Ikalawang Kabanata: Bahagi IV

298 26 8
                                    

AGAPE


"Mali ang sinabi ni inyo sa Hiraya"

Huminga ako ng malalim matapos kong marinig ang diagnosis niya. Grabe, bakit hindi ko naisip na mayroong mga Kalatonan ang mga tagalog. Edi sana hindi ako nagsabi ng kung anong excuse na may kinalaman sa religion---

yan ang sasabihin ng mga tao na hindi basta basta nag-iisip.

Please lang. Naging member ako ng debate team noong college kaya kung usapang pagtatanggol ng isang idea lang ang pag-uusapan, mas lamang ako ng level sa Kalatonan nang ilang daang taon. Oh siya, ipasok na ang aristocratic method. Kwestyunin mo ang iyong kalaban.

"Paano mo nasabi?" saad ko with full confidence.

Nanlaki ang mata ni Panginoong Humahon at ni Ilay nang makita nilang kwinestyon ko ang Kalatonan at si Calag naman ay natawa ng kaunti.

"---Hiraya" Ipinatong ng Katalonan ang kamay niya sa aking balikat. Siya lang ang walang harsh na reaction.

"---Kanina pa lamang ay naririnig ko na ang pagtatalo niyo mula sa kabilang kwarto, gusto ko lamang linawin sa inyo na ang batang lalakeng kumausap sayo ay hindi isang anitu ng mga mangga kundi si Galang Kaluluwa"

Napagasp ng sobra si Humahon at si Calag naman ay kumunot ang kilay. Grabe sobrang angas ng mga reaksyon ni Humahon parang si Pia nung inannounce na siya ang totoong nanalo sa Miss Universe.

"Si Galang Kaluluwa? Ang kaibigan ng Bathala? Aba'y kung ganoon hindi ba higit na mas dakilang basbas ang natamo ni Hiraya?" naiiyak niyang sabi.

"—Siyang tunay Panginoong Humahon. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng tao na siyang binigyan ng pabor ni Galang Kaluluwa. Binigyan ng anak niyo si Galang Kaluluwa ng pagkain pagkatapos niyang humiling kung kaya naman tinupad niya ang hiling ng anak niyo na makakita ng mga pangyayari sa hinaharap." Paliwanag ng Kantalonan

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nashookt. Never mind na umagree siya sa akin na chosen one ako at hindi na mapuputol ang paa ko. May mas mahalagang idea na pumasok sa utak ko noon pagkatapos niyang magpaliwanag.

Isang matinding realization ang tumama saking ulo, tila kusa nalang ipinaalala sakin nang utak ko ang mga kakaibang pinagsasabi ng batang lalake na huling kausap ko bago ako namatay.

Grabe ang bigat naman ng kahilingan mo

Ay hala, ano yung pray-beyt pra-per-te?

Naiintindihan ko na bawal kong kunin ang hindi akin pero ano namang mali sa pagkain ko sa bunga ng mangga dito gayong bago ka pa ipanganak ay palagian ko ng kinain yung bunga ng mangga?

Sigurado ka bang gusto mo akong alayan ng pagkain, kasi---

AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA


IBIG SABIHIN BA KUNG HINDI KO BINIGYAN NG PAGKAIN YUNG BATANG LALAKE NA IYON AY HINDI AKO MAPUPUNTA DITO?!


"Eh ano naman ngayon?"

Biglang nagsalita si Calag dahilan upang mabalik ang focus ko sa sitwasyon ko sa kasalukuyan.

"Gusto mo bang gawing Kalatonan si Hiraya, gayong siya ay nakatakdang ikasal kay Kaluasam? Oo isa kang Kalatonan, pero sa barangay natin higit na mas mababa ang kapangyarihan mo kaysa sa Datu." Paliwanag niya. 

Paham-DayangWhere stories live. Discover now