Simula

4 0 0
                                    

"TAKBO"

Hindi ko alam pero ito lang ang salitang paulit ulit na kinakapitan ko ngayon habang patuloy sa pag takbo sa gitna ng gubat. Ramdam ko ang mahahapding sugat sa  paa ko, pero hindi ko ito ininda.

Hindi ko alam kong nasaang parte na ako ng gubat na to, at hindi ko alam kung saan ang bagsak ko basta ang importante ay makalayo ako.

Ramdam ko na ang gutom, pagkahilo at antok ko pero hindi pwede, kailangan kong mag patuloy, kailangan kong mag pakalayo layo. Pero hindi nag tagal hindi ko na kinaya, may nakita akong malaking puno at napag pasyahan kong mag pahinga muna.

Nang maka upo ako ay dinukot ko sa dala kong bag ang isang boteng tubig na dala ko, naubos ko yun sa sobrang uhaw at pagod ko. Tinignan ko ang oras sa relo ko, 4:21 pm na pala mag lilimang oras na akong nag tatakbo palayo sa amin. Hays! Hindi ko mapigilang isipin ang nangyari kagabi sa mansion namin.

*Flashback*

Pauwi na ako galing party, may party kasi kaming magbabarkada na pinlano namin lastweek lang. Nakasuot ako ng isang Red tube dress na hapit na hapit sa katawan ko that reaches only in my mid thigh. Lagi nalang akong napapagalitan ng Daddy sa tuwing umuuwi ako na ganitong oras na, 12:18 na at 10pm ang curfew ko.

Nang makarating ako sa harap ng bahay namin agad akong bumaba ng sasakyan ng kaibigan ko.

"Thank you Rach" sabi ko kay Rachelle, kaibigan ko sya since highschool pa lang kami. Hindi ko nga alam ba't niya natagalan ang pag uugali kong to, inaamin ko naman na isa akong spoiled brat. Walang ibang ginawa kundi ang mag maldita sa lahat.

"Don't mention it, let's go out again next time" Rachelle replied and smiled at me. Sinimulan niya nang paandarin ang kotse niya.

"Yeah sure, whatever! Take care okay? Call you me later pag nakauwi ka na" Sabi ko sa kanya at nag simula na ring mag lakad, naramdaman ko namang unti unting pag galaw ng sasakyan niya, muli akong humarap sa kanyang papalayong kotse and waved at her. Hindi ko kasi dala ang kotse ko kasi dinaanan lang nila ako kanina.

Pag bukas ko ng pinto, nagulat ako nang maabutan ko sa Daddy na nakaupo sa Couch namin na nakatalikod sa akin.

"Alam mo ba kung anong oras na Anastasia?" Ramdam ko ang galit sa boses niya. Hindi ako nag salita at hinihintay lang ang susunod na salitang sasabihin niya nang bigla siyang humarap sa akin. Nagulat ako kasi kumunot ang noo niya at namumula ang mata niya.

"I told you na 10pm ang curfew mo. At ano yang suot mo? Hindi ko alam na ganito na pala ka hirap ang Pilipinas para kulangin sa tela!" I nearly rolled my eyes dahil sa sinabi niya.

"You know Dad, I'm tired! Can I go upstairs?" Sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod. Gad! Kailangan ko pa bang gumawa ng mga bagay na hindi nila gusto para mapansin nila ako? yes, nag papansin ako sa mga magulang ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maid specially for youWhere stories live. Discover now