9

4.7K 106 0
                                    

Susunduin ako ni Markaus today dahil tinawagan ko siya kagabi. I told him na willing na akong makasama sila and he's happy about it kaya ayon at siya mismo ang susundo sa akin.

I'm excited yet nervous at hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang totoong parents ko. Bukas na daw sila uuwi kaya gusto ni Markaus na nandoon na agad ako bago sila dumating. It will be a surprise kaya pumayag na ako sa gusto niya.

"Wala ka na bang naiwan dito?"

"Wala na kuya."

"Okay, lets go?" He said and I just nodded saka humawak na sa braso niya.

Medyo malayo sa condo ni Kay yung bahay nina Markaus kaya nakatulog ako habang nasa byahe. Ang antukin ko kasi talaga lalo pa at nasa first trimester palang ako ng pagbubuntis ko.

Ang hirap talagang magbuntis lalo na at isa si Cleigh ang pinaglilihian ko na laging wala naman bukod kay Markaus.

"Hey princess, were here."

Naalimpungatan naman ako ng tapikin ako ng marahan ni Markaus sa pisngi.

"Sorry.. Come on nang makapagpahinga ka ng maayos."

"No it's okay." Tinilungan naman niya akong makababa ng kotse at nang tingnan ko ang bahay ay nalula naman ako.

"Welcome home princess." Markaus said as he gestured me their house.

My gosh! Dito na ako titira simula ngayon?? Ang laki laki ng bahay na to! Ay hindi mansyon pala!

Kung malaki na ang bahay ni Cleigh ay doble naman ang bahay na ito. Gosh! Sobrang yaman naman talaga ng family ko!

"Ang laki ng bahay niyo Kuya!" I exclaimed at him

"OUR house princess, bahay natin ito." Anito saka inakbayan ako.

"Ah eh..sabi ko nga kuya."

"Tara na sa loob at ipapakilala kita sa lahat."

Tumango naman ako at nagpatianod na sa kanya papasok sa bahay namin. Gosh! Hindi parin ako makapaniwala at parang nananaginip lang ako. Para lang kasi akong nasa drama, korean drama perhaps!

Pagpasok namin ay sinalubong kami ng mga kasambahay at iilang mga guards. Andami naman nila!

"Everyone, I want you to meet Caella Maureen. She's my sister."

"Magandang umaga Young Lady at kinagagalak po naming makilala kayo." Sambit nilang lahat.

Wow! Young Lady talaga? Sosyal namang pakinggan!

"Kailangan Young Lady talaga ang itawag nila sa akin?"
Bulong ko kay Markaus.

"Yes because your our princess. An only Heiress of this family."

"Eehh!! Nakakailang kuya."

"Masanay kana princess. Go greet them." Tumango naman ako saka nginitian ang mga kasambahay.

"Hello po sa inyo and nice to meet you din po." pagbati ko naman pabalik sa kanila then ipinakilala sila ni Markaus sa akin isa isa. Hindi ko nga matandaan ang pangalan ng iba dahil sa sobrang dami nila.

After noon ay inihatid na ako ni Markaus sa magiging kwarto ko and again, I'm surprised kasi triple ang laki nito sa dating kwarto ko sa bahay. Mas malaki pa nga yata ang kwarto ko kaysa sa kwarto ni Cleigh.

"Kuya, ang laki laki nito!"

"Nah..sakto lang ito para sayo princess and I want you to be comfortable. Do you like it?" Nakangiting sambit niya at tumango naman ako.

Taken by Mr Coldy (A Doctor's Touch) [Completed]✔Where stories live. Discover now