" Game! Matalo, manlilibre!" sigaw nya saka tiningnan ako ng masama. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

" Ayoko nga" walang ganang sabi ko.

" Sige, ang matalo sa lahat ng game, magiging slave ng isa't isa sa buong pasukan ? Deal?" ngising sabi nya. Teka? Magandang idea yun! Mauutusan ko si bansot ng kahit ano!

Imagining*

" Sumayaw ka ng Pag-ibig fortune Cookie ng nagpapacute!"

" Yes! Master!"

Sumayaw* "nyaa~" "nyaaa~"

"Hahaha!"

" Tama naaaa!"

---

"Isigaw mo ang 'Ang pogi ko!' sa harap ng mga estudyante !"

"Yes Master!"

" ANG POGI KOOOOO!"

"Hala ang feeling!"

"Luh"

"Wahhahaha!"

---

" Bilhan mo ko nito! Ayan pa! Eto pa! Isama mo na to! KUNIN MO NA YANG LAHAT! WAHAHAHA!"

*nom* *nom* *nom*

"N-nagugutom na ako M-master"

"Magdusa ka! Mahinang nilalang! Wahahahaha!~"

" Hoy! Anong iningingiti mo dyan?" kunot nuong tanong ni bansot. Napabalik naman ako sa ulirat saka sya nginisihan.

Mananalo ako! Mananalo ako! Hindi ko aaksayahin ang pagkakataong 'to!

" Game!" masigla at buong handang sagot ko. Napangisi naman si bansot.

Round 1

Hulk vs Spider Man

Mabilis kong pinagpipindot ang controller! Napapakagat labi pa ako habang gigil na gigil sa pagpatay kay Spider Man. Sipa dito, suntok doon!

" Seryoso masyado" mahinang sabi ni bansot. Tutok na tutok naman sya sa pagpapabagsak sakin.

"Hindi ako magpapatalo"mahinang sabi ko.

" Cute nyo naman!" biglang sabi nung nasa likuran! Boses ni Amanda yun! Nanunuod kaya sila sa likod?!

Bakas naman ang inis sa mukha ni bansot kaya madiin nyang pinagpipindot ang controllers na parang masisira ito!

" H-hoy sandale lang nama---"
Nakakainis! Sunod-sunod ang tama sakin! Napapa-atras si Hulk dahil sa sunod-sunod na suntok, sipa at kung ano anong fighting moves ni Spider Man! Leche! Anlaking tao ni Hulk, nagpapatalo!

" Yes!" biglang tayo ni bansot! Napahampas naman ako sa mga pindutan.Hindi pwede! K.O ako! Assssaaaaar!

Inis kong nilingon si bansot na ngayon ay ngingisi-ngising nakapamewang sakin.

Hindi pwede...

" One point" ngising sabi nya saka umalis!

---

Round 2 Basketball

Pataasan ng score malamang. Madaya! Captain sya ng basketball team! Napakadaya!

" Oh, wag ka nang sumimangot dyan at baka maunahan pa kita" ngising aniya. Kinuha ko naman ang bola saka matalim na tumingin sa kanya.

" Andaya naman eh! Palaging pabor sayo yung games!"

" Eh di, ikaw mamili ng sunod!" matapos nyang sabihin yun ay naghanda na kami sa pag shoot ng bola.

Unang hagis ko palang ay na-shoot ko na!

Ang galing ko talaga...


Napatingin ako sa score board ni bansot at laking gulat ko nang makitang sampu na ang score nya! Imposible! Kakahagis ko palang! Asaaaaar!

Mabilis akong dumampot ng bola at pinaghahagis ito! Nakakashoot naman ako at yung iba naman ay tumatama sa ring. Yung iba bumabalik at kung malas e, tinatamaan ako! Mas humirap ng gumagalaw na ang ring! Medyo di ko naishu-shoot, pero madalas nashushoot ko. Ilang minuto nalang at matatapos na!

" Go Mayumi!" sigaw nila sa likod! Pambihira, yung dalawa nanaman!

Mayumi! You need to win this! Oo seryoso na ako dahil nag-eenglish na ako! I need to win this! B-because... Ah! Basta! Kailangan kong manalo!

*drum sound* "Go Poste! P.O.S.T.E !" sigaw nung dalawa! Pambihira! Trip talaga ako neto! Simula nung marinig nila ang tawag ni bansot sakin, naki-poste narin sila!

Ennnnkkkkk...


Tapos na...




Hingal na hingal akong napatingin kay bansot. Pinagkrus nya ang braso nya saka tumingin ng nakangisi sakin.

" Paano ba yan, 2 points na ko"

Agad akong napatingin sa score nya at bigla akong nabwisit! Akala ko sapat na! Ginawa ko naman ang lahat ah?! Malapit nang mag-400 yung score nya samantalang sakin ay mag 2-200 lang! Masyadong ginalingan!

" Hahaha! Hindi kita ituturing bilang babae poste. Kalaban kita ngayon. Excited na ako sa magiging parusa ko sayo ! Wahahaha!" tawa nya saka umales!

---

Hindi na pwede to! Kailangan magkapoints ako! Kung hindi, baka kung anong ipagawa nya sakin! Isa pa naman syang monster! Maliit na monster!

" D-dito talaga?" utal na tanong nya. Napangiti naman ako na mapang-asar. Nagbungis-ngisan naman ang dalawa. Teka! Napapansin ko kanina pa sila nanunuod samin! Ni hindi na sila naglalaro! Kaya napalingon ako kila Kin pero nanguna na sila sa upuan!

" Game! Walang angalan!" sabay hila sa kanya sa may videoke!

---

" Kanino yan?" ani ni Amanda. Tapos na kasi kumanta yung babaeng masakit sa tenga ang boses! Tumayo naman si bansot. Wews! Kay bansot pala! Aba hahaha! Buwan pa yung kakantahin nya! Napansin kong nanginginig si bansot habang papalapit sa mini stage. Doon kasi kami kakanta. So, need lang naman naming magpataasan ng score.

" Go! Go! Go! Bansot! *clap* *clap* *clap* B. A---!" sigaw nung dalawa!

"Tumigil nga kayo!" napapahiyang sabi ni bansot.Nagtawanan naman ang ibang mga nakaupo pati ako. Hahaha loko talaga tong dalawa!

Ayan na!!!

*Insert intro instrumental ng Buwan by Juan Carlos*


" Ako'y sayo ikaw ay akin" pagkanta ni bansot.

"WHOOOOO!" sigawan nila! Kahit ata di namin kakilala nakikisigaw narin! Yung boses ni bansot, mala-Daniel Padilla!

----

Sankyuu

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now