Busangot nga 'yan kanina pa. Ayaw kasing sumama para siya ang magbantay kay silas. Buti natakot ni kalas kaya napasubo siya.

Napalunok ako nang mariin at pilit na pinakalma ang sarili nang magsimula nang magcount down ang isang staff. Pinisil ni kalas ang kamay ko at ngumiti na parang sinasabing magiging maayos ang lahat.

"Magandang- magandang umaga pilipinas! Isa na namang mainit na pasabog ang maihahatid ng Morning talkshow with bettany! Mas mainit pa sa tinapay at kape na nasa inyong mga harap."

"Sino kaya ang makakasama at makakakwentuhan natin ngayong umaga? I'll give you a clue mga kababayan. Sila lang naman ang trending ngayon sa Pilipinas. I know I grab your attention at alam ko ring hindi na kayo makahintay kung sino ang makakakwentuhan natin ngayon."

"Dahil ako rin naman ay hindi na makapaghintay na makausap ang hottest to the hottest na guest natin ngayon. Let's give an applause to miss raffy and mr kalashnikov russo!"

Ngumiti naman ako nang tumutok na sa 'min ang camera. Bahagya akong kumaway at humigpit ang hawak sa kamay ni kalas.

"It's really an honor to have you both. For the first time, mr russo agreed to appear and get interview in a talk show. We all know that he is a very private person and also miss raffy."

"Alam kong maraming kayong gustong itanong sakanila. And don't worry mga kababayan, we will make sure that all of your questions will be answered by our very own guest today."

"Greetings miss raffy and mr russo. Can you greet our viewers today? Im sure they will be pleased." ngumiti naman ako sakanya. Palihim akong lumunok bago ngumiti sa camera.

"Goodmorning ladies and gentlemen. I hope you're enjoying your breakfast today while listening and watching us right now." ngumiti naman ako ng pumalakpak sila.

"Hi..." tipid na sabi ni kalas habang nakangisi.

Natawa naman ako nang tumili ang ilan sa mga staff na nanonood. Pati ang host na si bettany ay kinilig rin. Napailing na lang ako, iba talaga ang karisma ni kalas.

"Kumalma kayo mga kababayan. May nagmamay ari na d'yan." natawa naman ang lahat.

"So miss raffy and mr kalas. Kumusta naman ang pagsasama niyong dalawa? Im sure the viewers are very curious about your love life." natawa naman ako nang mahina at lumingin kay kalas.

"Well.. we're living a happy life. We're very much more contended what we have right now." nakangiti kong sabi.

"That's good to hear madame. So are you confirming that you are really together, miss raffy?"

Nakagat ko ang ibaba kong labi at pinisil ang kamay ni kalas.

"Yes. We are together for 5 years." kalas said calmly.

Tinikom ko ang bibig ko at bahagyang napayuko nang sinabayan pa nila 'yon nang pagtili. Sabagay, hindi naman kami nagbreak ni kalas no'ng iniwan ko siya.

"Wow.. we didn't know that. Sabagay, you keep your life in private pala. So, para malinawan ang lahat are you denying that there's nothing between you and miss cassandra, mr russo?"

"Yes. Me and cassandra are not dating like you all are speculating. She's a good friend and I don't think I can date anyone knowing that this woman beside me have it already."

Muli na namang nagkatyawan ang lahat. Mahina kong pinalo ang braso ni kalas. Masyado na naman siyang nagiging matamis kahit milyon-milyon na ang nakakapanood sa 'min.

"Ay grabe! Mapapasana all na lang talaga ang lahat. Kita niyo naman mga kababayan, puno ng pagmamahal ang mata nilang dalawa. Pati mga may asawa o karelasyon ay maiingit dahil sainyong dalawa. When kaya..."

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα