"Pero... mabuti po siyang tao papa. Bakit niyo po ba ako pinapalayo sakanya? Kilala niyo ba siya? At bakit niyo siya sinuntok kanina?"

"Listen hija. You can like anybody but don't trust them easily. You just met him..you don't know him very well. Don't be deceived by their attitude towards you anak. Even salt looks like sugar." makahulungang sabi ni papa.

"But at least, let's give him a benefit of the doubt. Im telling you papá, Thunder is nice. You just need to give him a chance to know him better. Please papa."

Ngunit kahit ano pang pangungumbinsi ko sakanya ay sarado na ang isip niya. Bakit ba galit na galit siya kay thunder? Hindi ko nga alam kung anong dahilan niya kung bakit niya sinuntok si thunder.

"My decision won't change, Rafflesia. Go back to your room and get some rest. We're going home tomorrow morning." walang emosyon nitong sabi at tumayo na sa couch.

"Po? Akala ko po ba magsstay tayo ng one week dito?"

"No.. I have to do something for my work. Get rest now. Good night Rafflesia." hinalikan ako nito sa buhok.

"Good night papa."

Pabagsak akong humiga sa kama at napatitig sa taas. Kinulit pa ako ni mama dahil gusto niyang malaman kung anong pinag-usapan ni papa. Pero tumangi ako at sinabing magpapahinga na ako kaya hinayaan na niya ako.

Ngayon ay nandito na ako sa sariling hotel room. Nalulunod na naman ako sa aking isipan.

Bakit wala akong ka alam-alam sa nangyayare sa mga mahal ko sa buhay? Bakit palagi akong clueless sa mga nagaganap?

Bakit pakiramdam ko..lahat sila ay may tinatagong sikreto sa akin. O baka naman napapraning na naman ako.

Una.. yung nakidnap ako. Pangalawa yung pagiging aloof saakin ni kalas. Pangatlo, yung babaeng pupuntahan ni kalas...yung bagong baby niya. Panghuli ay yung nangyari sa pagitan nila papa at thunder sa labas ng hotel room.

Mababaliw na ata ako sa mga naiisip ko. Kailangan ko ng itulog to. Pero paano naman ako makakatulog. Ngayong alam ko na may ibang kasama si kalas ngayon.
Napaupo naman ako at napasabunot sa mahabang buhok. Ano bang nagyayari sa'kin? Ginugulo na ni kalas ang isip ko. Para siyang lason na kumakalat sa aking buong katawan kaya mahirap itong tanggalin.

Napaigtad ako nang may kumatok sa pinto. Napahinga ako ng malalim nang maisip na baka si mama lang iyon. Hindi niya siguro matiis ang magtanong.

Kaya naman binuksan ko ito at nagulat nang hindi mama ang bumungad sa akin kundi ang isang may malaking pangangatawan na nakasuot ng black hoodie at nakamask na itim.

Sisigaw na sana ako nang tanggalin nito ang suot na mask sa bibig. "K-kalas?"

Nagising ako mula sa pagkatulala nang marinig ko ang paglock ng pintuan. Napatingin ako sa lalaking naghuhubad na ng hoodie at naupo sa tabing kama ko.

"A-anong ginagawa mo dito kalas? Akala ko ba kailangan ka nang bago mo este yung tinutukoy mo kanina."

"Nah... I prefer to be with you babydoll. I miss you." nagiwas ako ng tingin para itago ang namumula kong pisngi.

"Umuwi ka na nga. Baka may naghihintay na sayong iba." narinig ko naman itong mahinang tumawa.

"And who is it, hmm." napairap ako nang ngumisi ito ng malaki saakin.

"Wala. Umalis ka na diyan. Matutulog na ako eh. Bakit ka ba kasi nagpunta pa rito."

Nguso kong sabi sakanya. Ngumisi lang ito at matiim akong tinitigan. Nailang naman ako sa paraan ng pagkatitig nito. Naka pajama naman ako at sigurado akong hindi ako masisilipan.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon