Day 06

76 5 4
                                    

*Kringgggggggggg Kringgggggggggggggg*

Saturday. Haaay. Bumalik ulit lahat ng nangyari kahapon. Parang nag PREV ng SLOW MO. Lahat ng nangyari nag Slow mo pero mas nag slow mo yung part na sinabi niyang 'Masaya siya para sakin', yung parte na umiyak ako kagabi at nawalan ng malay dahil sa pagod kakaiyak at yung sinabi ko ang lahat na hinanakit ko kay DJ. T-teka? DJ? OMG! Ang alam ko nandon kami sa Locker room nung umiyak ako eh, nung nawalan ako ng malay, bakit nandito na ako ngayon sa kama ko? Malamang! Dinala ka ni Dj dito. Oo nga naman. Ang bait naman yata niya.
"Gising ka na pala." Saad ng isang boses, agad naman akong humarap.
"Kumain kana." Sabay lapag niya ng pagkain sa side table.
"Lumabas ka?" Tanong ko.
"Oo, nainip kasi ako." Sabay ngiti niya. Ba't parang kakaiba siya ngayon? Ba't parang ang bait niya?
"Wag mo akong kaawaan." Giit ko.
"Ha?"
"Alam kong naaawa ka kaya ka nagiging mabait." Saad ko sa kanya.
"Bakit naman ako maaawa? Eh mas maswerte ka pa nga kaysa sa iba diyan eh." Saad nito.
"Eh bakit ang bait mo?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Bakit? Masama na ba ngayon ang maging mabait?" Balik tanong nito.
"Mabait naman talaga ako eh. Noon pa kaya." Sabay ngisi niya at ako??? Ganito ⇨⇨ ---______________---
"Haha! Ikaw naman, ang seryoso mo!" Sabay gulo niya ng buhok ko.
"Ayoko lang kasi dagdagan ang nararamdaman mo." Sabay ngiti niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Meron naman pala siyang puso eh!
"Salamat pala kahapon ha? Kahit papaano nabawasan yung nararamdaman ko." Sabay ngiti ko.
Nginitian rin niya ako saka tumawa. Shunga lang? Anong problema ng lalaking to? XD
"Wag ka ngang magdrama jan! Tara mall tayo." Aya niya
"Ayoko. Kapagod." Saad ko, agad naman siyang nag pout.
"Haaaay! Oo na, pambawi ko sa iyo. Pero punta muna tayo sa isang mahalagang lugar ha?" Saad ko. Tumatango tango naman siya kasabay ng kanyang wagas na pagngiti.
Pagkatapos naming magbihis. Hoooyyyy! Hindi sabay ha! Kayo talaga. So yun na nga, pagkatapos magbihis agad naman siyang bumaba/tumalon at ako'y bumaba na upang makapagpaalam kina Papa. Naabutan ko sila sa sala.

"Bihis na bihis ah!" Pambugad ni kuya.
"Aalis po ako Ma, Pa." Paalam ko sa mga magulang ko.
"Hindi ka magpapaalam sa akin?" Tanong ni Kuya sa akin. Sa kaloob looban ko gusto ko ng tumawa ng malakas.
"Sina Mama at Papa naman ang importante eh!" Giit ko. Agad namang sumunod yung tawa ko. Kasi naman eh! Ang epic ng mukha ni Kuya nung binanggit ko yun. HAHA.
"Cheeee! Teka, ba't parang mugto yang mata mo? Sinong nagpaiyak sayo?" Maangas na tanong niya sabay hawak ng braso ko.
"Oyyyy! Si kuya concern! Sabi na nga ba eh, love na love mo ako." Sabay hagikhik ko.
"Oy! Hindi ah! Naaawa lang ako sayo, pangit na nga MAS naging pangt pa." Sabay tawa niya

NAAAWA -________________-  HashtagItSucks!!

"K! Alis na ako Ma, Pa." Sabay talikod ko.
"Eto namang baby sister ko, matampuhin. OO NA! Ako na concern. Sino ba kasi ang nagpaiyak ssayo?" Giit niya sabay hinarap ako sa kanya.
Tumawa ako, "Alam ko namang concern ka eh."
"Wala to Kuya. Nakakaiyak lang kasi yung napanood kong movie." Sabay ngiti ko.
"Sure kang Okay ka lang?" Paninigurado ni Kuya.
"Oo kuya. Thank you." Sabay hug ko sa kanya.
"Ang sweet naman ng mga anak ko." Sabat ni Mama.
HAHAHA. Nakalimutan kong nandito pa pala sina Mama at Papa.
"Mama naman eh! Panira ng momentum." Sabi ko sabay tawa.
"Family Hug tayo dalli!" Giit ko. Nagyakapan naman kaming APAT.
"Una na pala ako." Saad ko.
"Hatid na kita bunso." Aya ni Kuya.
"Wag na Kuya. Okay na ako." Sabay ngiti ko ng matamis.
"Bye Ma, Bye Pa, Bye Kuya." Saad ko kasabay ang pagkaway sa kanila,

-----

"Ang tagal mo naman." Reklamo niya.
"Kanina pa ako dito" Reklamo ulit niya.
"Nangangawit na yung mga paa ko kakatayo dito." Reklamo ulit niya.
"Alam mo namang ayokong pinaghihintay ako diba?" Reklamo ulit niya.
"Isang reklamo pa't sasampalin kita ng bato, limang beses." Sabay batok ko sa kanya.
"Ang harsh mo naman! Sorry naman! Ang tagal mo kasi BABES eh!" Sabay akbay niya sa akin.
"Babes mo mukha mo!!"
"Saan pala tayo pupunta after nung importanteng pupuntahan ko Hangs?" Tanong ko kay DJ.
"Pwede pumunta tayo sa puso ko?" Sabay ngiti nito.
"Boom Paneeeesss!" Dagdag niya nag act pa siya na parang sumuntok siya sa hangin.
"K!" Bored kong sagot.
"Kahit kailan, hindi ka talaga marunong makisabay!" Giit niya sabay hampas ng noo ko
"Araaay naman." Napa pout nalang ako.
"Saan pala tayo pupunta Tangs?" Tanong ni Dj sa akin.
"Sa isang mahalagang lugar." Saka ako ngumiti, ngumiti ng mapait.
"Sa lugar kung saan maraming pangit na kagaya mo?" Sabay tawa niya.
"HAHA. Funny." Sarcastic kong sabi.
"Dun tayo pupunta sa lugar kung saan nandon ang MAHAL ko, ang PINAKA MAHALAGA sa buhay ko." Saad ko. Hashtag WhoGoat! HAHA.
Bigla naman siyang tumahimik.
"Hoooyyyyyy! Earth to Dj!" Sigaw ko kasabay ang pagyugyug sa kanya.
"Ang haba naman ng sinabi mo." giit niya.
"Ganon talaga." Sabay sakay namin ng jeep.

30 Days With Mr Akyat Bahay [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon