3

5.8K 115 0
                                    

This day is Cleigh's birthday at ngayon ko lang din nalaman na ako pala ang magiging date niya mamaya sa mismong birthday party niya.

My gosh! Hindi manlang ako nakapaghanda sa susuotin ko dahil akala ko guest lang ako pero hindi pala dahil ako mismo ang date ng birthday celebrant!

"Kay naman eh! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?? Tsaka walang hiya talaga yang pinsan mo! Magkasama kami buong araw kahapon tapos hindi manlang niya nabanggit sa akin?" I told Kay na kausap ko sa cellphone ko ngayon.

'Malay ko bang hindi sinabi ng pinsan ko sayo tsaka don't worry maganda kong beshie, you already have a dress kung yan ang inaalala mo."

"Huh? Paanong meron na? Ginawan mo ako?" I asked her again

'Of course naman beshie! Diba nga sabi ko sayo ako ang bahala sa susuotin mo. Oh by the way, baka nanjan na yan mayamaya sa bahay mo. Magpaganda ka ng bongga mamaya ah para angat na naman ang beauty mo! Tsaka malay mo mahulog na sayo ang pinsan ko.'

"Ewan ko sayong babae ka. Sige na at may gagawin pa ako tsaka thank you narin para sa damit. See you later!"

'Yeah see you beshie!!'

Napapailing nalang ako habang binababa ang tawag tapos ay pinagpatuloy ko na ang ginagawang pagbebake ng cake na para kay Cleigh.

Nang matapos ay agad ko nang inutusan ang isang staff ko para siya na ang bahalang magdala noon sa Venue.

May four hours pa naman ako to prepare kaya hindi ako magmumukhang haggard mamaya.

Kung hindi lang talaga birthday ni Cleigh eh hindi talaga ako aalis ngayon. Bukas kasi ay maaga akong aalis papuntang Palawan para sa outdoor photoshoot ko for a magazine. Ifefeature kasi yung ilang models ng agency at isa na ako doon.

Saktong pagdating ko ng bahay ay siya namang pagdating din ng damit na susuotin ko. At nang tingnan ko naman ito ay agad akong natuwa.

Kay really knows what I like pero sana naman hindi masyadong revealing. Tsaka sobrang fit na fit pa sa akin kaya makikita talaga ang kurba ng katawan ko. It's too sexy yet elegant so hopefully, hindi ako makakakuha ng pansin mamaya.

The night came at ako na sana ang kusang pupunta sa venue kaso pagkalabas ko ng bahay ay naghihintay na pala sa akin ang gwapong date ko slash yung birthday boy.

"Hey!! Bakit pumunta ka pa dito?"

"I just want to fetch you that's why I'm here." Anito saka tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

Medyo nailang naman ako don kaya agad ko siyang binati.

"Happy Birthday Doc." I said dahilan para ngumisi siya.

"Thank you but where's my gift?"

"Later Doc at tara na dahil baka marami nang naghihintay sayo doon." Aya ko na sa kanya pero hindi siya kumilos sa halip ay hinapit pa niya ako papalapit sa kanya.

"Can we just stay here baby?" He said kaya kunot noo ko naman siyang tiningnan

"At bakit naman?"

"Ayokong makita ka nila. You're too sexy and beautiful tonight at gusto kong ako lang ang nakakakita sayo."

At eto na naman po si doc, nagpapakilig na naman. My gosh!!

"Andami mong alam doc. Tara na tsaka mamaya mo na ako titigan okay? " I told him at tumango naman ang loko.

So ayon, umalis na nga kami ng bahay at nang makarating sa venue ay syempre nasa amin ang atensyon ng lahat.

Marami ang bumati sa kanya at iilan sa mga yon ay mga malalapit na kaibigan ng pamilya nila pati narin ang iilang mga katrabaho niya sa ospital na nilipatan.

Taken by Mr Coldy (A Doctor's Touch) [Completed]✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora