worth 2 points ang makarami ng rice!" insist ko. Kasi naman hindi kaya biro ang kumain ng sobrang kanin! Kailangan maging worth it ang score dito! Kung pwede nga worth 5 points yung mananalo eh kaso baka di na pumayag si bansot! At syempre ipapanalo ko 'to!

" Madaya ka naman eh" inis na sabi nya.

" Walang madaya kung di ka magpapatalo" ngising sabi ko. Maya-maya pa dumating narin ang order namin! Grabe! Unang langhap! Busog na ko! Char!

Nagkatinginan kami ni bansot at tumango sa isa't isa.

" Okay ready? 3, 2, 1, GO!" sigaw ni Amanda kaya agad kong sinungaban ang manok at nilagay sa kanin! Syempre nagkamay na ko para mabilis! Para akong aso kung kumain dahil sa rinig na rinig ang paglasap sa kanin at syempre ang malinamnam na lechong hita ng manok!Halos ganon rin si bansot. Bawat kuha ko sa kanin at x3 sa kung gaano talaga karami ang kaya kong isubo! Kaya naman agad akong nagtawag ng riceboy para makahingi ng dalawang takal na rice. Nagkatinginan pa kami ni bansot dahil sabay pa kami! Leche! Hindi pwede!

" Mayumi, Thomas dahan-dahan lang" natatawang ani ni Amanda. Pero di ko sya pinansin. Sobrang tense ng labanan. Napakatagal pa ng rice boy pumunta rito!

" Kuya, 2 ric---"

" Lima na po sakin!" putol ni bansot kay Kin na salubong na salubong ang kilay na nakatingin sakin.

" Pito sakin" ngising sabi ko. Lalo naman syang tumingin ng masama sakin. Naramdaman ko namang nilalagyan na kami ni rice boy ng rice.

" Mayumi ! Sure ka ba? Kaya mong ubusin yan?!" gulat na tanong ni Amanda sa gilid ko.

" Pre, wag nyong ipauubos samin yan pag di nyo na kinaya" ani ni Kin habang kumakain.

" Ma'am a-ano po---"

" sige lang kuya. Kaya ko" seryosong sabi ko saka tumingin kay kuyang rice boy. Napaatras naman sya at napalunok. Tinalasan ko pa ang pagtingin ko hanggang sa sya na ang sumuko at nilagyan ako ng pitong takal ng rice.

" Salamat po" seryosong ani ko saka iniiwas ang tingin kay bansot na ngayon ay magsisimula naring kumain. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang plato ko.

Gabundok na kanin!

Napalunok ako. Kaya ko ba 'to!?

Hindi! Kaya mo yan! Wag kang magsasayang ng pagkain! Isipin mo nalang na pulubi ka na hindi nakakain ng sampung araw! Tama!

Agad kung sinungaban ang kanin at kumuha ng ulam. Napa-aray pa ko sa init!

" Mayumi,dahan-dahan lang"

Pulubi ako! Gutom na gutom na ko!

"Grabe kayong dalawa! Hahaha! Parehas talaga kayo hahaha!"- Kin

Ang sakit ng tyan ko dahil sa kabusu---ka-kagutuman! Pulubi ako!

" Hahaha! Grabe baka maging sikat na kayo nan ah? Daming nanunuod oh!"- Amanda

Ang sarap naman nito! Ngayon lang ako nakakain nito. Ma-mauubos ko rin ito... P-pulubi ako!


" Gusto mo ng halo-halo?" -Kin

Ako si Princess Sarah. Isang mayamang naging mahirap dahil sa namayapa kong ama. Kaya ako'y gutom na gutom na! Isa pang kanin!


" A-ahh... Hindi na---" -Amanda


Malakas ako! Kaya ko tong ubusin! Haaaaaaa!!!


" Treat ko" -Kin




Leche! Di ako makapagconcentrate sa dalawang 'to!


---


" Haaay sa wakas. Natapos rin kayo" pag-uunat ni Amanda.

" Ano pre kaya pa?" -Kin

Natapos na kami sa pagligsahan. Nakaupo ako ngayon habang nakatingin sa kisame at nakahawak sa tyan ko. Pagod na pagod ako at feeling ko hindi ko na kayang tumayo! Nag-aaya ng umuwi sila Amanda dahil hapon na. Hapon na kami natapos! Grabe!


" Tenteneneeeen! At ang nanalo!" sigaw ni Amanda. Napalingon naman ako kay Amanda. Napansin ko ring naka-cross arm si rice boy na halatang hinihintay ang sasabihin ni Amanda. Napakunot ang nuo ko. Gusto kong magsalita pero wala akong lakas.


" Sino!"

"Oo nga sino!"

Leche. Mga tao yun! Meron pa palang natira sa mga nanunuod kanina?


" Congratulations! Mayumi!!!" sigaw nya. Gusto kong tumalon dahil nanalo ako. Gusto kong magpapicture sa trophy ko dahil hindi lang ako nanalo sa paramihan ng rice kundi sa buong challenge na rin! Gusto kong sampal-sampalin si bansot dahil sa tuwa! Pero ngisi lang ang kaya kong gawin ngayon.


" N-nanalo ako" bulong ko nalang sa sarili. Napatingin ako kay bansot na halatang dismayado. Grabe. Ilang rice ba nakain ko? Pito? Hindi! Sampu!


Paano, si bansot umorder pa ng dalawang rice kaya di ako nagpatalo! Hindi ko naubos ang rice ko. Pero, naka- syam ako! Isa lang lamang ko pero nanalo ako!

Napatingin si bansot sakin saka napangiti. Inabot nya ang kamay nya sakin para makipag-shake hands.


" Well played"



----

Thank you!

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now