Prologue

220 5 0
                                    

Amaris


"Nanay! Paabot naman po ng mainit na tubig."


Hindi talaga ako makaligo ng walang mainit na tubig. Mas malamig pa sa jowa ng kapitbahay namin 'tong tubig. Akala mo nag-igib pa galing North Pole.


"Nay, paabot po ng mainit na tubig!" Pag-ulit ko.


Kung kailan naman ako nagtanggal ng damit, tsaka ko naalala na hindi ko pala nadala 'yong mainit na tubig. Eh, kasi naman, taeng tae na ako kaya dumiretso agad ako sa banyo. Nang maghuhugas na ako, naramdaman kong sobrang lamig ng tubig kaya bigla akong napasigaw.


"Jusko po, Amaris! Araw-araw ka namang naliligo, pero bakit nakalimutan mo pa rin?" Pagsermon ni nanay habang pinapasok sa banyo ang takure.


"Nay! H'wag kang pumasok! Nakahubad po ako!" Sigaw ko nang makitang papasok ito.


"Eh, ano naman? Nakadamit ka ba nang lumabas ka sa akin?" Pangbabara nito.


Wala na akong nagawa kasi pumasok na siya. Kaya ko namang maligo mag-isa! Ten years old na ako, pero parang sanggol pa rin ang tingin niya sa akin.


Nilagyan niya ng mainit na tubig 'yong banyera. Halos maubos na nga 'yung laman na tubig dahil sa pagtae ko! Ang arte kasi ng pwet ko, kailangan buhusan ko muna ng ilang beses bago sabunin. Feeling mayaman naman. Syempre, maganda 'yong may-ari.


"Lumapit ka nga rito ng makuskos ko 'yang likod mo." Utos ni nanay kaya lumapit ako sa kaniya.


Nakita kong kinuha niya 'yung batong panghilod kaya lumayo rin ulit ako.


"Nanay! H'wag po 'yan! Baka magsugat ang likod ko." Naiiyak akong tumingin sa kaniya para naman maawa siya. Ha! Best Actress ata ako.


Pinanlakihan lang ako ng mata ni nanay at hinila patalikod sa kaniya. Dahan-dahan niyang kinuskos ang likod ko kaya naman hindi ko maiwasang gumalaw.


"Pumirmi ka nga, Amaris! Para kang uod sa sobrang likot!"


"Nay, ang sakit po, eh!"


"Puro libag 'tong likod mo! Bilad ka nang bilad alam mo namang pawisin ka. Tingnan mo naipon na lahat ng libag sa likod mo!"


Ngumiwi ako nang tumama sa may buto 'yung panghilod. Binuhusan ito ni nanay ng tubig at hinilod ulit.


"Hindi naman 'yan makikita, eh," mahinang bulong ko.


Hinampas naman ni nanay ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.


"Nay, ang sakit!"


"Kahit hindi 'yan nakikita, dapat malinis pa rin! Kadugyutan mo talaga, Amaris!"


Forgotten MoonlightOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz