We're now at the reception of their wedding. Nasa isa kaming five star hotel kaya naman sobrang bonga ng reception nila.

Punong puno ng flower, kulay pink at white ang lahat. Mukhang pinag-isipan at ginastusan talaga ang kasal nila. Parang milyon-milyon ang winaldas nila para mapaganda ang event na 'to.

Marami pa ang naganap bago nagsimula ang kainan. Pati ang mga putahe ay pang mayaman. Nakakahiyang kainin dahil sa ganda ng plating.

Sinubuan ko naman si silas, baka mamantyahan niya ang suot niya. Buti na lang hindi siya nagreklamo. Gusto niya kasing siyang magisa ang gumagawa nito.

"Raffy, baby silas?" napalingon naman kaming dalawa ni silas sa likod kung saan galing ang boses.

Napatayo naman ako sa gulat pati na rin si baby silas ay bakas ang gulat at galak sa kanyang mukha.

"Nathan/ tito!" sabay na sabi namin ni silas.

Agad namang tumakbo si silas at nagpakarga sa bagong dating na si nathan. Akala ko hindi na siya makakapunta sa kasal ni kuya. Ayos lang naman kung hindi kasi maiintindihan naman namin dahil busy siyang tao.

"Bat di ka nagsabi na pupunta ka pala dito? Nasundo ka sana namin ni silas." natawa naman ito at nakipag high five kay silas.

Lumapit naman ako sakanya at ngumiti. "I don't what to bother you, raffy. How are you buddy? Hindi ka ba naging pasaway sa mommy mo?"

"Im good and im nope. I don't gave my mommy a headache." nakangiti ko silang pinagmasdan.

Inalok ko na si nathan na umupo. Sinaway ko naman si silas kasi ayaw niyang umalis sa kandungan ng tito niya. Isa rin kasi si nathan, kinunsenti pa eh pa'no siya niyan makakakain.

Sinubuan ko na lang si silas habang kandong siya ni nathan. Natigil kami sa pagkwentuhan nang may tumikhim sa harapan namin.

"Siya ba ang daddy ni baby silas, raffy?" malisyosong sabi ni tita glenda. Naginit naman ang mukha ko at mabilis na napailing.

Natawa na lang silang lahat. Hindi ko namalayan na nandito na pala silang lahat. Kanina kasi nagpaalam sila sa 'min na may kakausapin lang sila.

"Kaya naman pala ang gwapo nitong si baby silas. Gwapo rin kasi ang daddy." natatawang sabi ni ate sharmaine.

"Nako.. hindi po siya ang daddy ni baby. Si nathan po, kaibigan ko po. Galing po siyang spain. Kaibigan din siya ni kuya."

Tumayo naman si nathan habang karga pa rin si silas. Nakipagkamay ito sa kanilang lahat.

"Gwapo 'tong kaibigan mo, raffy. Pero hindi green ang mata kaya malamang hindi siya ang tatay." singit bigla ni argel.

Napatingin naman sakanya lahat at napatango. "Oo nga. Black ang mata ni raffy. Syempre sa daddy ni silas nagmana ang mata niya." sabi ni kuya julius.

"Kaibigan lang ba talaga? Parang may something eh." muli na namang hirit ni tita glenda.

Natawa naman ito nang sabay-sabay naming tinawag ang pangalan niya. Umupo na kami palibot at nagsimula na naman ang asaran.

Nakakahiya lang kay nathan. Baka hindi na siya komportable sa pang aasar nila. Napatingin naman ako sa kamay ni nathan nang hawakan niya ito mula sa ilalim ng lamesa. Napatingala ako sakanya at agad ako nitong sinalubong ng ngiti.

"It's okay, raffy. I like your family. They're approachable and fun." ngumiti naman ako at binawi na ang kamay ko.

"M-mabuti naman kung gano'n. Kain ka lang." tinawag ko naman ang pangalan ni silas at kinuha na siya kay nathan para makakain na ito.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon