Ikawalong Kabanata: Bahagi I

126 16 2
                                    

ALAB


"Aray!"


Nasira ang aking masayang pagkain dahil sa hindi na malaman na dahilan ay nakagat ko ang dila ko.


"HAHAHA Nakagat mo ang iyong dila? Alam mo ba na ang ibig sabihin noon ay may nagsasalita tungkol sayo" saad ni Dudong. 


"Oh masyado lang siya mabilis kumain" sabat ng bata.


Tiningnan ko ng masama ang batang lalakeng aking katabi na kumakain. Napahawak ako sa aking sentido. Sa pagkakatanda ko ay bihag ko ang batang eto pero ngayon eto siya kasabay naming kumakain at wala pang po kung magsalita.


"Ah ganun ba?"


Binatukan ko ang batang lalake ng mahina.


"Aray! Para saan yun?"


Hinawakan niya ang kanyang batok at hinimas-himas ito.


"Para yan sa kawalan mo ng respeto sa pananalita, ni hindi ka man lang nangopo o tumawag ng kuya"


Sinimangutan ako ng batang lalake pero hindi na siya nagsalita. Nagbalik siya sa pagkain ng mangga.


"Ipaalala mo nga sakin Dudong, bakit nga ba humihinga pa ang batang ito?"


Nabitawan ng batang lalake ang kanyang hawak na mangga at isang malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong karakoa.


"Kasi siya ang magtuturo sayo kung paano kayo magkikita ulit ng iyong dakilang pag-ibig" nagboses babae si Dudong at niyakap ang kanyang sarili.


Sa pagkakataon na ito ay mas lalong lumakas ang tawanan, tiningnan ko lang sila na parang hindi ako naapektuhan.


Si Dudong ang isa sa mga pinakamalapit sa akin sa aming grupo kaya't hindi ko alintana na ako ay kanyang biruin. Bagamat siya ay nasa edad dalawampung pito at ako ay labing-siyam pa lamang, itinuturing namin ang isat-isa bilang magkaibigan.


Siya ang isa sa pinakamahina sa pakikipaglaban sa aming grupo dahil sa kanyang kabagalan kumilos dulot ng kanyang katabaan, subalit siya ang kasama ko sa mga transaksyon na isinasagawa ng aming grupo dahil sa kanyang kaalaman sa pagbibilang at pagsusulat.


"Pinuno sa tingin ko ay hindi magandang sundin mo payo ng batang lalakeng iyan. Huwag niyo sanang kalimutan na malaki ang pabuya para sa iyo ang Hari ng Kaboloan."


Natigil ang tawanan nang biglang magsalita ang pangalawang pinuno ng aming grupo na si Itim. Sa aming grupo si Itim ang pinakatahimik. Si Itim ay isang kulot ngunit hindi gaya ng mga kulot na aking nakadaupang-palad ay matangkad si Itim.


Siya ang nag-iisang kulot sa amin, gayunpaman siya ang hinirang ko bilang pangalawang pinuno dahil sa kanyang husay sa pakikipaglaban at kalinawan ng isip. Bihira lamang magsalita si Itim kung kaya lahat kami ay napatahimik saglit pagkatapos niyang magwika.

Paham-DayangWhere stories live. Discover now