6

5K 106 3
                                    

Mahirap man pero kailangan kong tanggapin ang kalagayan ko. Nandito na ito kaya wala talaga akong choice kung hindi iwanan ang trabaho ko. May café pa naman kaya hindi naman ako totally nawalan ng trabaho. Kaso sayang lang talaga dahil matagal na talaga ako sa industriya tapos mawawala nalang ako bigla.

Walang ibang nakakaalam sa pagbubuntis ko bukod kina Ate Diana, Kuya Saimon at Ate Faith. Were on the same agency kaya alam nila ang tungkol sa akin. Tsaka sasabihin at sasabihin ko din naman sa kanila kung sakali dahil sila ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko bukod sa ibang mga kaibigan ko.

I didn't mentioned it to Kay kasi baka sabihin niya kay Cleigh knowing her na sobrang daldal talaga. Takot kasi talaga akong malaman ni Cleigh kasi baka layuan niya ako at ayokong mangyari yon.

Minsan natetempt akong sabihin kay Cleigh pero dahil pinangungunahan ako ng takot ay hindi ko magawa gawa.

"Baby, are you okay?"

Nagulat naman ako nang magsalita si Cleigh na nasa harap ko.

Nasa bahay kasi kami ngayon at madalas ay dito na talaga siya umuuwi hindi sa bahay niya.

"Ah yes I'm okay."

"Are you sure? Kanina ka pa tulala at hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo." Kunot noong sambit nito.

"Yeah yeah..may iniisip lang kasi ako." sambit ko at mas lalo namang kumunot ang noo niya.

"Tell me the truth, is it true na tumigil ka na sa pagmomodel?" He asked dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Kanino niya nalaman yon?

"Ahm..yeah..thats true. Medyo..nahihirapan kasi akong pagsabayin ang café at pagmomodel kaya ginive-up ko nalang."

"I thought thats your dream?"

"Yeah..pero kasi..gusto kong matutukan ang café." Pagsisinungaling ko sa kanya at buti naman at naniwala siya.

Nang matapos kami sa pagkain ay umalis na siya papunta sa trabaho. He has a medical mission somewhere in Laguna at isang linggo siyang mawawala.

Nang makalabas naman ako ng bahay ay sasakay na sana ako sa kotse ng may isang hindi inaasahang bisita akong nakita.

"Mahal kong pamangkin! Kamusta na?"

"What is this time Tito? Hindi ba pa sapat sa inyo ang binigay kong pera?" Inis kong sambit agad sa kanila.

Kapatid siya ni Papa at simula ng mawala sila ay lagi na nila akong kinakawawa ni Tita pati ng mga pinsan ko.

"Hindi namin kailangan ng pera mo dahil itong bahay nato at ang negosyo mo ang gusto ko."

Mga gahaman talaga kahit kailan!

"No way! Kunin niyo na ang lahat wag lang ang bahay na to at ang café na ako mismo ang nagpalago!"

"Hahaha!! Pasensya na pamangkin pero sa ayaw man o sa gusto mo ay kukunin namin ito sayo. Hindi naman sayo to kaya wala kang ni isang kusing na karapatan dito." Sambit naman ng walang hiyang tiyahin ko na asawa ni Tito.

"Anong wala? Anak ako ng may-ari nito kaya malaki ang karapatan ko dito!" Sigaw ko sa kanilang dalawa at tiningnan sila ng masama.

"Anak?? Sigurado ka? Eh ni hindi ka nga namin kadugo! Isa ka lang namang hamak na ampon ng kapatid ko!" Sigaw ni Tito na agad ko namang ikinagulat.

What?? Ako ampon?? No way!

"Hindi totoo yan. Anak ako nina mama at papa kaya wag na wag niyo akong lolokohin!" I shouted again at them pero tinawanan lang nila ako.

Taken by Mr Coldy (A Doctor's Touch) [Completed]✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن