"And im very happy kasi ang mapapakasalan pa ng anak ko ay ang tamang babae para sakanya. Kahit naman may pagka maarte si mira. Hindi naman no'n matatabunan ang pagiging mabait niyang tao."

"Mira's a nice girl tita. Wala po kayong magiging problema sakanya bukod sa pagiging conyo niya." natawa naman kaming dalawa.

"Eh ikaw? Kayo ni baby silas? Uuwi ba kayo ng Pinas?" nilunok ko naman ang kinakain ko bago nagsalita.

"Yon na nga po eh. Gusto ko pong umattend ng kasal nila pero hindi pa rin pumapayag si kuya."

"Aba! Ang batang 'yon talaga. Hayaan mo, akong bahala sa'yo. Kakausapin ko ang lalaking 'yon at sisiguraduhin kong makakauwi kayong dalawa sa Pilipinas." napahagikhik naman ako.

"Talaga po? Thank you tita. The best ka talaga." natawa naman ito. Marami pa kaming pinagkwentuhan bago natapos ang aming kinakain.

Kinabukasan rin ay tumawag si kuya at muli na naman akong sinungitan. Daig pa niya ang asawa niyang buntis kung mag sungit.

Pinagalitan niya ako dahil daw nagsumbong ako kay tita sheila. Na hindi naman totoo. Well partly true pero hindi naman talaga ako nagsumbong eh. Napakwento lang, gano'n.

Magkaiba ang nagkwento sa nagsumbong noh.

Kaya badtrip ito sa 'kin at tinakot ako na hindi niya ako papayagan umuwi dahil daw nagsumbong ako. Syempre hindi ako makakapayag.

Kaya binigay ko kay tita yung cellphone para sila ang magkausap at sinabi kay tita na hindi ako papayagan ni kuya kaya napagalitan na naman siya.

At ako naman si ngiting wagi nang payagan na ako ni kuya. At si kuya naman ay asar na asar dahil sa 'kin.

Wala akong pake kahit na maglupasay pa siya sa pagka-asar. Basta ako, masaya lang dahil sa wakas ay makakauwi na rin ako ng Pilipinas.

Kaya buong buwan ay tinapos ko na lahat ng trabaho ko para kapag uuwi na ako sa pinas ay wala na akong aalalahanin pa. Iiwan ko muna kay cookie ang flower shop.

Mabuti na lang at willing naman siyang mamahala. At ngayon ay hindi na ako mapakaling nagtutupi ng mga dadalhin  naming gamit. Kahit na bukas pa ang flight namin paalis ay agad na akong naglipit para hindi na ako mataranta bukas.

"Mommy. What are you doing?" silas asked after he open our door's room.
Nilingon ko siya at nginitian bago bumalik sa pagliligpit.

"Im packing our things for tomorrow baby. Get your toys... just a few baby. Baka kasi hindi na siya magkasya." his forehead creased in confussion.

"But tomorrow is our flight mommy. You're too excited mommy." i chuckled.

"Mabuti na yung handa baby. Baka kasi may makalimutan tayo kapag bukas pa ako magliligpit diba? Get your toys na baby." umiling naman ito.

"No need mommy. I'll just bring my gadget instead of toys. I don't need toys. Im a grown up man."

Natawa naman ako at lumapit sakanya para guluhin ang buhok niya. Napasimangot naman ito kaya mas lalo akong natawa.

"But you're still a baby, silas. You don't need to rush your life baby. It will come out naturally. You should enjoy being a baby because time will come. Hihilingin mo na sana... naging bata ka na lang." mahina kong sabi habang hinahaplos ko ang pisngi niya.

Totoo naman... kasi kapag bata ka. Wala kang ibang iisipin kundi ang magpapasaya sa'yo. Wala kang poproblemahin sa buhay. Ang problema mo lang ay kung saan ka magtatago kapag nagtatagu-taguan kayo ng mga kalaro mo.

Kasi kapag tumatanda kana. Do'n na papasok ang mga pagsubok mo sa buhay. Mararanasan mo na kung gaano talaga kahirap mabuhay. Hihilingin mo na sana naging bata ka na lang...

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Where stories live. Discover now