MFBF: Seventy- nine

Start from the beginning
                                    

Pagdating sa room ay agad kong binuklat nang libro ko at nagtaka nang may makitang nakaipit na papel dito. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa iyon...


' I miss you so damn much'

Napatingin agad ako sa paligid kasabay nang pag asang makikita ko ang taong gusto kong makita,pero agad akong napayuko nang walang mapansin na kung ano

Xynon...



Pagkauwi sa bahay ay ginawa ko na ang inutos ni Shawn na mag impake, napapikit na lang ako sabay buga ng hangin habang sinasara ang maleta ko

Sana lang magtagumpay ang plano mo Wyde...

Pagkababa galing sa kwarto ay agad akong sinalubong ni Shawn, napabuntong hininga na lang ako bago lumapit sa kanya

"Shawn--"

"Did you pack your things already?"udlot nya sakin,napatango na lang ako bilang sagot "Good, bukas na bukas aalis na tayo papuntang Albay th---"

"Albay? Bakit? Ano pang gagawin natin dun?" Taka kong tanong

"Listen up"panimula nya saka naupo sa sofa,agad naman akong tumabi sa kanya para makinig "There's this person who helped us. He helped me find you and seek justice,I thought he was our allie but no. It turns out he's after you, that's why I need you to stay far away from here as possible. I can't let another part of our family die again" paliwanag nya

"Edi...sya ang nangpapatay kanila mom?" Nabuhayan kong tanong

"No. I already found out who it was,at hangga't hindi sila nauubos hinding hindi ako makakampante" sagot nya na ikinakaba ko Naman

Posible kayang...si Shawn ang nagsampa ng kaso laban kanila Xynon?

"It's getting late, you should probably go to bed. Maaga pa tayo bukas" sagot nya


"T-teka!"tawag ko agad naman syang napalingon "i-ibig sabihin kilala mo na kung sino ang nagpapatay kanila mom?...s-sino?"kinakabahan kong tanong,hindi naman sya agad nakasagot saka agad akong tinalikuran

"It's better if you don't know"sagot nya, napakunot naman ako saka sumunod sa kanya paakyat sa taas

"Gusto kong malaman! May karapatan din akong malaman"protesta ko

"No! Mas lalo ka lang mapapahamak" pagmamatigas nya

"Kaya nga ipapakasal mo ko sa taong hindi ko naman gusto diba? Kasi nasa kapahamakan ako! Di mas mabuti nang isabay ko na sa pagtatago ko lahat nang malalaman ko kumpara sa nagtatago akong puno nang tanong" apila ko, napabuntong hininga naman sya bago ako hinarap. Napalunok ako kasabay nang pagbabakasakaling walang kinalaman sila Xynon dito...





Pero nagkamali ako...




"Ang mga Ravena ang may pakana nang lahat..."mabigat sa loob nyang sagot dahilan para mapabagsak ang balikat ko " You wanna know everything? Fine! I'll tell you, but after this magpapakasal ka kay Wyde,pupuntang States at hinding hindi ka na makakabalik pa dito!" Dugtong nya


"Since the beginning hindi na natin kasundo ang mga Ravena, their traitors! If it wasn't for Dad's eagerness to be number 1,hinding hindi malalagay sa ganito ang sitwasyon natin! We would have a normal life. Hindi sana tayo nag ho- home school, sana hindi tayo nagtatago ngayon. Dad accepted the investment of the Ravena's, making them our business partners. Few years passed and the Ravena showed their true color, they asked to use Dad's invention to ruin other companies but Dad didn't agreed...so they betrayed him" kwento nya

"Teka nga! Pano ka naman nakakasiguro na sila nga? Shawn mga bata pa tayo nun!" Depensa ko

"Ikaw lang ang bata pa noon Lex, you don't know how much we suffered,how much I suffered!" Sumbat nya na ikinataka ko Naman

"Ano bang pinagsasabi mo Shawn?" Tanong ko,inis naman syang napangiti saka tinignan ako diretso sa mata

"The true reason why everyone wants to keep you safe is because... you're our only hope Lex. Sa tingin mo,bakit kapangalan mo si Dad and mom? Sa tingin mo bakit Zion Shawn Roxwell ang pangalan ko? Bakit paiba iba ang edad mo?" Inis nyang tanong na mas lalo ikinataka ko






"Sh--"

"You don't get it do you? You're the heir Lex! Ikaw Lang! Kasi ikaw ang tunay na anak at ako di hamak na pagkakamali Lang!" Sumbat nya na nagpagunaw nang mundo ko,hindi agad ako nakasagot kasabay nang pag akyat nya sa taas habang ako naman ay naiwang nakatulala



Ibig sabihin...half brother ko lang si Shawn ganun ba?



My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now