5

5.3K 101 0
                                    

Cleigh was mad, I know dahil nasesense ko ang coldness habang nagsasalita siya.

'Maureen, where are you?'

"Nasa Palawan ako ngayon Cleigh. Sorry if I didn't tell you na aalis ako. I have work here thats why nagpunta ako dito."

'Work? What work?'

"We have a photoshoot here for a magazine."

'Hhmm..when are you coming back here?'

"Sa susunod na araw pa. Bakit?"

'Nothing--'

"Baby girl kanina pa kita hinahanap. Tara na sa Villa."
Sambit ng bagong dating na si Kuya Saimon kaya sinenyasan ko muna siya na maghintay.

"Ahm Cleigh I'll go ahead, I'll call you back later. Bye." Agad kong putol sa tawag ni Cleigh at sumunod na kay Kuya Saimon.

"Your boyfriend?" Kuya asked at nginitian ko lang siya.

"Magsisimula na ba tayo Kuya?"

"Yup! Last na daw then pwede na tayong magpahinga."

"Salamat naman kung ganon, kanina pa ako napapagod." I said

Hindi ko kasi alam na kaming dalawa lang talaga ni Kuya Saimon ang ifefeature sa magazine kaya ayon at medyo maraming kailangang kuning mga pictures.

"Hindi ka pa nasanay baby girl. Nga pala, balita ko magkakaroon ka daw ng big break? Congrats." Aniya na ikinatango ko naman.

"Hopefully kuya para pareho na tayong tatlo ni Ate Faith. Nga pala, kamusta na siya tsaka yung baby ninyo?"

"She's fine and also the baby. Tumawag nga siya kanina sa akin at hinahanap ka kaso wala ka naman."

"Sayang, pero di bale ako nalang ang tatawag sa kanya mamaya."

"Thats better. Lets go.?" Aniya saka ako inakbayan. Sumunod lang ako sa kanya and then pinagpatuloy na nga namin ang trabaho.

Mabuti nalang talaga at siya yung kasama ko kasi hindi talaga ako maiilang. Kuya Saimon is like my big brother at sobrang inaalagaan niya ako kapagka nagkakasama kami sa mga projects. Nakakatuwa nga kasi lagi nila akong binibaby ni Ate Faith although ilang taon lang naman ang agwat nila sa akin.

Minsan pa nga ay naiinggit ang ibang ka co-models ko sa akin dahil daw close ako sa kanilang dalawa. Meron pa ngang ilan na sinasabihan pa akong sipsip. Tsk. Kasalanan ko bang mas gusto nila akong makasama at maging kaibigan kaysa sa kanila?

A few moments after and the shoot was done. Finally ay makakagpahinga narin ako and then bukas ay panibagong pictorial na naman.

I was about to sleep nang maalala ko si Cleigh. Hindi kasi kami nakapag-usap ng maayos kanina.

Tatawagan ko sana siya pero baka makaistorbo pa ako  kaya hindi ko nalang tinuloy saka natulog.

The next day ay ilang oras lang ang ginugol namin sa shoot dahil kaunti nalang naman ang kailangan. Then nang matapos ay kanya kanya na kaming ginagawa. Ang iba ay naglibot libot sa isla habang ako naman kasama ang handler ko at assistant niya ay naligo sa dagat.

Hindi namin kasama si Kuya Saimon kasi kailangan niyang umuwi agad. Wala kasing kasama si Ate Faith kaya ayon at hindi na namin siya napigilan.

Masaya naman ang kaunting oras na pag-uunwind namin pero hindi mawala sa isip ko si Cleigh. Hindi na kasi ulit siya tumawag sa akin at kapag ako naman ang tumatawag sa kanya ay hindi naman niya sinasagot.

Maybe he is busy.

I kinda miss him kasi dalawang araw ko na siyang hindi nakikita. Siya kaya namimiss din ako?

Taken by Mr Coldy (A Doctor's Touch) [Completed]✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin