kab. 5

38 2 1
                                    


❝my feelings for her was blue, it was as if i was in the vast blue ocean, drowning madly for love.❞

☀️☀️☀️

True Blue

"Okay, class!"

Napatigil sila sa paglilinis ng kanilang classroom nang marinig ang boses ni Miss Belle na nag-echo sa buong room.

Samantha wiped her sweat using the damp cloth that she brought, for emergency. Kaya swerteng nakapagdala siya dahil nagamit niya iyon pamunas ng kaniyang pawis. Nagrereklamo kasi ang mga kasamahan niya dahil wala silang pamunas man lang at ang iba ay maliit na panyo lamang ang mga dala.

Paglilinis na lamang ang ginawa nila buong maghapon dahil sa hindi nalinisan ang classroom na pinagkaklasehan nila. Ang classroom kasi na ginagamit nila ay classroom ng mga elementary students kaya ngayong nagsisitangkaran na ang iba, pakiramdam nila ay maliit na ang kanilang inuupuan.

Ngunit ang kanilang bilang, lumiit din at kokonti na lamang ang mga bilang na nag-e-enroll sa art class kumpara sa taekwondo na may mga babaeng bata na roon na nagte-training. Good thing na rin 'yon. However, art right now is unappreciated by some folks. Some said that you cannot bring art if you work in the office. Many people degraded art because you'll be jobless if possible.

"Nga pala bukas ng hapon, manonood tayo ng ceremony ng mga taekwondo players," announce sa kanila ni Miss Belle.

Napa-palakpakan silang lahat dahil miski sila, kahit na hindi sila nagsabi na manunuod ang lahat, sa reaksyon pa lang ng bawat isa ay alam na kaagad ang sagot.

Later that afternoon, after they cleaned the whole room, they all bid their goodbyes to one another.

Plano niyang makisabay kay Aiden papuntang terminal para doon hintayin ang Tatay Edgar niya pero posible ring naghihintay na iyon sa kaniya roon.

"Sol!" tawag niya sa lalaki nang makita niya itong naghihintay sa labas ng gate habang nakaupo sa bike nito at naka-ekis ang mga braso sa dibdib habang nagmumuni.

Napabaling nang tingin sa kaniya ang lalaki. Tumakbo na siya at kumaway sa lalaki. Nang makalapit siya ay ngumiti sa kaniya ang lalaki.

"Ang baho mo!" sabi ni Aiden sa kaniya at tumawa.

She chuckled as she was already aware of it. She can smell her own sweat too.

"Naglinis kasi kami sa buong classroom. Hindi na rin ako naglagay ng cologne kasi uuwi na rin lang ako," sagot niya sa lalaki.

Ginulo na lamang ni Aiden ang kaniyang buhok.

"Tara na! Baka naghihintay na roon ang sundo mo," sabi ni Aiden at umayos ng pag-upo sa bike.

Tumango na siya at pumunta sa likod nito at umupo.

Habang sinisikad ni Aiden ang bike, wala ni isa kanila ang nagsasalita. Nagtaka ang lalaki pero may mga araw noon na minsan ganito sila katahimik dahil wala naman silang masasabi sa isa't isa. But something came up in his mind that his friend needs to know.

Mapait siyang napangisi.

Friend? Tss.

"Nga pala, Zilla, may ceremony kami bukas. Manonood ka ba?" tanong niya sa kaibigang babae.

He heard Samantha answered, "Oo! Kasi sabi sa akin ni Luke, magne-next level ka na raw so, which means black na?"

Napangiti siya.

"Oo. Nasa black na ako. First degree o Cho Dan," sagot niya.

"Cho Dan?" Samantha asked while her forehead creased in curiosity.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Golden MeanWhere stories live. Discover now